2010
Kantahin ang Pinakamatamis Ninyong Awitin
Hunyo 2010


Mga Bata

Kantahin ang Pinakamatamis Ninyong Awitin

Ikinuwento ni Pangulong Monson ang tungkol sa tatlong kanaryo ni Sister McKee. Dalawa roon ang dilaw ang buong katawan. Mukhang perpekto ang mga ito! Ang pangatlo ay hindi mukhang perpekto dahil may patsa-patsang kulay-abo sa mga pakpak nito. Pero mahal na mahal ito ni Sister McKee dahil napakatamis nitong humuni o umawit.

Pakiramdam ng ilang tao ay hindi sila kasingganda o kasingtalino ng iba. Ngunit bawat tao ay mahalaga sa Panginoon. Maaari tayong maging tapat at matapang at gamitin ang ating mga talento sa paglilingkod sa iba. Sa gayon ay kagaya tayo ng dilaw na kanaryong may kulay-abo sa mga pakpak. Hindi tayo perpekto, ngunit makakanta natin ang pinakamatamis nating awitin!

Kulayan ang larawan ni Sister McKee at ng kanyang espesyal na kanaryo. Pagkatapos ay sumulat ng tatlong paraan na makakanta ninyo ang pinakamatamis ninyong awitin para sa Panginoon.

Makakanta ko ang pinakamatamis kong awitin para sa Panginoon sa pamamagitan ng:

1.

2.

3.