Mga Hanbuk at Calling
28. Mga Ordenansa sa Templo Para sa mga Ninuno


“28. Mga Ordenansa sa Templo Para sa mga Ninuno,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020).

“28. Mga Ordenansa sa Templo Para sa mga Ninuno,” Pangkalahatang Hanbuk.

28.

Mga Ordenansa sa Templo Para sa mga Ninuno

28.0

Pambungad

Ang isang bishop ay dapat sumangguni sa kanyang stake president kung may mga tanong siya tungkol sa mga templo at gawain sa templo na hindi nasagot sa kabanatang ito o sa 38.4. Maaaring iparating ng stake president ang mga tanong sa Office of the First Presidency.

Tinutulungan ng mga stake president at mga bishop ang mga miyembro na maghandang magkaroon ng positibong mga karanasan sa pagsasagawa ng mga ordenansa para sa kanilang mga yumaong ninuno. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng pinagbabatayang doktrina ng gawain sa templo at pagsisiguro na nauunawaan ng mga miyembro ang pahanon ng paghihintay at iba pang mga patakarang may kaugnayan sa gawain sa templo.

28.1

Mga Pangkalahatang Tuntunin

Sa pangkalahatan, ang mga miyembro ay maaaring magsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa mga taong yumao na nang hindi mas maaga sa isang taon mula sa petsa ng kamatayan. Kung ang taong yumao na ay ipinanganak sa loob ng nakaraang 110 taon at ang taong nais magsagawa ng ordenansa ay hindi malapit na kamag-anak (asawa na hindi nadiborsyo, adult na anak, magulang, kapatid), siya ay dapat humingi ng pahintulot mula sa malapit na kamag-anak nito bago magpareserba ng mga ordenansa sa templo.

Ang mga ordenansang isinasagawa para sa mga patay ay may bisa lamang kung pipiliin ng taong yumao na tanggapin ang mga ito at naging kwalipikado na matanggap ang mga ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:19, 32–34).

Para sa mga patakaran sa pagbubuklod, tingnan ang 38.4.

28.2

Pagsasagawa ng mga Ordenansa para sa mga Patay

28.2.1

Sino ang Maaaring Makibahagi sa mga Ordenansa para sa mga Patay

Ang mga miyembrong nasa angkop na edad at may limited-use temple recommend ay maaaring makibahagi sa mga binyag at kumpirmasyon para sa mga patay (tingnan sa 26.4.3). Ang mga miyembrong nakatanggap na ng endowment at may current temple recommend ay maaaring makibahagi sa lahat ng ordenansa para sa mga patay (tingnan sa 26.5).

Ang mga miyembrong may kapansanan ay maaaring gumawa ng gawain sa templo para sa mga patay kung sila ay:

  • Mayroong sapat na kakayahan sa pag-iisip na maunawaan ang ordenansa.

  • Mayroong kakayahang alagaan ang kanilang sarili o may kasamang mga kamag-anak o kaibigan na mayroong temple recommend at makapagbibigay ng tulong kung kailangan.

28.2.2

Mga Binyag at Kumpirmasyon para sa mga Patay

Ang mga organisadong grupo, tulad ng mga pamilya, ward, at stake, na nais makibahagi sa mga ordenansa sa bautismuhan ay karaniwang maagang nakikipag-ugnayan sa templo. Ang mga organisadong grupo ay dapat mayroong kasamang isa o higit pang adult, at sinisiguro nila na may makatwirang bilang ng mga lider na kumakatawan sa bawat kasarian sa grupo. Ang mga adult na ito ay dapat mayroong current temple recommend.

Ang mga kalalakihan at kababaihang tumutulong sa bautismuhan ay hindi kailangang i-set apart bilang mga temple ordinance worker. Ang mga na-endow na kalalakihan, mga hindi pa na-endow na mayhawak ng Melchizedek Priesthood, at mga priest sa Aaronic Priesthood ay maaaring magsagawa ng mga binyag.

Tanging ang mga na-endow na kalalakihan lamang ang maaaring magsagawa ng mga kumpirmasyon at magsilbing recorder sa bautismuhan o sa silid kung saan ginagawa ang kumpirmasyon.

Sinumang miyembro na mayroong current temple recommend, kabilang ang limited-use recommend, ay maaaring magsilbing saksi sa binyag para sa patay. Ang mga adult at kabataang ito ay maaari ding tumulong sa mga gawain sa bautismuhan tulad ng pagtulong sa mga patron, pamamahagi ng mga damit at tuwalya, at kung posible, pagtatala ng mga ordenansa ng binyag at kumpirmasyon sa computer system.

28.3

Partikular na mga Sitwasyon

28.3.1

Mga Miyembrong Hindi Nakapunta sa Templo Bago Namatay

Ang isang taon na paghihintay para sa pagsasagawa ng mga ordenansa sa templo para sa patay ay hindi angkop sa karapat-dapat na mga miyembrong pupunta sana sa templo ngunit nahadlangan na gawin ito sa buhay na ito sa mga kadahilanang hindi nila kayang kontrolin. Maaaring kabilang dito ang mga batang edad 8 pataas at mga kabataang karapat-dapat sa oras ng kamatayan ngunit hindi nila natanggap ang kanilang endowment dahil hindi sila tumuntong sa angkop na edad (tingnan din sa 28.3.4). Ang gayong mga bata at kabataan ay hindi inililibing na suot ang kasuotan sa templo.

Upang maisagawa ang ordenansa, kailangang hawak ng mga miyembro ng pamilya ang temple recommend ng taong yumao na balido noong oras ng pagkamatay niya o isang liham mula sa bishop ng taong iyon na nagpapatunay na karapat-dapat ang taong iyon. Ang temple recommend o liham ay dapat ipakita sa templo bago isagawa ang ordenansa.

28.3.2

Mga Miyembrong Namatay sa Loob ng Isang Taon Pagkatapos ng Binyag

Kung ang isang karapat-dapat na miyembro ay namatay sa loob ng isang taon pagkatapaos mabinyagan at makumpirma, ang mga ordenansa sa templo ay maaaring isagawa kapag lumipas na ang isang taon mula sa petsa nang siya ay makumpirma (tingnan sa 28.3.1).

28.3.3

Mga Batang Namatay Bago Isinilang (Mga Stillborn at Nalaglag na Bata)

Hindi na kailangan ang mga ordenansa sa templo para sa mga batang namatay bago isilang. Hindi nito tinatanggihan ang posibilidad na ang mga batang ito ay maaaring maging bahagi ng pamilya sa kawalang-hanggan. Ang mga magulang ay hinihikayat na magtiwala sa Panginoon at hingin ang Kanyang kapanatagan. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.7.3.

28.3.4

Mga Batang Namatay Bago Sumapit sa Edad na Walong Taong Gulang

Walang isinasagawang binyag o endowment para sa isang batang namatay bago sumapit sa edad na 8 taong gulang. Tanging mga pagbubuklod sa mga magulang ang isinasagawa para sa gayong mga bata. Kung ang bata ay nabuklod sa mga magulang noong nabubuhay pa siya, o kung ang bata ay isinilang sa loob ng tipan, walang isinasagawang mga ordenansa sa pamamagitan ng proxy.

28.3.5

Mga Taong Yumao na Nagkaroon ng mga Kapansanan sa Pag-Iisip

Ang mga ordenansa sa templo ay isinasagawa para sa sumusunod na mga taong yumao na mayroong mga kapansanan sa pag-iisip noong sila ay nabubuhay pa:

Kung malinaw na napag-alaman na ang yumaong tao ay mayroong mga kapansanan sa pag-iisip at walang pananagutan, ang tanging ordenansa na isasagawa ay ang pagbubuklod sa mga magulang kung ang tao ay hindi isinilang sa loob ng tipan. Ang iba pang mga ordenansa sa templo ay hindi na kailangan o hindi na isinasagawa kahit na ang tao ay umabot sa edad na 8 o higit pa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 137:10).

28.3.6

Mga Taong Ipinapalagay na Patay Na

Ang mga ordenansa sa templo ay maaaring isagawa para sa isang taong ipinapalagay na patay na makaraan ang 10 taon magmula nang sandaling ipinalagay o ipinahayag na siya ay patay na. Ang patakaran na ito ay angkop sa (1) mga taong nasa military na hindi alam kung nawawala o patay na, mga nawala habang naglalayag sa karagatan, o idineklarang patay na ng mga awtoridad; at (2) mga taong naglaho sa mga situwasyon na hindi maiiwasan ang kamatayan ngunit walang natagpuang bangkay.

Sa lahat ng iba pang kaso ng mga taong nawawala, ang mga ordenansa sa templo ay hindi maaaring isagawa hanggang sa lumipas ang 110 taon mula nang isilang ang taong iyon.

28.3.7

Mga Taong Nagpakamatay

Maaaring magsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa mga taong nagpakamatay isang taon o higit pa mula sa petsa ng kamatayan.

28.3.8

Mga Taong Binawain ng Pagkamiyembro sa Simbahan o Nagbitiw sa Pagkamiyembro sa Simbahan

Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan upang maisagawa ang mga ordenansa sa templo para sa mga taong yumao na, na sa panahon ng kanilang kamatayan ay binawian ng pagkamiyembro o nagbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan. Dapat sumulat sa Office of the First Presidency ang isang miyembro ng pamilya. Walang form na kailangan. Ang bishop o stake president ay maaaring tumulong sa kahilingang ito kung kailangan.

28.4

Pagpapatunay ng mga Ordenansa Upang Matanggap ang Endowment

Kung minsan ang binyag at kumpirmasyon ng taong yumao na, na isinagawa noong siya ay nabubuhay pa, ay hindi mapatunayan pagkatapos ng masigasig na paghahanap. Kung ang tao ay tumanggap ng endowment sa pamamagitan ng proxy ngunit ang binyag at kumpirmasyon na natanggap niya noong nabubuhay pa siya ay hindi mapatunayan, siya ay dapat binyagan at kumpirmahin sa pamamagitan ng proxy. Hindi na kailangan pang ulitin ang endowment at pagbubuklod pagkatapos ng binyag at kumpirmasyon sa pamamagitan ng proxy.

28.5

Pagpapanumbalik ng mga Pagpapala ng Templo

Ang mga taong tumanggap na ng endowment na binawian ng pagkamiyembro o nagbitiw sa pagkamiyembro sa Simbahan at kalaunan ay muling tinanggap sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon ay maaari lamang matanggap ang kanilang priesthood at mga pagpapala ng templo sa pamamagitan ng ordenansa ng pagpapanumbalik ng mga pagpapala. Ang mga taong ito ay hindi muling inoorden sa mga katungkulan sa priesthood o muling tatanggap ng endowment, dahil ang mga pagpapalang ito ay ipinanunumbalik sa pamamagitan ng ordenansang ito. Para sa impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng ordenansang ito para sa buhay, tingnan ang 32.17.2.

Kailangan ang pag-apruba ng Unang Panguluhan upang maisagawa ang ordenansang ito para sa mga patay. Ang mga kapamilya ng taong yumao na ay maaaring humiling ng pagpapanumbalik ng priesthood at mga pagpapala ng templo para sa kapamilyang yumao na sa pamamagitan ng pagsulat ng isang liham sa Office of the First Presidency. Ang bishop o stake president ay maaaring tumulong sa kahilingang ito kung kailangan.

Ang ilang tao ay hindi tumanggap ng endowment ngunit ipinanganak sa loob ng tipan o ibinuklod sa mga magulang bago binawian ng pagkamiyembro o nagbitiw sa pagkamiyembro. Ang mga taong ito ay hindi na kailangang mabuklod muli pagkatapos muling tanggapin sa pamamagitan ng binyag at kumpirmasyon.

Print