Mga Hanbuk at Calling
6. Pamunuan sa Stake


“6. Pamunuan sa Stake,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2024).

“6. Pamunuan sa Stake,” Pangkalahatang Hanbuk.

lider na kausap ang isang pamilya

6.

Pamunuan sa Stake

6.1

Mga Layunin ng Isang Stake

Inilarawan ni Isaias ang Sion sa mga huling araw bilang isang tolda o isang tabernakulo na nakataling mabuti sa mga tulos o mga stake (tingnan sa Isaias 33:20; 54:2). Ngayon, ang Simbahan ay inorganisa sa mga stake. Ang bawat stake ay binubuo ng ilang ward at pinamumunuan ng isang stake president.

Ang Panginoon ay nagtatag ng mga stake para sa sama-samang pagtitipon ng Kanyang mga tao at para “maging isang tanggulan, at isang kanlungan” mula sa mundo (Doktrina at mga Tipan 115:6). Ang mga miyembro at lider sa isang stake ay nagtutulungan sa paglahok sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa 1.2).

6.2

Stake Presidency

Ang stake president ang maytaglay ng mga susi ng priesthood upang pamunuan ang gawain ng Simbahan sa loob ng stake (tingnan sa 3.4.1). Siya at ang kanyang mga counselor ang bumubuo sa stake presidency. Pinangangalagaan nila ang mga miyembro ng stake nang may pagmamahal at tinutulungan silang maging mga tunay na tagasunod ni Jesucristo.

Ang stake president ay may apat na pangunahing responsibilidad:

  • Siya ang namumunong high priest sa stake.

  • Pinamumunuan niya ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake.

  • Siya ay isang pangkalahatang hukom.

  • Siya ang namamahala sa mga talaan, pananalapi, at ari-arian.

Dahil ang stake president ay may taglay na mga susi ng priesthood, mayroong ilang responsibilidad na siya lamang ang maaaring gumawa. Kung hindi niya kayang gampanan ang mga ito, maaari lamang kumilos sa ngalan niya ang isang counselor kung nakasaad sa hanbuk na ito. Ang stake president o ang kanyang counselor ay sasangguni sa Area Presidency kung may mga tanong siya tanong tungkol sa pagkilos ng counselor sa ngalan ng stake president.

Maaaring italaga ng stake president ang maraming takdang-gawain sa ibang tao. Kabilang sa mga ito ang kanyang mga counselor, mga high councilor, mga lider ng mga organisasyon sa stake, ang stake executive secretary, at ang stake clerk at mga assistant stake clerk.

6.2.1

Namumunong High Priest

Ang stake president ang pangunahing espirituwal na lider ng stake. Siya ay nagpapakita ng halimbawa sa stake sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng Panginoon “nang may kabanalan ng puso” (Mosias 18:12). Siya ay nagtuturo at nagbibigay-inspirasyon.

Ang stake president ay isang matapat na disipulo ni Jesucristo. Siya ay tapat sa kanyang mga tipan. Siya ay tapat sa kanyang asawa at pamilya. Siya ang nagpapakita ng halimbawa ng kabutihan sa kanyang pamilya, sa stake, at sa komunidad. Ang kanyang mga counselor ay mga lalaking gayundin ang pagkatao.

Ang stake president ay gumagabay sa mga bishop at sa iba pang mga lider ng stake.

6.2.1.1

Melchizedek Priesthood

Ang stake presidency ang namumuno sa lahat ng mayhawak ng Melchizedek Priesthood sa stake.

Stake High Priests Quorum. Ang stake president ang pangulo ng stake high priests quorum. Siya at ang kanyang mga counselor ang presidency ng korum na iyon. Ang stake high priests quorum ay binubuo ng sumusunod na karagdagang mga high priest:

  • Mga bishop at kanilang mga counselor

  • Mga high councilor

  • Mga functioning patriarch

Ang mga miyembro ng high priests quorum ay dumadalo sa mga elders quorum meeting sa kanilang ward kung hindi sila inatasang maglingkod sa ibang lugar.

Mga Elders Quorum. Ang stake presidency ang may responsibilidad para sa mga elders quorum (tingnan sa 8.3.3.1).

Mga Ordinasyon sa Melchizedek Priesthood. Ang stake president ang namamahala sa pagkakaloob ng Melchizedek Priesthood. Pinamamahalaan din niya ang mga ordinasyon sa mga katungkulan ng elder at high priest (tingnan sa 18.10.4).

6.2.1.2

Mga Bishopric

Matapos matawag ang mga bagong bishopric, nakikipagkita sa kanila ang stake president upang maturuan sila. Patuloy niyang tinuturuan at hinihikayat ang mga bishop sa regular na mga interbyu, miting, at iba pang mga pagkakataon.

Tinuturuan ng mga miyembro ng stake presidency ang mga bishopric sa kanilang mga responsibilidad sa mga mayhawak ng Aaronic Priesthood at mga kabataang babae.

6.2.1.3

Stake Patriarch

Ang stake president ang nangangasiwa sa gawain ng stake patriarch. Bumubuo siya ng magandang ugnayan dito. Para sa impormasyon tungkol sa pagtawag at pangangasiwa sa stake patriarch, tingnan ang 6.6.

6.2.1.4

Mga Council, Komite, at Miting

Ang stake president ang namumuno sa high council at sa stake council. Pinamumunuan din niya ang stake adult leadership committee (tingnan sa 29.3.8). Inaatasan niya ang kanyang mga counselor na pamahalaan ang sumusunod:

  • Stake youth leadership committee (tingnan sa 29.3.9)

  • Stake young single adult committee

  • Stake single adult committee (kung mayroong inorganisa)

Ang bawat stake president ay miyembro ng isang coordinating council (tingnan sa 29.4).

Ang stake presidency ang nagpaplano ng mga miting sa stake na nakalista sa 29.3. Ang stake presidency ang namumuno sa mga miting sa stake maliban kung may dumadalong General Authority or Area Seventy. Ang mga miting na ito ay maaaring pangasiwaan ng kanyang mga counselor. Maaari din nilang pamunuan ang mga ito kung wala ang stake president.

4:26

6.2.1.5

Mga Pagtawag at Pagrelease

Ang mga responsibilidad ng stake president sa mga pagtawag na maglingkod sa isang calling at pagre-release ay nakasaad sa kabanata 30. Maaari niyang atasan ang kanyang mga counselor at ang mga high councilor na magpaabot ng tawag na maglingkod sa isang calling at pagre-release gaya ng nakasaad sa 30.8. Personal na ipinaaabot ng stake president ang pagtawag na maglingkod sa sumusunod na mga calling. Para sa ilan sa mga ito, kailangan muna niyang tumanggap ng pag-apruba, kung nakasaad.

  • Mga Counselor sa Stake Presidency. Kapag tinawag ang isang bagong stake president, ang namumunong General Authority o Area Seventy ang tumatawag at nagse-set apart ng kanyang mga counselor, na nirekomenda ng bagong stake president. Kapag kailangang i-release o tumawag ng isang counselor sa isang kasalukuyang stake presidency, magsusumite ang stake president ng rekomendasyon sa pamamagitan ng Leader and Clerk Resources (LCR). Maaari niyang interbyuhin, tawagin, at i-set apart ang isang counselor—o i-release ang isang counselor— matapos matanggap ang pag-apruba ng Unang Panguluhan.

  • Stake Patriarch. Maaaring interbyuhin, tawagin, at iorden ng stake president ang isang patriarch matapos matanggap ang pag-apruba ng Korum ng Labindalawang Apostol. Tingnan sa 6.6.1.

  • Mga Bishop. Ang stake president ang nagrerekomenda ng mga lalaking tatawagin bilang bishop. Siya rin ang nagrerekomenda ng pag-release sa kanila. Isinusumite niya ang mga rekomendasyon sa pamamagitan ng LCR. Maaari niyang tawagin, iorden, at i-set apart ang isang bishop—o irelease ang isang bishop—matapos makatanggap ng pag-apruba mula sa Unang Panguluhan. Ipinagkakaloob din niya ang mga susi ng priesthood na nauugnay sa calling na ito. Tingnan sa 30.7.

  • Mga Elders Quorum President. Ang stake president ang tumatawag at nagse-set apart sa mga elders quorum president. Sumasangguni muna siya sa mga bishop. Ipinagkakaloob din niya ang mga susi ng priesthood na nauugnay sa calling na ito. Tingnan sa 8.3.3.1.

  • Stake Relief Society President. Ang stake president ang tumatawag at nagse-set apart sa stake Relief Society president.

Ang mga stake president na hindi magamit ang LCR ay dapat kontakin ang area office para magpasa ng mga rekomendasyon kung kailangan.

6.2.1.6

Mga Organisasyon at Programa ng Stake

Ang stake president ang may responsibilidad sa stake Relief Society. Inaatas niya sa kanyang mga counselor ang mga responsibilidad para sa mga organisasyon ng Young Men, Young Women, Primary, at Sunday School sa stake.

Regular na nakikipagpulong ang mga miyembro ng stake presidency sa mga presidency ng mga organisasyong nakatalaga sa kanila. Sa mga miting na ito:

  • Tinitiyak nila na nauunawaan ng mga presidency ang kanilang mga responsibilidad.

  • Sama-sama nilang tinatalakay ang mga pangangailangan ng mga lider ng mga organisasyon.

Kapag tumawag ng bagong presidency para sa isang organisasyon sa stake, ang stake presidency ay nagbibigay sa kanila ng payo at pananaw ukol sa kanilang gagawing paglilingkod.

Sa Estados Unidos at Canada, ang bagong presidency ng organisasyon ay maaari ding tumanggap ng oryentasyon mula sa general organization council (tingnan sa 5.1.2). Sa ibang lugar, ang bagong presidency ay maaari ding tumanggap ng oryentasyon mula sa area organization adviser (tingnan sa 5.2.5.1). Ang oryentasyong ito ay ginagawa sa ilalim ng patnubay ng stake presidency. Dumadalo rito ang isang miyembro ng stake presidency o isang inatasang high councilor.

Inaatasan ng stake president ang kanyang mga counselor para pamahalaan ang mga programa ng stake kung kailangan. Maaaring kabilang sa mga ito ang:

  • Seminary at institute (tingnan sa kabanata 15).

  • Mga programa para sa mga young single adult at mga single adult (tingnan sa 14.1.1).

  • Mga aktibidad sa stake (tingnan sa 20.3.2).

  • Musika (tingnan sa 19.5).

  • Mga pasilidad ng meetinghouse (tingnan sa 35.2.4).

Regular ding nakikipagpulong ang mga miyembro ng stake presidency sa mga komite, mga high councilor, at mga specialist sa mga programa kung saan sila nakatalaga.

kabataang babae sa leadership meeting

6.2.1.7

Komunikasyon (Public Affairs)

Ang stake presidency ang namamahala sa mga gawain sa komunikasyon ng stake. Ang mga miyembro ng stake presidency ang may pangunahing responsibilidad para sa magandang katayuan ng Simbahan sa komunidad. Hinahangad nilang bumuo ng magandang ugnayan sa mga lider sa pamahalaan at komunidad.

Ang stake president ang pangunahing tagapagsalita ng Simbahan sa news media hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa stake. Maaari niyang italaga sa iba ang tungkuling ito kung kinakailangan.

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Maaaring iorganisa at pamahalaan ng stake president o ng inatasang counselor ang isang stake communication council. Tumutulong ang council na ito sa mga lider ng Simbahan para makabuo ng magandang ugnayan sa mga lider sa pamahalaan at komunidad. Tinutulungan din nito ang mga lider na maging mabisa sa pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng Simbahan at sa publiko.

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Maaaring kabilang sa communication council ang isang stake communication director, mga assistant director, at mga specialist kung kailangan. Sila ay tinatawag at sine-set apart ng stake president o ng isang inatasang counselor o high councilor.

Mayroon ding communication council sa coordinating council level (tingnan sa 29.4). Ito ay kumikilos sa ilalim ng pamamahala ng isang Area Seventy at pinamumunuan ng isang communication director. Ang communication council na ito ay tumutulong sa pag-aayos ng mga ugnayan, kaganapan, at mga usaping kinasasangkutan ng mahigit sa isang stake. Ang director ng council na ito ay nagbibigay ng suporta at training sa mga stake communication council.

Naiiba ang pagkakaorganisa sa communication council sa Utah Area. Ang mga Area Seventy sa Utah Area ay makapagbibigay sa mga stake president ng mga detalye tungkol dito.

Para sa impormasyon tungkol sa mga calling na nauugnay sa komunikasyon, tingnan ang GCN.ChurchofJesusChrist.org .

6.2.2

Pamumuno sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos sa Stake

Ang stake president ang namumuno sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake (tingnan sa kabanata 1). Tinuturuan at hinihikayat niya ang mga lider at miyembro ng stake at ward sa gawaing ito. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor at iba pa.

Tinutulungan niya ang mga miyembro na ipamuhay ang ebanghelyo at palakasin ang kanilang espirituwal na lakas. Tinuturuan niya silang manalangin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Tinuturuan din niya sila tungkol sa tipan na gagawin nila kapag tinanggap nila ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan. Hinihikayat niya silang tuparin ang kanilang mga tipan.

Pinalalakas ng stake president ang mga pamilya. Hinihikayat niya sila na sama-samang manalangin at pag-aralan ang ebanghelyo, pati na sa home evening. Itinuturo niya sa pamamagitan ng salita at halimbawa na maaaring magampanan ang mga calling sa Simbahan nang hindi nagiging sagabal sa pagtupad sa mga responsibilidad sa pamilya. Tinitiyak din niya na ang mga aktibidad sa Simbahan ay sumusuporta sa mga pagsisikap ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak sa kabutihan.

Bukod pa sa pagtulong sa mga miyembro na ipamuhay ang ebanghelyo, pinamamahalaan din ng stake president ang iba pang mga aspekto ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake. Halimbawa:

  • Tinutulungan niya ang mga kalalakihan na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood (tingnan sa 18.10.1).

  • Pinamumunuan niya ang mga pagsisikap na pangalagaan ang mga nangangailangan sa stake (tingnan sa 22.9.1).

  • Pinamamahalaan niya ang gawaing misyonero sa stake at hinihikayat niya ang mga miyembro na ibahagi ang ebanghelyo (tingnan sa 23.5).

  • Pinamamahalaan niya ang mga pagsisikap na palakasin ang mga bagong miyembro sa stake (tingnan sa 23.5).

  • Iniinterbyu niya ang mga maglilingkod bilang missionary (tingnan sa 24.4.2).

  • Pinamamahalaan niya ang gawain sa templo at family history sa stake (tingnan sa 25.3.1).

  • Tinutulungan niya ang mga miyembro na maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo (tingnan sa 27.1).

  • Kasama ang stake Relief Society presidency, tinuturuan at sinusuportahan niya ang mga elders quorum presidency at mga ward Relief Society presidency sa kanilang mga responsibilidad sa gawaing misyonero (tingnan sa 23.6.2) at sa gawain sa templo at family history (tingnan sa 25.2.2).

6.2.3

Pangkalahatang Hukom

Ang stake president ang pangkalahatang hukom sa stake (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:71–74). Taglay niya ang mga susi ng priesthood upang tumanggap ng inspirasyon at gumawa ng mga desisyon hinggil sa espirituwal at temporal na kapakanan ng mga miyembro ng stake. Sa papel na ito, siya ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Magsagawa ng mga interbyu ayon sa nakasaad sa 31.2. Maaari niyang iawtorisa ang kanyang mga counselor para isagawa ang ilang mga interbyu (tingnan sa 31.2.2).

  • Kausapin nang personal ang mga miyembro ng stake na naghahangad ng espirituwal na patnubay, may mabibigat na problema, o nakagawa ng mabibigat na kasalanan. Para sa mga tuntunin, tingnan ang 31.1.

  • Magdaos ng mga membership council kapag nakagawa ng mabibigat na kasalanan ang mga miyembro (tingnan sa kabanata 32).

Sa mga bagay na nangangailangan ng pag-apruba ng Unang Panguluhan, maingat na isinasaalang-alang ng stake president ang kahilingan. Iniinterbyu niya ang tao para matukoy ang kanyang pagkamarapat.

Pagkatapos ng interbyu, isusumite lamang ng stake president ang aplikasyon sa Unang Panguluhan kung maaari niya itong irekomenda para maaprubahan. Inilarawan niya ang mga dahilan ng kanyang pagsuporta.

Isusumite ng stake president ang aplikasyon sa pamamagitan ng Leader and Clerk Resources.

6.2.4

Mga Talaan, Pananalapi, at Ari-arian

Ang stake president ang namamahala sa mga talaan, pananalapi, at ari-arian sa stake. Maaari niyang iatas sa kanyang mga counselor at mga clerk ang karamihan sa mga gawaing nauukol sa mga talaan at pananalapi. Inaatasan niya ang isang high councilor na maging stake building representative at tumulong sa pamamahala sa mga ari-arian.

Tingnan ang sumusunod na mga kabanata para sa karagdagang impormasyon:

6.3

Mga Pagkakaiba ng Awtoridad ng mga District President sa Awtoridad ng mga Stake President

Sa bawat district, isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang tinatawag bilang district president. Taglay niya ang mga susi ng priesthood na kailangan niya para mamuno (tingnan sa 3.4.1.1). Siya ay naglilingkod na tulad ng isang stake president, ngunit may sumusunod na mga pagkakaiba:

  • Siya ay tinatawag at sine-set apart ng mission president, matapos aprubahan ng Area Presidency (tingnan sa 30.8.4). Ang stake president ay tinatawag at sine-set apart ng isang inatasang General Authority o Area Seventy (tingnan sa 30.8.3).

  • Siya ay maaaring isang elder o high priest. Ang stake president ay dapat na isang high priest.

  • Hindi siya pangulo ng high priests quorum. Ang gayong mga korum ay inoorganisa lamang sa mga stake.

  • Isang district president ang namumuno sa lahat ng mayhawak ng priesthood sa district. Gayunman, ang mission president ang namumunong high priest.

  • Sa pag-apruba ng mission president, maaaring interbyuhin ng district president ang isang lalaki na i-oorden bilang elder. Ang pag-apruba na ito ay kailangang ibigay para sa bawat sitwasyon. Ang district president o isang tao sa ilalim ng kanyang pamamahala ay maaari ding (1) ipakilala ang isang lalaki para sa pagsang-ayon at (2) isagawa ang ordinasyon (tingnan sa 18.10.1.3, 18.10.3, at 18.10.4). Gayunman, ang district president ay hindi maaaring mag-orden ng mga patriarch, high priest, o bishop.

  • Sa pag-apruba ng mission president, ang district president ay maaaring mag-set apart ng mga branch president (tingnan sa 18.11). Ang pag-apruba na ito ay kailangang ibigay para sa bawat sitwasyon.

  • Hindi siya nagre-release ng mga full-time missionary. Gayunman, maaari siyang sumama sa isang miyembro ng mission presidency sa release interview. Kung magiging napakahirap para sa isang miyembro ng mission presidency na i-release ang isang partikular na missionary dahil sa layo ng paglalakbay o limitasyon sa oras, maaaring iawtorisa ng mission president ang isang district president na gawin ito (tingnan sa 24.8.2).

  • Hindi siya nagsasagawa ng mga interbyu para sa temple recommend o lumalagda sa mga temple recommend (tingnan sa 26.3.1).

  • Hindi siya nagdaraos ng membership council maliban na lamang kung may awtorisasyon ng mission president (tingnan sa 32.9.5).

  • Karaniwang hindi siya direktang nakikipag-ugnayan sa Area Presidency. Sa halip, siya ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng mission presidency.

Sa mga espesyal na sitwasyon, ang isang district president ay maaaring bigyan ng awtorisasyon na magrekomenda, mag-set apart, at mag-release ng mga missionary. Maaari din siyang bigyan ng awtorisasyon para magsagawa ng mga interbyu para sa temple recommend at lumagda sa mga recommend. Maaari din siyang bigyan ng awtorisasyon na i-set apart ang kanyang mga counselor.

Kung nadarama ng Area Presidency na ang isang district president ay dapat magkaroon ng pinalawak na awtoridad na ito, inirerekomenda nila siya sa Unang Panguluhan. Kung inaprubahan, ito ay para sa taong iyon lamang, at hindi para sa posisyon. Kapag tumawag ng isang bagong district president, hindi nalilipat sa kanya ang pinalawak na awtoridad na ito.

6.4

Stake Executive Secretary, mga Assistant Stake Executive Secretary, Stake Clerk, at mga Assistant Stake Clerk

6.4.1

Stake Executive Secretary at mga Assistant Stake Executive Secretary

Ang stake president o isang inatasang counselor ang tumatawag at nagseset-apart ng isang stake executive secretary. Dapat ay hawak niya ang Melchizedek Priesthood at mayroon siyang current temple recommend.

Ang executive secretary ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Nakikipagpulong sa stake presidency at naghahanda ng agenda o talaan ng mga pag-uusapan kung inatasan.

  • Naglilingkod bilang miyembro ng stake council at dumadalo sa mga high council meeting. Sa patnubay ng stake presidency, nagpa-follow up siya sa mga takdang-gawain na ibinigay sa mga miting na ito.

  • Pinag-uugnay ang mga gawain ng stake sa pagitan ng stake presidency, high council, at iba pang mga lider ng stake.

  • Nag-iiskedyul ng mga appointment para sa stake presidency.

  • Nag-aabiso sa stake presidency kapag may mga miyembrong papasok sa military o naglilingkod na sa military. Sa ilalim ng patnubay ng stake presidency, maaari siyang tumulong sa pag-organisa sa mga oryentasyon sa Simbahan para sa mga miyembro ng stake na papasok sa military (tingnan sa 38.9.3).

  • Nagbibigay ng pagsasanay sa mga bagong ward executive secretary sa lalong madaling panahon pagkatawag sa kanilang maglingkod. Nagbibigay ng patuloy na pagtuturo kung kailangan.

  • Ipinapasa ang mga mensaheng natanggap mula sa mga empleyado at boluntaryo ng Simbahan sa angkop na mga lider ng stake at ward, ayon sa tagubilin ng stake president (tingnan sa 38.8.9).

Isa o dalawang assistant stake executive secretary ang maaaring tawagin kung kailangan. Sila ay tinatawag at sine-set apart ng isang miyembro ng stake presidency. Ang mga kalalakihang ito ay dapat mayroong current temple recommend.

6.4.2

Stake Clerk at mga Assistant Stake Clerk

Ang stake clerk ay tinatawag at sine-set apart ng stake president o ng isang inatasang counselor. Siya ay miyembro ng stake council. Maaari ding tumawag ng mga assistant stake clerk. Ang stake president o isang inatasang counselor ang tumatawag at nagse-set apart sa kanila. Ang mga responsibilidad ng stake clerk at ng mga assistant stake clerk ay nakasaad sa 33.3.2 at 33.3.3.

6.5

High Council

Ang stake presidency ay tumatawag ng 12 high priest upang bumuo ng stake high council (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 102:1; 124:131). Kapag ang isang elder ay tinawag na maglingkod sa high council, siya ay ioorden muna bilang isang high priest bago siya i-set apart.

Sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency, ang mga high councilor ay tumutulong sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos sa stake. Ang kanilang mga responsibilidad ay inilarawan sa sumusunod na mga bahagi.

Ang high council ay hindi nagpupulong bilang isang grupo maliban na lamang kung naroon ang isang miyembro ng stake presidency upang mamuno.

6.5.1

Kumatawan sa Stake Presidency

Ang stake presidency ay nag-aatas ng isang high councilor para sa bawat ward sa stake.

Ang stake presidency ay nag-aatas din ng high councilor para sa bawat elders quorum sa stake. Sa papel na ito, tinuturuan ng mga high councilor ang mga bagong tawag na elders quorum presidency. Kabilang dito ang pagtuturo mula sa mga kabanata 1–4 at 8 ng hanbuk na ito.

Ang mga high councilor na naatasan sa mga elders quorum ay regular na nakikipagpulong sa mga lider ng korum para gawin ang mga sumusunod:

  • Alamin ang kanilang mga pangangailangan.

  • Magbigay ng suporta.

  • Ituro sa kanila ang kanilang mga responsibilidad, kabilang na ang sa gawaing misyonero (tingnan sa 23.6.2) at gawain sa templo at family history (tingnan sa 25.2.2).

  • Maghatid ng impormasyon mula sa stake presidency.

  • Talakayin kung paano tutulungan ang mga miyembro ng korum na nangangailangan ng kanilang susunod na ordenansa. Ang impormasyong ito ay makukuha ng mga lider ng elders quorum sa LCR.

Kung kailangan o inanyayahan, dumadalo sila sa mga elders quorum meeting at mga quorum presidency meeting. Paminsan-minsan, maaaring anyayahan ng elders quorum presidency ang high councilor na samahan sila habang nagmiminister sila sa mga miyembro ng ward.

Kapag inanyayahan o inatasan, ang mga high councilor ay dumadalo sa mga bishopric meeting at ward council meeting.

Maaaring mag-atas ang stake presidency ng mga high councilor na magtuturo sa mga sumusunod ng kanilang mga responsibilidad sa gawain sa templo at family history at sa gawaing misyonero:

  • Mga elders quorum presidency

  • Mga ward mission leader

  • Mga ward temple and family history leader

Maaaring atasan ang isa o higit pang mga high councilor na pamunuan ang mga pagsisikap na ito sa stake. Gayunman, lahat ng high councilor ay may ganitong mga responsibilidad para sa mga ward at elders quorum na iniatas sa kanila.

Ang mga high councilor ay nakikipagsanggunian sa stake presidency at sinasang-ayunan ang kanilang mga desisyon sa pag-orden sa mga kalalakihan sa mga katungkulan ng elder at high priest. Maaaring iawtorisa ng stake president ang mga high councilor na kumatawan sa kanya kapag inorden ang mga kalalakihan sa mga katungkulang ito. Tinitiyak ng mga high councilor na ito na naisagawa nang tama ang ordenansa.

Ang mga high councilor ay nakikipagsanggunian sa stake presidency at sinasang-ayunan ang kanilang mga desisyon sa pagbibigay ng mga calling sa mga miyembro. Maaaring iawtorisa ng stake president ang mga high councilor na magbigay ng mga calling, magpakilala ng mga miyembrong sasang-ayunan, at mag-set apart ng ilang miyembro. (Tingnan sa 30.8.)

Ang stake presidency ay nag-aatas ng mga high councilor na makikipagtulungan sa mga organisasyon ng stake Young Women at stake Primary. Kapag ang miyembro ng stake presidency ay nakikipagpulong sa isa sa mga presidency ng mga organisasyong ito, dumadalo rin ang high councilor. Ang mga inatasang high councilor ay dumadalo rin sa mga stake leadership meeting para sa mga organisasyong ito.

icon, opsiyonal na resources Maaaring mag-atas ang stake presidency ng mga high councilor para tumulong sa mga programang nakalista sa 6.2.1.6. Maaari din nilang atasan ang isang high councilor na tumulong sa mga pangangailangan ng mga miyembrong may kapansanan (tingnan sa 38.8.27).

icon, opsiyonal na resources Maaaring mag-atas ang stake presidency ng mga high councilor para kumatawan sa kanila sa pagsasalita sa mga sacrament meeting at iba pang mga pulong. Ang stake presidency ang tumutukoy sa dalas ng mga tungkulin sa pagsasalita. Hindi kinakailangan na magsalita ang mga high councilor sa sacrament meeting bawat buwan. Maaari ding atasan ng stake presidency ang mga miyembro ng presidency ng mga organisasyon sa stake na magsalita sa mga pulong na ito (tingnan sa 6.7.1 at 6.7.2).

mga lalaking nag-uusap

6.5.2

Maglingkod sa mga Stake Council at mga Komite

Lahat ng mga high councilor ay naglilingkod sa stake council.

Sa iilang mga sitwasyon, ang mga high councilor ay nakikibahagi sa mga stake membership council (tingnan sa 32.9.2).

Maaaring atasan ng stake presidency ang mga high councilor na maglingkod sa iba pang mga komite. Halimbawa, ang mga high councilor na inatasang makipagtulungan sa mga elders quorum ay naglilingkod sa stake adult leadership committee (tingnan sa 29.3.8).

6.5.3

Maglingkod Bilang mga Lider ng mga Organisasyon ng Stake

Ang stake presidency ay tumatawag at nagse-set apart ng isang high councilor na maglilingkod bilang stake Young Men president (tingnan sa 6.7.2). Sila ay tumatawag at nagse-set apart ng isang pang high councilor para maging stake Sunday School president (tingnan sa 6.7.1).

6.6

Stake Patriarch

Ang patriarch ay isang katungkulan sa Melchizedek Priesthood. Ang mga patriarch ay tinatawag at inoorden upang magbigay ng mga patriarchal blessing sa mga karapat-dapat na miyembro ng Simbahan. Isinasaad sa bahaging ito ang mga responsibilidad ng stake president para sa stake patriarch. Para sa impormasyon tungkol sa mga patriarchal blessing, tingnan ang sumusunod na mga sanggunian:

  • Mga bahagi 18.17 at 38.2.10 ng hanbuk na ito

  • Information and Suggestions for Patriarchs

  • Worldwide Leadership Training Meeting: The Patriarch

Tingnan ang Information and Suggestions for Patriarchs para sa impormasyon tungkol sa:

  • Mga patriarch na binigyan ng nonfunctioning status.

  • Mga patriarch na lumipat sa ibang stake.

6.6.1

Pagtawag, Pagsang-ayon, at Pag-orden ng Stake Patriarch

Ang patriarch ay dapat isang karapat-dapat na mayhawak ng Melchizedek Priesthood. Dapat ay may husto siyang kaalaman at pag-unawa tungkol sa ebanghelyo at sensitibo sa patnubay ng Espiritu. Dapat ay natanggap na niya ang kanyang sariling patriarchal blessing. Karaniwan ay nasa edad 55 pataas na siya. Dapat ay may asawa siya kapag tinawag siyang maglingkod.

Ang Korum ng Labindalawang Apostol ang namamahala sa pagtawag ng mga stake patriarch (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:39). Ang stake president ay maaaring magrekomenda kung sino ang tatawagin. Isinusumite niya ang mga rekomendasyon sa pamamagitan ng LCR. Sa paggawa ng rekomendasyon, ang stake president ay dapat mag-ayuno at manalangin para patnubayan siya ng Espiritu. Ang kanyang mga counselor ay dapat sang-ayon sa rekomendasyon.

Kung inaprubahan ng Korum ng Labindalawang Apostol ang rekomendasyon, ang stake president ay maaaring bigyan ng awtorisasyon para interbyuhin at tawaging maglingkod ang patriarch. Pagkatapos ay ipakikilala niya ang patriarch sa pangkalahatang sesyon ng susunod na stake conference para sa pagsang-ayon.

Ang stake president ang nag-oorden sa patriarch. Hindi niya itinatalaga sa kanyang mga counselor ang responsibilidad na ito. Walang ibang tao ang maaaring tumayo kasama niya at makibahagi sa pagsasagawa ng ordinasyon. Ang bagong patriarch ay inoorden muna sa katungkulang iyon at pagkatapos ay ise-set apart para maglingkod sa isang partikular na stake. Ang isang dati nang naorden na patriarch na ibinabalik sa functioning status ay hindi muling inoorden. Gayunman, siya ay isine-set apart.

Ang ordinasyon ay dapat itala sa LCR para ma-access ng patriarch ang online tools para sa mga patriarch.

Ang isang functioning patriarch ay miyembro ng stake high priests quorum.

6.6.2

Pagtawag ng Pangalawang Stake Patriarch

Karaniwang hindi inaaprubahan ng Korum ng Labindalawa ang pagtawag sa pangalawang patriarch para sa isang stake maliban kung hindi kayang ibigay ng isang patriarch ang lahat ng kahilingan para sa patriarchal blessing. Hindi rin karaniwang inaaprubahan ng Korum ng Labindalawa ang pagkakaroon ng karagdagang patriarch dahil ang isang stake ay:

  • May napakalawak na sakop na lugar.

  • Kinabibilangan ng mga miyembro na hindi nagsasalita ng wika ng karamihan.

Kung ang isang stake ay may mga miyembro na nagsasalita ng iba’t ibang wika, maaari silang bigyan ng awtorisasyon ng bishop at stake president na pumunta sa patriarch sa kalapit na stake na makapagbibigay ng patriarchal blessing sa sarili nilang wika.

dalagita na binabasbasan

6.6.3

Pagbibigay ng Tagubilin sa Bagong Tawag na Stake Patriarch

Tinuturuan ng stake president ang bagong tawag na stake patriarch bago ito magsimulang magbigay ng mga patriarchal blessing. Itinuturo niya sa patriarch ang sagrado at naghahayag na katangian ng tungkulin nito. Maingat niyang nirerebyu kasama ng patriarch ang mga tagubilin na matatagpuan sa sumusunod:

  • Information and Suggestions for Patriarchs

  • Worldwide Leadership Training Meeting: The Patriarch

6.6.4

Pagsubaybay sa Gawain ng Stake Patriarch

Ang stake president ang namamahala sa gawain ng patriarch na tulad ng nakasaad sa Information and Suggestions for Patriarchs. Hindi niya itinatalaga sa kanyang mga counselor ang responsibilidad na ito. Nakikinabang ang patriarch sa malapit na pakikipag-ugnayan sa kanyang stake president.

Kinakausap nang personal ng stake president ang patriarch nang hindi bababa sa dalawang beses kada taon. Tinatalakay nila ang damdamin ng patriarch tungkol sa gawain, ang kalusugan at kapakanan ng kanyang pamilya, at iba pang bagay kung saan kailangan niya ng payo.

Nirerebyu ng stake president ang mga basbas na ibinigay ng patriarch nang hindi bababa sa dalawang beses kada taon. Kung kailangan, maaari siyang magbigay ng pangkalahatang mga mungkahi tungkol sa nilalaman ng mga basbas ng patriarch.

Tinitiyak ng stake president na ang mga kopya ng mga naisulat na basbas ay naibibigay kaagad sa mga taong tumanggap ng basbas. Tinitiyak din niya na lahat ng basbas ay naisusumite sa headquarters ng Simbahan. Ang mga basbas ay dapat isumite sa pamamagitan ng Patriarchal Blessing System sa ChurchofJesusChrist.org. Sa mga lugar na hindi ma-access ang system na ito, ang mga basbas ay dapat ipadala sa pamamagitan ng koreo sa sumusunod na address nang hindi bababa sa isang beses kada amin na buwan:

Church History Library

Attn: Patriarchal Blessings

15 East North Temple Street

Salt Lake City, UT 84150-1600

6.6.5

Pagiging Kumpidensyal ng mga Patriarchal Blessing

Tinitiyak ng stake president na pagkatapos ibigay ng patriarch ang kopya ng patriarchal blessing sa tumanggap nito at pagkatapos isumite sa headquarters ng Simbahan, lahat ng papel at electronic na kopya ay sisirain o buburahin. Tinitiyak ng patriarch na lahat ng basbas na binura na sa kanyang computer ay hindi na maaaring makuhang muli.

6.6.6

Mga Patriarch na Tinawag na Maglingkod sa Iba pang Katungkulan sa Simbahan

Ang isang patriarch ay hindi maaaring tawaging maglingkod sa isang katungkulan sa pangangasiwa sa Simbahan maliban kung naunang inaprubahan ng Korum ng Labindalawang Apostol. Kabilang sa gayong mga katungkulan ang miyembro ng bishopric; high council; o stake, mission, o temple presidency. Kung inaprubahan ito, ang patriarch ay binibigyan ng nonfunctioning status.

Ang patriarch ay maaaring tawaging maglingkod sa iba pang mga calling nang walang pag-apruba mula sa Korum ng Labindalawa. Maaari din siyang maglingkod bilang sealer o temple ordinance worker.

6.6.7

Mga Tagasulat ng mga Patriarchal Blessing

Ang stake president o isa sa kanyang mga counselor ay maaaring tumawag at mag-set apart ng isang karapat-dapat at bihasang miyembro ng stake para i-transcribe (isulat o i-type) ang mga patriarchal blessing, maliban kung kaya at nais ng patriarch na siya mismo ang gumawa nito. Maaaring tumawag ng mahigit sa isang tagasulat kung kailangan.

Dapat ipaliwanag sa tagasulat na ang bawat patriarchal blessing ay sagrado at kumpidensyal. Hindi dapat magtabi ang tagasulat o patriarch ng kopya ng mga basbas. (Tingnan sa 6.6.5.)

6.7

Mga Organisasyon sa Stake

Ang mga organisasyon ng Relief Society, Young Women, Primary, Sunday School, at Young Men sa stake ay pinamumunuan ng isang president. Ang mga president na ito ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency.

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Sa malalaking stake, ang president ng isang organisasyon ay maaaring magrekomenda ng isa o dalawang counselor at isang secretary na maglilingkod kasama niya. Isinasaalang-alang ng stake presidency ang mga rekomendasyong ito.

Ang pangunahing responsibilidad ng mga lider na ito ay tulungan ang stake presidency at turuan at suportahan ang mga presidency ng mga organisasyon sa ward. Hindi nila ginagawa ang mga gawain na dapat ay ginagawa sa ward o sa pamilya. Hindi rin sila gumagawa ng mga karagdagang responsibilidad para sa mga presidency ng mga organisasyon sa ward.

6.7.1

Stake Relief Society, Young Women, Primary, at Sunday School Presidency

Ang stake president ay tumatawag at nagse-set apart ng isang babaeng maglilingkod bilang stake Relief Society president. Ang stake president o isang inatasang counselor ang tumatawag at nagse-set apart ng mga babaeng maglilingkod bilang stake Young Women president at stake Primary president. Kung tumawag ng mga counselor at mga secretary, isang miyembro ng stake presidency o isang inatasang high councilor ang tumatawag at nagse-set apart sa kanila.

Ang stake presidency ay tumatawag at nagse-set apart ng isang high councilor na maglilingkod bilang stake Sunday School president.

Ang mga miyembro ng mga presidency na ito ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Maglingkod sa stake council (mga president lamang). Makilahok sa mga pagsisikap na patatagin ang pananampalataya at palakasin ang mga indibiduwal at mga pamilya sa stake.

  • Turuan ang mga bagong tawag na mga presidency ng mga organisasyon sa ward. Kabilang dito ang pagtuturo mula sa mga kabanata 1–4 ng hanbuk na ito at ng kabanata para sa kanilang organisasyon.

  • Magbigay ng patuloy na suporta at pagtuturo. Regular silang nakikipag-ugnayan sa mga presidency ng mga organisasyon sa ward upang malaman ang kanilang mga pangangailangan, talakayin ang mga pangangailangan ng mga miyembrong pinaglilingkuran nila, at maghatid ng impormasyon mula sa stake presidency. Planuhin kasama ng mga lider ng ward na bisitahin ang kanilang mga miting at klase paminsan-minsan.

  • Turuan ang mga presidency ng mga organisasyon sa ward sa mga stake leadership meeting (tingnan sa 29.3.4). Ang mga ito ay karaniwang ginaganap isang beses kada taon. Maaaring pahintulutan ng stake presidency ang pangalawang miting kung hindi ito magiging pabigat sa mga makikilahok. Maaaring humiling ang mga bishop ng karagdagang pagtuturo para sa mga presidency ng mga organisasyon sa ward.

  • Magsanggunian sa kanilang sariling mga presidency meeting (kung may tinawag na mga counselor). Regular na makipag-ugnayan sa miyembro ng stake presidency na namamahala sa kanilang paglilingkod.

  • Dumalo sa mga coordinating council meeting kapag inanyayahan ng Area Seventy (tingnan sa 29.4).

  • Magbigay ng mensahe sa mga sacrament meeting at iba pang mga pulong kapag inanyayahan ng stake presidency.

  • icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Sa malalaking stake, magbigay ng mga rekomendasyon sa stake presidency para sa mga counselor at iba pang tatawagin para maglingkod sa kanilang mga organisasyon kung kailangan. Tingnan ang 30.1.1 at 30.1.5 para sa mga tuntunin.

icon, opsiyonal na resources Paminsan-minsan ay maaaring pagsama-samahin ng mga stake Relief Society, Young Women, at Primary presidency ang mga aktibidad ng kanilang mga organisasyon. Maaaring kabilang sa mga aktibidad na ito ang lahat ng kababaihan, kabataang babae, at batang babae edad 8 pataas sa stake. Ang gayong mga aktibidad ay maaaring idaos kasama ang ibang stake. Ang mga presidency ay magkakasamang nagsasanggunian upang magrekomenda sa stake presidency ng mga pinagsama-samang aktibidad (tingnan sa 20.3.1). Ang gayong mga aktibidad ay ginaganap bilang kapalit ng isa sa mga aktibidad ng stake Relief Society (tingnan sa 6.7.1.1).

6.7.1.1

Mga Karagdagang Responsibilidad ng Stake Relief Society Presidency

Ang stake Relief Society presidency ay may sumusunod na mga karagdagang responsibilidad:

  • Maglingkod sa stake adult leadership committee (tingnan sa 29.3.8). Kung may tinawag na secretary, siya ay inaanyayahan ding dumalo rito.

  • Ituro sa mga ward Relief Society president ang mga alituntunin ng ministering at pangangalaga sa mga nangangailangan. Tinutulungan nila silang maunaawan ang kanilang papel sa pagtulong sa mga bishop sa mga usapin tungkol sa temporal na mga pangangailangan at self-reliance.

  • Ituro sa mga ward Relief Society presidency ang kanilang mga responsibilidad sa gawaing misyonero (tingnan sa 23.6.2) at gawain sa templo at family history (tingnan sa 25.2.2).

  • Palakasin ang mga single adult na babae sa stake. Kung ang stake ay mayroong isang young single adult committee, naglilingkod dito ang isang miyembro ng stake Relief Society presidency. Kung ang stake ay mayroong single adult committee, naglilingkod din dito ang isang miyembro ng stake Relief Society presidency. (Tingnan sa 14.1.1.2.)

  • Pag-ugnayin ang mga pagsisikap ng stake Relief Society sa oras ng emergency.

icon, opsiyonal na resources Ang stake Relief Society presidency ay maaaring magplano at magdaos ng isa o dalawang miting bawat taon para sa lahat ng Relief Society sister sa stake. Ang mga miting na ito ay idinaraos sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga paglilingkod, klase, proyekto, kumperensya, o workshop. Ang stake Relief Society presidency ay maaaring bumuo ng mga komite upang tumulong kung kailangan.

6.7.1.2

Mga Karagdagang Responsibilidad ng Stake Young Women Presidency

Ang stake Young Women presidency ay may sumusunod na mga karagdagang responsibilidad:

  • Maglingkod sa stake youth leadership committee (tingnan sa 29.3.9). Kung may tinawag na secretary, siya ay inaanyayahan ding dumalo rito.

  • Sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency, magplano at mag-organisa ng mga aktibidad at camp ng Young Women sa stake.

6.7.1.3

Mga Karagdagang Responsibilidad ng Stake Primary Presidency

icon, opsiyonal na resources Maaaring magplano paminsan-minsan ang stake Primary presidency ng mga aktibidad sa stake para sa mga batang edad 8 hanggang 11. Ang mga aktibidad na ito ay maaaring para sa mga babae, lalaki, o pareho. Sinusunod nila ang mga tuntunin sa 12.2.1.3.

babaeng kasama ang mga bata

6.7.1.4

Mga Karagdagang Responsibilidad ng Stake Sunday School Presidency

Ang stake Sunday School presidency ay may sumusunod na mga karagdagang responsibilidad:

  • Nagsisilbi silang mga specialist sa mga pagsisikap ng stake na mapagbuti ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo.

  • Tumutulong sa pag-oorganisa ng mga resource center sa stake kung angkop (tingnan sa 13.7.2).

6.7.2

Stake Young Men Presidency

Ang stake presidency ay tumatawag at nagse-set apart ng isang high councilor na maglilingkod bilang stake Young Men president. Ang mga miyembro ng high council na naatasan sa Young Women at Primary ay maaaring tawagin at i-set apart para maglingkod bilang kanyang mga counselor.

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop Sa isang malaking stake, isa o dalawang mayhawak ng Melchizedek Priesthood mula sa stake ang maaaring tawagin na maging mga counselor. Ang isang mayhawak ng priesthood ay maaari ding tawagin bilang secretary (tingnan sa 6.7.3). Ang stake Young Men president ang nagrerekomenda kung sino ang tatawagin. Tingnan ang 30.1.1 at 30.1.5 para sa mga tuntunin. Ang mga counselor at secretary ay tinatawag at sine-set apart ng isang miyembro ng stake presidency o ng isang inatasang high councilor.

Ang stake Young Men presidency ay may sumusunod na mga responsibilidad:

  • Maglingkod sa stake council (president lamang, maliban kung ang kanyang mga counselor ay mga high councilor). Makilahok sa mga pagsisikap na patatagin ang pananampalataya at palakasin ang mga indibiduwal at mga pamilya sa stake.

  • Maglingkod bilang resource ng mga bishopric sa kanilang mga responsibilidad sa mga kalalakihan ng Aaronic Priesthood. Maaaring kabilang dito ang pagtulong sa kanila na maunawaan ang kanilang mga tungkulin sa mga Aaronic Priesthood quorum, kung inatasan ng stake president.

  • Regular na magsanggunian sa kanilang mga presidency meeting. Regular na makipag-ugnayan sa miyembro ng stake presidency na namamahala sa kanilang paglilingkod.

  • Maglingkod sa stake youth leadership committee (tingnan sa 29.3.9). Kung may tinawag na secretary, siya ay inaanyayahan ding dumalo rito.

  • Sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency, magplano at mag-organisa ng mga aktibidad at camp ng Aaronic Priesthood sa stake.

  • Magbigay ng mensahe sa mga sacrament meeting at iba pang mga pulong kapag inanyayahan ng stake presidency.

  • Dumalo sa mga coordinating council meeting kapag inanyayahan ng Area Seventy (tingnan sa 29.4).

Ang stake Young Men presidency ay hindi nagdaraos ng stake leadership meeting. Ang pagtuturo sa mga may responsibilidad sa mga Aaronic Priesthood quorum ay ibinibigay sa mga stake priesthood leadership meeting (tingnan sa 29.3.3).

6.7.3

icon, mga tuntunin sa pag-aangkop
Mga Secretary ng mga Organisasyon sa Stake

Karaniwang sa malalaking stake lamang tumatawag ng mga secretary para sa mga organisasyon sa stake. Isang miyembro ng stake presidency o isang inatasang high councilor ang tumatawag at nagse-set apart sa kanila. Sa ilalim ng pamamahala ng mga president ng mga organisasyon sa stake, sila ay maaaring magkaroon ng sumusunod na mga responsibilidad:

  • Maghanda ng mga agenda o talaan ng pag-uusapan para sa mga presidency meeting.

  • Magtala ng mga pinag-uusapan sa mga presidency meeting at subaybayan ang mga takdang-gawain.

  • Mag-ingat ng iba pang mga talaan at maghanda ng mga report ayon sa kahilingan ng presidency.

  • Tulungan ang presidency na ihanda ang taunang budget para sa kanilang organisasyon. Itala at subaybayan ang mga gastusin.

  • Magbigay ng training sa mga secretary ng mga organisasyon sa ward, kung hinilingan. Maaaring kabilang dito ang pagtuturo tungkol sa pagtatala at pagrereport ng attendance.

6.8

icon, opsiyonal na resources
Mga Stake Specialist

Ang stake presidency ay maaaring tumawag at mag-set apart ng mga specialist kung kailangan para sa mga layuning tulad ng:

  • Musika (tingnan sa 19.5.3)

  • Welfare at self-reliance (tingnan sa 22.9.4)

  • Interpretation coordinator (tingnan sa 29.9)