Nakakonekta sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga Tipan at mga Ordenansa
Training Outline para sa Mga Area, Coordinating, Mission, Stake, Ward, at Branch Council
Sa tagubiling ito, makakikita at makaririnig kayo ng mga karanasan ng mga anak ng ating Ama sa Langit na nasa iba’t ibang yugto sa landas ng pagiging nakakonekta sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga tipan at mga ordenansa. Maririnig ninyo kung paano sila natulungan ng pagmamahal, pagbabahagi, at pag-anyaya na sumulong sa landas ng tipan nang may kagalakan. Maaari ninyong matukoy kung paanong ang pagbabahagi ng ebanghelyo, gawain sa templo at family history, at pangangalaga sa mga nangangailangan ay pawang may mahalagang papel na ginagampanan. Ngunit higit sa lahat, maaari ninyong mapansin kung paanong ang lahat ng bagay na ito ay “[tinitipon] … kay Cristo” (Efeso 1:10).
Yugto ng Buhay 1: Mga Bata
Panoorin ang video ni President Joy D. Jones at ng mga bata, at pagkatapos ay talakayin kung ano ang sisimulan at gagawin ninyo upang matulungan ang mga bata na maikonekta ang kanilang sarili sa Tagapagligtas sa landas ng tipan.
-
Ano ang itinuro sa atin ng Espiritu habang pinanonood natin ang video na ito?
-
Paano nakatutulong sa mga bata ang mga alituntuning magmahal, magbahagi, at mag-anyaya habang sinisikap nilang ibahagi ang ebanghelyo?
-
Paano nakatutulong sa mga bata ang paglilingkod upang manatili sa landas ng tipan pagkatapos ng binyag?
Yugto ng Buhay 2: Mga Kabataan
Panoorin ang video nina President Bonnie H. Cordon at President Stephen J. Lund at ng mga kabataan, at pagkatapos ay talakayin kung ano ang sisimulan at gagawin ninyo upang matulungan ang mga kabataan na maikonekta ang kanilang sarili sa Tagapagligtas sa landas ng tipan.
-
Paano natin matutulungan ang mga kabataan na tuparin ang kanilang mga tipan sa binyag at maghanda para sa susunod na hakbang sa landas ng tipan?
-
Paano nakatutulong sa mga kabataan ang mga alituntuning magmahal, magbahagi, at mag-anyaya upang makibahagi sa gawain sa templo at family history?
-
Paano natin matutulungan ang mga kabataan na makadama ng pag-asa at pagiging kabilang kapag nakakonekta na sila sa Tagapagligtas?
Yugto ng Buhay 3: MGA YOUNG ADULT
Panoorin ang video ni President Mark L. Pace at ng mga young adult, at pagkatapos ay talakayin kung ano ang sisimulan at gagawin ninyo upang matulungan ang mga young adult na maikonekta ang kanilang sarili sa Tagapagligtas sa landas ng tipan.
-
Ano ang matututuhan natin kapag tayo ay minamahal, binabahaginan, at inaanyayahan ng iba?
-
Paano natin matutulungan ang mga young adult na makadama ng pag-asa at pagiging kabilang habang sila ay nagiging higit na self-reliant at naglilingkod sa iba? Paano natin sila matutulungan na malaman na kailangan sila sa Simbahan ng Panginoon?
-
Ano ang papel na ginagampanan ng mga makabuluhang aktibidad sa Simbahan at ng mga mapagmalasakit na lider sa pagkonekta ng mga young adult sa Tagapagligtas?
Yugto ng Buhay 4: Mga Adult
Panoorin ang video ni President Jean B. Bingham at ng mga adult, at pagkatapos ay talakayin kung ano ang sisimulan at gagawin ninyo upang matulungan ang mga adult na maikonekta ang kanilang sarili sa Tagapagligtas sa landas ng tipan.
-
Paano nakapagdudulot ng paggaling at nakatutulong sa atin ang ating mga tipan na manatili sa landas—maging sa mahihirap na panahon?
-
Anong mga paraan ang nahanap natin na makatutulong sa mga miyembro na maikonekta sa Tagapagligtas ang kanilang sarili at ang iba sa pamamagitan ng mga tipan at mga ordenansa?
-
Paano tayo natutulungan ng pagkakaroon ng espirituwal na self-reliance na magmahal, magbahagi, at mag-anyaya?
Resources para sa Mga Area, Coordinating, Mission, Stake, Ward, at Branch Council
Para sa Mga Bata at Kabataan
Buod ng Mga Bata at Kabataan
Ang programang Mga Bata at Kabataan ay naglalayong palakasin ang pananampalataya ng bagong henerasyon kay Jesucristo at tulungan ang mga bata, kabataan, at ang kanilang mga pamilya na sumulong sa landas ng tipan habang hinaharap nila ang mga hamon ng buhay. Ito ay tumutulong sa mga bata at kabataan sa kanilang mga pagsisikap na makibahagi sa pagtitipon ng Israel at sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay nakasentro sa tahanan at sinusuportahan ng simbahan.
Mga Inaasahan sa Bagong Henerasyon
Ang Mga Bata at Kabataan ay tumutulong sa bagong henerasyon na umunlad sa maraming paraan, pati sa pamamagitan ng paghahayag, kalayaang pumili, at mga ugnayan. Ang mga indibiduwal ay natututong tumanggap ng personal na paghahayag at kumilos ayon dito habang ginagamit nila ang kalayaang pumili at pumipili sila ng mga pagkakataong umunlad para sa kanilang sarili. Nangyayari din ito habang natututo ang mga kabataan na mamuno sa mga quorum at class presidency. Nagkakaroon sila ng matibay na ugnayan sa kanilang mga pamilya, kanilang mga lider, at sa ibang mga kasing-edad nila habang magkakasama silang gumagawa at naglilingkod at natutuklasan nila na sila ay kabilang at kailangan sa gawain ng Panginoon.
Saan Tayo Dapat Magsimula Ngayon?
Inaanyayahan natin ang mga bata, kabataan, at kanilang mga magulang at lider na mangako o muling mangako na maging higit na katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pakikibahagi sa Kanyang gawain. Hindi kailangang maging mahirap ang mga pagsisikap na ito! Narito ang ilang simpleng paraan upang makapagsimula:
Mga Magulang
-
Tipunin ang inyong pamilya para sa pag-aaral ng ebanghelyo. Makatutulong ang resources ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Maaari kayong magkaroon ng mga talakayan tungkol sa mga paksang tulad ng mga tipan, paghahayag, kalayaang pumili, at patriarchal blessing.
-
Magplano ng isang aktibidad ng pamilya. Paano kayo makapaglilingkod nang ligtas sa isang tao sa inyong lugar o komunidad? Kung mayroon, matutulungan kayo ng JustServe para makahanap ng mga ideya.
-
Kausapin nang isa-isa ang mga anak. Talakayin ang kanilang mga interes at pag-usapan kung paano nila nais na umunlad. Tulungan at suportahan sila sa kanilang personal na pag-unlad. Pag-usapan ang mga mithiing itinakda nila o nais nilang maisakatuparan.
Mga lider ng Primary
-
Alamin ang mga kalagayan sa bahay ng mga bata, at maghangad ng paghahayag upang matulungan sila bilang mga indibiduwal.
-
Magsimulang magdaos ng mga miting sa araw ng Linggo at mga aktibidad sa Primary nang harapan o virtual (kapag ligtas at pinahintulutan).
-
Huwag alalahanin kung paano ikokonekta ang mga mithiin ng mga indibiduwal sa mga aktibidad! Ang pokus ninyo ay makakonekta sa mga bata at mapagpala sila at ang kanilang pamilya—lalo na kung kailangan nila ng tulong o humingi sila nito.
Mga adult na lider ng mga kabataan
-
Magsimulang magdaos ng mga miting sa araw ng Linggo at mga aktibidad sa korum at klase nang harapan o virtual (kapag ligtas at pinahintulutan). Hikayatin ang mga kabataan na sauluhin at bigkasin sa simula ng mga miting ang mga bagong tema ng Young Women at korum ng Aaronic Priesthood.
-
Tumawag, mag-set apart, at magpalakas ng mga quorum at class presidency. Tulungan silang magdaos ng regular na mga presidency meeting at magplano at mamuno sa mga miting sa araw ng Linggo at sa mga aktibidad. Magdaos ng mga ward youth council, at hikayatin silang makibahagi sa mga missionary at temple at family history coordination meeting. Turuan at suportahan ang mga presidency kung kinakailangan nang hindi nananapaw. Tulungan ang mga presidency na matuto ng mga kasanayan sa pamumuno gamit ang resources para sa quorum at class presidency.
-
Magplano at magdaos ng mga youth camp at youth conference sa 2021, alinsunod sa mga gabay sa kaligtasan.
-
Huwag alalahanin kung paano ikokonekta ang mga mithiin ng mga indibiduwal sa mga aktibidad! Ituon ang inyong lakas sa pagkonekta sa mga kabataan mismo. Maaari din ninyong tulungan ang mga quorum at class presidency na ikonekta ang mga aktibidad sa mga pangangailangan ng mga kabataan.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org.
Para sa mga Adult
Mga Lugar ng Pagtitipon para sa mga YSA
Ang Unang Panguluhan ay nagbigay ng pahintulot sa mga area na magkaroon ng mga lugar ng pagtitipon para sa mga young single adult batay sa mga pangangailangan sa area na iyon. Ang lugar ng pagtitipon ay isang nakatalagang lokasyon sa isang dati nang pasilidad (tulad ng meetinghouse o gusali ng institute) kung saan maaaring magtipon ang mga young single adult at ang kanilang mga kaibigan upang makibahagi sa ilan sa o lahat ng sumusunod (batay sa mga lokal na pangangailangan at resources):
-
Edukasyong panrelihiyon at pag-aaral ng ebanghelyo (kabilang ang institute)
-
Mga aktibidad sa paglilingkod at pakikipagkapwa
-
Mga aktibidad sa templo at family history
-
Mga pagkakataon para sa self-reliance at edukasyon
-
Mga aktibidad sa gawaing misyonero at pagtulong sa komunidad
-
Iba pang mga programa ng Simbahan
Ang lahat ng lugar ng pagtitipon ay dapat aprubado ng Area Presidency at pangangasiwaan ng mga stake president at bishop.
Mga Tungkulin para sa mga Young Single Adult at Single Adult
Nalutas ng mga pagbabago at paglilinaw sa patakaran kamakailan ang mga posibleng maling pagkaunawa at paniniwala tungkol sa mga limitasyon sa mga oportunidad ng mga single na miyembro na maglingkod sa Simbahan ng Panginoon. Ipinapaliwanag ng mga pagbabago at paglilinaw na ito sa patakaran, na aprubado ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawa at nakasaad sa Pangkalahatang Hanbuk, na ang mga young single adult at single adult ay maaaring mapagpala at makapagpapala ng iba sa maraming calling, kabilang ang pagiging mga lider sa stake at ward. Ang gayunding mga patakaran ay ipinatutupad na ngayon sa lahat ng unit ng Simbahan, pati sa mga young single adult at single adult unit. Tinanggal na ang mga restriksyon sa mga young single adult at single adult na maglingkod sa mga stake presidency, bishopric, at stake Relief Society presidency sa mga young single adult at single adult unit.
Ang mga single na miyembro ay maaari nang maglingkod sa mga leadership position, kabilang ang mga ward at stake organization presidency, elders quorum presidency, mga bishopric counselor, high councilor, at stake presidency counselor.
Kinakailangan ang Lahat at Malugod na Tinatanggap ang Lahat—Magmahal, Magbahagi, at Mag-anyaya
Kapag nahihirapan ang mga miyembro na madamang kabilang sila, kung minsan ay hindi sinasadyang may nasasabi ang mga lider at ang iba na nagpapatibay sa paniniwala ng mga miyembrong ito na sila ay hindi kabilang o hindi kailangan.
Ang pag-alala sa mga katotohanang ito tungkol sa magmahal, magbahagi, at mag-anyaya ay maaaring makatulong sa malugod na pagtanggap sa lahat na maging aktibo, makipagkapatiran, at maging kabilang sa Simbahan ni Jesucristo:
-
Ang bawat tao ay minamahal na anak ng Diyos na may banal na katangian at tadhana. Bukod pa sa mga walang hanggang pagpapala na ipinapangako Niya sa matatapat, nais Niyang pagpalain ang Kanyang mga anak ngayon, sa buhay na ito.
-
Ang bawat anak ng Diyos ay kailangan sa gawain ng pagtatatag ng Kanyang kaharian.
-
Upang matulungan ang isang tao na madamang kabilang at kailangan siya, magsimula sa pagmamahal. Makinig upang maunawaan ang kanyang mga karanasan. Huwag ipalagay na alam na ninyo o nauunawaan na ninyo.
-
Hindi natin masasagot ang lahat ng tanong na kahaharapin natin o ng iba sa buhay na ito. Halimbawa, hindi natin alam ang mga dahilan kung bakit nararanasan ng isang tao ang isang partikular na pagsubok.
-
Maging maunawain at hindi mapanghusga. Malugod na tanggapin ang bawat tao, anuman ang nararanasan niya at nasaan man siya sa landas ng pag-unlad sa ebanghelyo. Mag-alok ng tulong, at magtuon sa katotohanan na ang bawat tao ay kailangan sa Simbahan.
-
Kung hindi sinasadyang may nasabi kayong masasakit na salita, huwag mangatwiran; humingi ng tawad at pagkatapos ay maghangad na mapatawad at magpakabuti.
Para sa impormasyon tungkol sa pagtulong sa mga miyembro sa mga partikular na kalagayan, tingnan ang Counseling Resources.
Paano Lumago ang Isang Pagbabalik-loob at Naging Isang Pangkat ng Magkakapatid
Mga Alituntunin ng Pagmamahal, Pagbabahagi, at Pag-anyaya
Mga Ipinangakong Pagpapala kapag Tayo ay Nagmamahal, Nagbabahagi, at Nag-aanyaya