Elders Quorum
Mga Responsibilidad


grupo ng mga lalaki na magkakasamang nakaupo

Ang Aking Calling Bilang Counselor sa Elders Quorum Presidency

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Elders Quorum

Ang Melchizedek Priesthood ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Ang mga miyembro ng elders quorum ay nagtutulungan para maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Naglilingkod sila sa iba, ginagampanan ang mga tungkulin sa priesthood, nagkakaisa, at inaaral at ipinapamuhay ang doktrina (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 8.1).

Mga Counselor

Sinusuportahan ng mga elders quorum counselor ang elders quorum president sa kanyang mga responsibilidad na mag-organisa ng mga pagsisikap kasama ang Relief Society presidency at pangasiwaan ang ministering, mga aktibidad, mga report, mga talaan, at pananalapi. Ang mga counselor mula sa elders quorum at Relief Society ay maaaring atasan na pamunuan ang gawaing misyonero ng ward o mga pagsisikap sa templo at family history (tingnan sa 8.3.3.2).

Presidency

Regular na nagmimiting ang elders quorum presidency at secretary. Ang pagtulong sa mga prospective elder na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood ang isa sa pinakamataas na prayoridad ng presidency (tingnan sa 8.4).

Elders Quorum at Relief Society

Ang mga elders quorum presidency at Relief Society presidency ang nag-oorganisa ng mga ministering assignment at tumutulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history at sa pagsisikap na anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. May mahalagang papel din silang ginagampanan sa pagtuturo sa mga miyembro ng ward ng mga alituntunin ng ministering, mga ministering interview, pagsunod sa batas ng ayuno, pag-asa sa sariling kakayahan, at pagpapaibayo ng pagiging handa ng sarili at ng pamilya (tingnan sa 22.6.2).

Mga Miting sa Araw ng Linggo

Ang mga elders quorum ay nagpupulong sa ikalawa at ikaapat na Linggo na may layuning palakasin ang pananampalataya kay Jesucristo, bumuo ng pagkakaisa, at patatagin ang mga pamilya at tahanan. Mapanalanging pinipili ng elders quorum presidency ang mga mensahe mula sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya na tatalakayin batay sa mga pangangailangan ng mga miyembro (tingnan sa 8.2.1.2).

Paglilingkod at mga Aktibidad

Ang mga elders quorum presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad para mapalakas ang mga miyembro ng korum at mabigyan sila ng mga pagkakataong maglingkod nang sama-sama. Tinatalakay ng mga presidency sa bishop ang mga aktibidad (tingan sa 8.2.1.3).