Primary
Mga Responsibilidad


babaeng nagtuturo sa mga bata

Ang Aking Calling Bilang Counselor sa Primary Presidency

Mga Responsibilidad

Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Primary

Tinutulungan ng Primary ang mga bata na madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit; matuto tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan; maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at madama at makilala ang Espiritu Santo at kumilos ayon sa impluwensya nito. Ang Primary ay panahon din para maghanda, gumawa, at tumupad ng mga sagradong tipan habang nakikibahagi ang mga bata sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 12.1.)

Mga Counselor

Tinutulungan ng Primary Presidency ang mga magulang na ihanda ang mga bata na pumasok at umusad sa landas ng tipan. Isa ito sa kanilang pinakamahahalagang responsibilidad. Ang presidency ang nangangasiwa sa mga miting ng Primary, naglilingkod sa bawat bata, guro at leader, at sa mga pangangailangan sa pangangasiwa ng Primary. (Tingnan sa 12.3.2.)

Mga Klase at Oras ng Pag-awit

Isang pribilehiyo ang magturo sa mga bata. Minamahal at tinuturuan ng mga Primary leader ang mga bata sa paraan ng Tagapagligtas. Ang mga klase sa Primary ay inoorganisa ayon sa edad at sa bilang ng mga guro (tingnan sa 12.1.3). Ang oras ng pag-awit ay tumutulong sa mga bata na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at matuto tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan (tingnan sa 12.1.4).

Mga Meeting at Council

Regular na nagmimiting ang pangulo at kanyang mga counselor. Mayroon din silang mga miting na kasama ang bishop o ang kanyang inatasang counselor. (Tingnan sa 12.3.2.)

Mga Guro at Leader

Ang pagtuturo sa mga anak ng Diyos ay isang sagradong pribilehiyo. Ang Primary presidency ay nagbibigay ng suporta sa mga guro at leader ng Primary sa oras ng mga klase, nursery, at oras ng pag-awit (tingnan sa 12.3.5). Ang Primary presidency ay nagrerekomenda sa bishopric ng mga lalaki at babae na maglilingkod sa Primary at nursery.

Mga Aktibidad sa Primary

Ang mga Primary activity leader ay nagpaplano ng masaya at kasiya-siyang mga aktibidad na tumutulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang paglilingkod at mga aktibidad ay dapat magpalakas ng mga patotoo, magpapatag sa mga pamilya, at maglaan ng mga oportunidad na mapagpala ang iba. Ang mga aktibidad ng Primary ay karaniwang idinaraos nang dalawang beses sa isang buwan para sa mga batang edad 8–11. (Tingnan sa 12.3.6.)

Mga Tuntunin at Patakaran

Lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay kailangang kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga batang may espesyal na mga pangangailangan, mga kinakailangan sa kaligtasan, programang Mga Bata at Kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahagi 12.5 ng Pangkalahatang Hanbuk.