Ang Aking Calling bilang Counselor sa Relief Society Presidency
Mga Responsibilidad
Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Relief Society
Ang Relief Society ay isang organisasyong itinatag ng Diyos para sa lahat ng adult na kababaihan sa Simbahan. Ang Relief Society ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay “magligtas ng mga kaluluwa at bigyang ginhawa ang mga nagdurusa”—ibinibigay ang ginhawang mula sa Tagapagligtas (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 9.1).
Mga Counselor
Ang president at kanyang mga counselor ang namumuno sa mga ministering sister, pagtuturo sa araw ng Linggo, at mga aktibidad. Itinuturo nila sa kababaihan ang kanilang mga responsibilidad sa tipan, inihahanda ang mga kabataang babae na makibahagi sa Relief Society, at pinag-uugnay ang mga pagsisikap na palakasin ang mga young adult na babae (tingnan sa 9.4). Regular na nagmimiting ang Relief Society presidency at secretary (tingnan sa 9.3.2.3).
Pamumuno at mga Council
Ang mga Relief Society leader ang nagpaplano ng mga miting sa araw ng Linggo, mga aktibidad, ministering, paglilingkod, at iba pang mga pakikipag-ugnayan para mabigyan ang mga kababaihan ng mga karanasan sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang mga miyembro ng Relief Society at elders quorum ay nagtutulungan nang may pagkakaisa (tingnan 9.2).
Relief Society at Elders Quorum
Ang mga Relief Society presidency at elders quorum presidency ang nag-oorganisa ng mga ministering assignment at tumutulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history at sa pagsisikap na anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. May mahalagang papel din silang ginagampanan sa pagtuturo sa mga miyembro ng ward ng mga alituntunin ng pagminister sa mga nangangailangan, pagsunod sa batas ng ayuno, pag-asa sa sariling kakayahan, at pagpapaibayo ng pagiging handa ng sarili at ng pamilya (tingnan sa 22.6.2).
Mga Miting sa Araw ng Linggo
Ang mga Relief Society ay nagpupulong sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng bawat buwan na may layuning palakasin ang pananampalataya kay Jesucristo, bumuo ng pagkakaisa, at patatagin ang mga pamilya at tahanan. Ang mga miting ay magsisimula sa panalangin at mayroong oras para sa pagsasanggunian at pagtuturo ng ebanghelyo at talakayan batay sa mga mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya (tingnan sa 9.2.1.2).
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang mga Relief Society presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad para mapalakas ang pananampalataya ng kababaihan kay Jesucristo, dagdagan ang kanilang hangaring gumawa at tumupad ng mga tipan, at bigyan sila ng mga pagkakataong maglingkod nang magkakasama. Ang president ang namamahala sa mga aktibidad na ito at maaari niyang hilingin sa isang counselor o sa isa pang sister na pamunuan ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga ito (tingnan sa 9.2.1.3).
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 9.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.