Primary
Mga Responsibilidad


babaeng nagtuturo sa mga bata

Ang Aking Calling Bilang Counselor sa Stake Primary Presidency

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang pangkalahatang ideya ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Primary

Tinutulungan ng Primary ang mga bata na madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit; matuto tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan; maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at madama, matukoy, at masunod ang impluwensya ng Espiritu Santo. Ang Primary ay panahon din para maghanda, gumawa, at tumupad ng mga sagradong tipan habang nakikibahagi ang mga bata sa gawain ng Diyos ukol sa kaligtasan at kadakilaan. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 12.1.)

Stake Primary Counselor

Ang mga stake Primary counselor ay naglilingkod sa stake Primary presidency. Ang mga miyembro ng presidency ay maraming responsibilidad na kinabibilangan ng pagtulong sa stake presidency, paglilingkod sa stake council (president lamang), pag-orient sa mga bagong tawag na ward Primary presidency, pag-aalok ng patuloy na suporta at pagtuturo, at pagbisita sa mga klase ng ward sa stake. Kapag inanyayahan, maaari silang dumalo sa mga coordinating council meeting at magsalita sa mga sacrament meeting at iba pang mga setting (tingnan sa 6.7.1).

Mga Meeting at Council

Ang stake Primary presidency ay dapat magsanggunian nang regular. Maaari silang anyayahang maglingkod sa karagdagang mga council. (Tingnan sa 6.7.1.1.)

Mga Aktibidad sa Primary

Maaaring magplano paminsan-minsan ang stake Primary presidency ng mga aktibidad sa stake para sa mga batang edad 8 hanggang 11. Ang mga aktibidad na ito ay maaaring para sa mga babae, lalaki, o pareho (tingnan sa 6.7.1.3).

Mga Tuntunin at Patakaran

Lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay kailangang kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga batang may espesyal na mga pangangailangan, mga kinakailangan sa kaligtasan, programang Mga Bata at Kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahagi 12.5 ng Pangkalahatang Hanbuk.