Relief Society
Mga Responsibilidad


grupo ng kababaihang nag-uusap

Ang Aking Calling Bilang Counselor sa Stake Relief Society Presidency

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Relief Society

Ang Relief Society ay organisasyong itinatag ng Diyos para sa lahat ng mga adult na kababaihan sa Simbahan. Ang Relief Society ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay “magligtas ng mga kaluluwa at bigyang-ginhawa ang mga nagdurusa”—na naglalaan ng kaginhawahan ng Tagapagligtas (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 9.1).

Stake Relief Society Counselor

Maraming responsibilidad ang mga miyembro ng stake Relief Society presidency na kinabibilangan ng pagbibigay ng oryentasyon sa bagong tawag na mga ward Relief Society presidency at paglalaan ng patuloy na suporta; pagtuturo sa mga ward Relief Society president ng mga alituntunin ng paglilingkod, family history, at gawaing misyonero (tingnan sa 9.5); pagpapalakas sa mga single adult sister; pag-coordinate ng mga emergency effort; pagsasalita sa mga sacrament meeting at iba pang mga okasyon; at pagbisita sa mga ward Relief Society meeting (tingnan sa 6.7.1).

Mga Meeting at Council

Ang stake Relief Society presidency ay regular na nag-uusap-usap. Ang isang miyembro ng presidency ay naglilingkod sa mga stake young single adult at sa single adult committee, kung naorganisa ito. Ang presidency ay dumadalo taun-taon sa mga stake leadership meeting at nagtuturo sa mga ward Relief Society presidency sa mga miting na iyon (tingnan sa 29.3.4), naglilingkod sa stake adult leadership committee, at dumadalo sa mga coordinating council meeting kapag inanyayahan ng Area Seventy (tingnan sa 29.4).

Paglilingkod at mga Aktibidad

Ang stake Relief Society presidency ay maaaring magplano ng isa o dalawang miting bawat taon para sa lahat ng mga Relief Society sister sa stake. Ang mga miting na ito ay maaaring kabilangan ng paglilingkod, mga klase, proyekto, kumperensya, o workshop (tingnan sa 6.7.1.1). Ang mga stake Relief Society, Young Women, at Primary presidency ay maaaring magplano paminsan-minsan ng sama-samang mga aktibidad para sa kanilang mga organisasyon (tingnan sa 6.7.1).

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 9.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.