Sunday School
Mga Responsibilidad


grupo ng mga taong nakangiti

Ang Aking Calling bilang Counselor sa Sunday School Presidency

Mga Responsibilidad

Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Ang Layunin ng Sunday School

Ang Sunday School ay tumutulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga anak ng Diyos na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 13.1, Gospel Library).

Sunday School Presidency

Responsibilidad ng president ang maglingkod sa ward council, subaybayan ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo sa tahanan at sa simbahan, at mag-organisa ng mga klase. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor. Sinusuportahan, hinihikayat, at tinuturuan din ng Sunday School presidency ang mga guro na maging mas epektibo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin sa mga banal na kasulatan at Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (tingnan sa 13.2.2.2).

Mga Klase sa Araw ng Linggo

Ang mga klase sa Sunday School ay idinaraos sa una at ikatlong Linggo ng buwan. Magkakaiba ang laki ng mga klase batay sa mga pangangailangan ng bawat ward (tingnan sa 13.3). Ginagamit ng mga Sunday School teacher ang mga banal na kasulatan, nakaiskedyul na mga lesson sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, at ang mga salita ng mga makabagong propeta bilang pangunahing sanggunian nila sa pagtuturo.

Pag-aaral na Nakasentro sa Tahanan

Responsibilidad ng mga magulang na ituro ang ebanghelyo sa kanilang mga anak (tingnan sa 13.5). Hinihikayat ng mga guro at lider ng Sunday School ang mga miyembro na maghangad ng sarili nilang inspirasyon kung paano pag-aaralan at ituturo ang ebanghelyo sa kanilang mga tahanan (tingnan sa 17.2).

Mga Teacher Council Meeting

Tinutulungan ng mga counselor ang Sunday School president na mag-organisa at magdaos ng mga teacher council meeting. Sa mga teacher council meeting, sama-samang nagpapayuhan ang mga guro tungkol sa mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Nagpapayuhan din sila kung paano mapapahusay ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo. Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay ginagamit bilang sanggunian (tingnan sa 17.4). Ang mga miting na ito ay idinaraos bawat quarter sa oras ng klase sa araw ng Linggo at karaniwang pinamumunuan ng Sunday School president (tingnan sa 13.4).

Mga Teacher Council Meeting para sa mga Magulang

Tinutulungan ng mga counselor ang Sunday School president na mag-organisa at magdaos ng mga teacher council meeting para sa mga magulang. Ang miting na ito ay sumusunod sa kaparehong pormat ng regular na mga teacher council meeting, ngunit dito ay inaanyayahan ang mga magulang na dumalo. Ang layunin nito ay tulungan ang mga magulang na maging mas mabubuting guro sa kanilang tahanan. Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay ginagamit bilang sanggunian (tingnan sa 17.4).

Mga Tuntunin at Patakaran

Lahat ng adult na may mga calling na may kinalaman sa mga kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga karagdagang tuntunin sa Sunday School ay matatagpuan sa bahagiĀ 13.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.