Young Women
Mga Responsibilidad


mga dalagitang nakangiti

Ang Aking Calling Bilang Counselor sa Young Women Presidency

Mga Responsibilidad

Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Young Women

Ang organisasyon na Young Women ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Tinutulungan nito ang mga kabataang babae na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Sa kanilang mga class, pinaglilingkuran ng mga kabataang babae ang iba, tinutupad ang responsibilidad sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at natututuhan at ipinapamuhay ang doktrina. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 11.1.1.)

Mga Counselor

Ang president at mga counselor ay naglilingkod sa mga kabataang babae habang nagiging mga disipulo sila ni Jesucristo sa buong buhay nila. Nagtuturo sila sa mga class presidency tungkol sa kanilang mga responsibilidad at nagbibigay ng suporta (tingnan sa 11.3.2). Sinusuportahan din ng mga counselor ang president sa mga talaan, report, at pananalapi.

Youth Leadership

Sinusuportahan ng Young Women presidency ang mga youth leader. Naglilingkod ang mga class president sa ward youth council. Namumuno at naglilingkod ang mga class presidency sa mga kabataang babae habang mas napapalapit sila sa Tagapagligtas at lumalahok sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Sa suporta ng mga adult leader, nagpaplano sila ng mga proyektong panserbisyo, aktibidad, at mga miting tuwing Linggo (tingnan sa 11.3.4.2).

Mga Klase sa Araw ng Linggo

Ang mga bishopric at mga adult Young Women leader ay mapanalanging nagpapasiya kung paano isasaayos ang mga klase ayon sa edad. Isinasaalang-alang nila ang mga pagkakataong mamuno ng mga kabataang babae. Anuman ang laki nito, ang bawat klase ay dapat magkaroon ng isang president at, kung maaari, isa o dalawang counselor at isang secretary (tingnan sa 11.1.3).

Paglilingkod at mga Aktibidad

Sa pagsuporta ng mga adult leader, ang mga class presidency ay nagpaplano ng mga gawaing paglilingkod at mga aktibidad na nagpapalakas ng mga patotoo, nagpapatatag ng mga pamilya, naghihikayat ng pagkakaisa ng class, at naglalaan ng mga pagkakataon na pagpalain ang iba (tingnan sa 11.2.1.3). Ang paglilingkod at mga aktibidad ay isang pagkakataong tipunin ang mga kabataan at ibahagi ang kagalakan ng pamumuhay ng ebanghelyo at paglahok sa dakilang gawain ng Panginoon.

Mga Tuntunin at Patakaran

Lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay kailangang kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan matapos silang sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga kabataang babaeng may kapansanan, mga sagisag ng mga kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahagiĀ 11.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.