Ang Aking Tungkulin Bilang Deacons Quorum Counselor
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Aaronic Priesthood
Tinutulungan ng mga Aaronic Priesthood quorum ang mga kabataang lalaki na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang layunin ng isang korum ay tulungan ang mga mayhawak ng priesthood na magkakasamang makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 10.1, Gospel Library.)
Deacons Quorum
Nagiging bahagi ng deacons quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taon na magiging 12 taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging deacon kung sila ay handa at karapat-dapat. Ang mga tungkulin ay kinabibilangan ng pagpapasa ng sakramento at pagtulong sa bishop sa “pangangasiwa ng lahat ng bagay na temporal” (Doktrina at mga Tipan 107:68). (Tingnan sa 10.1.3.1.)
Counselor
Sinusuportahan ng mga deacons quorum counselor ang president sa kanyang mga responsibilidad, kabilang na ang pamumuno sa mga pagsisikap ng korum sa pakikibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos; pagkilala at paglilingkod sa bawat miyembro ng korum, kabilang na ang mga hindi dumadalo sa mga miting ng korum; pagpapalakas sa mga bago at nagbabalik na miyembro; pagtuturo sa mga miyembro ng korum ng kanilang mga tungkulin sa priesthood; at pagpaplano at pagsasagawa ng mga miting ng korum (tingnan sa 10.4.2). Dapat regular na magpulong ang quorum presidency (tingnan sa 10.4.3).
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang bishopric at mga youth quorum leader, na sinusuportahan ng mga adviser, ay nagpaplano ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad. Ito ay dapat makatulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Dapat maging balanse ang mga ito sa apat na aspeto ng personal na pag-unlad: espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal. (Tingnan sa 10.2.1.3.)
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang karagdagang mga patnubay at patakaran, kabilang na ang pagsuporta sa mga kabataang lalaki na may kapansanan, pagtanggap ng mga sagisag ng mga Bata at Kabataan, at pagkolekta ng mga handog-ayuno, ay matatagpuan sa bahagi 10.8 ng Pangkalahatang Hanbuk.