Mga Aaronic Priesthood Quorum
Mga Responsibilidad


grupo ng mga kabataang lalaki

Ang Aking Calling Bilang Deacons Quorum Secretary

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Aaronic Priesthood

Tinutulungan ng mga Aaronic Priesthood quorum ang mga kabataang lalaki na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang layunin ng isang korum ay tulungan ang mga mayhawak ng priesthood na magkakasamang makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 10.1, Gospel Library.)

Deacons Quorum

Nagiging bahagi ng deacons quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 12 taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging deacon kung sila ay handa at karapat-dapat. Ang mga tungkulin ay kinabibilangan ng pagpapasa ng sakramento at pagtulong sa bishop sa “pangangasiwa ng lahat ng bagay na temporal” (Doktrina at mga Tipan 107:68). (Tingnan sa 10.1.3.1.)

Secretary

Kapag may tinatawag na mga quorum secretary, sila ang naghahanda ng mga agenda o tala ng mga pag-uusapan para sa mga miting at nagsusulat ng mga pinag-uusapan. Tinutulungan din nila ang ward clerk o ang quorum adviser na subaybayan ang attendance. (Tingnan sa 10.4.2.)

Paglilingkod at mga Aktibidad

Ang bishopric at mga youth quorum leader, na sinusuportahan ng mga adviser, ay nagpaplano ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad. Ito ay dapat makatulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Dapat maging balanse ang mga ito sa apat na aspeto ng personal na pag-unlad: espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal. (Tingnan sa 10.2.1.3.)

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang karagdagang mga patnubay at patakaran, kabilang na ang pagsuporta sa mga kabataang lalaki na may kapansanan, pagtanggap ng mga sagisag ng mga Bata at Kabataan, at pagkolekta ng mga handog-ayuno, ay matatagpuan sa bahagi 10.8 ng Pangkalahatang Hanbuk.