Primary
Mga Responsibilidad


babaeng nagtuturo ng mga bata

Ang Calling Ko Bilang Primary President

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Primary

Ang Primary ay tumutulong sa mga bata na madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit; matutuhan ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan; maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at madama, mahiwatigan ang impluwensya ng Espiritu Santo at kumilos ayon dito. Ang Primary ay panahon din para maghanda, gumawa, at tumupad ng mga sagradong tipan habang nakikibahagi ang mga bata sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 12.1.)

President at Presidency

Tinutulungan ng Primary Presidency ang mga magulang na ihanda ang mga bata na pumasok at umunlad sa landas ng tipan. Isa ito sa kanilang pinakamahahalagang responsibilidad. Ang president ay naglilingkod bilang miyembro ng ward council. Siya at ang kanyang mga counselor ay regular na nagpupulong at nakikipagpulong din sa bishop o sa kanyang inatasang counselor. Ang presidency ang nangangasiwa sa mga miting ng Primary, nagmiminister sa bawat bata, guro at lider, at sa mga pangangailangan sa pangangasiwa ng Primary. (Tingnan sa 12.3.2.)

Mga Klase at Oras ng Pag-awit

Ang pagtuturo sa mga bata ay isang sagradong pribilehiyo. Minamahal at tinuturuan ng mga lider sa Primary ang mga bata sa paraan ng Tagapagligtas. Ang mga klase sa Primary ay inoorganisa ayon sa edad at sa bilang ng mga guro (tingnan sa 12.1.3). Ang oras ng pag-awit ay tumutulong sa mga bata na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at matutuhan ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan (tingnan sa 12.1.4).

Mga Meeting at Council

Ang Primary president ay kumakatawan sa mga pangangailangan ng mga bata habang nakikipagpulong at nakikipagsanggunian sa mga lider sa ward. Kabilang dito ang patuloy na pakikipagpulong sa bishop o inatasang counselor, secretary, mga magulang, at iba pa. (Tingnan sa 12.3.2.)

Mga Guro at Lider

Ang pagtuturo sa mga anak ng Diyos ay isang sagradong pribilehiyo. Ang Primary presidency ay nagbibigay ng suporta sa mga guro at lider ng Primary sa oras ng mga klase, nursery, at oras ng pag-awit (tingnan sa 12.3.5). Ang Primary presidency ay nagrerekomenda sa bishopric ng mga lalaki at babae na maglilingkod sa Primary at nursery.

Mga Aktibidad sa Primary

Ang mga Primary activity leader ay nagpaplano ng masasaya at kasiya-siyang mga aktibidad na tumutulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang mga gawaing-paglilingkod at aktibidad ay dapat nagpapatatag ng mga patotoo, nagpapalakas ng mga pamilya, at nagbibigay ng mga pagkakataon na pagpalain ang iba. Ang mga aktibidad ng Primary ay karaniwang idinaraos nang dalawang beses sa isang buwan para sa mga batang edad 8–11. (Tingnan sa 12.3.6.)

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata ay dapat kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga batang may espesyal na mga pangangailangan, mga kinakailangan sa kaligtasan, programang Mga Bata at Kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahaging 12.5 ng Pangkalahatang Hanbuk.