Primary
Mga Responsibilidad


babaeng nagtuturo ng mga bata

Ang Aking Calling bilang Primary Secretary

Mga Responsibilidad

Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Primary

Tinutulungan ng Primary ang mga bata na madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit; malaman ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan; ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at madama at makilala ang Espiritu Santo at kumilos ayon sa impluwensya nito. Ang Primary ay panahon din para maghanda, gumawa, at tumupad ng mga sagradong tipan habang nakikibahagi ang mga bata sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw12.2.1.2.)

Secretary

Tinutulungan ng Primary secretary ang panguluhan sa mga pangangailangan sa pangangasiwa. Ipinaaalam ng secretary sa panguluhan ang tungkol sa mga bagong bata at bisita, mga batang maaari nang binyagan, at mga advancement sa klase. Tumutulong siya sa mga takdang-gawain sa Primary meeting sa araw ng Linggo at naghahanda ng mga agenda at dumadalo sa mga miting. Nakikipagtulungan din nang husto ang secretary sa mga guro at lider ng Primary at nursery tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa mga bata. (Tingnan sa 12.3.3.)

Mga Klase sa Primary at Oras ng Pag-awit.

Ang pagtuturo sa mga bata ay isang sagradong pribilehiyo. Minamahal at tinuturan ng mga Primary leader ang mga bata sa paraan ng Tagapagligtas. Ang mga klase sa Primary ay inoorganisa ayon sa edad at sa bilang ng mga guro (tingnan sa 12.1.3). Ang oras ng pag-awit ay tumutulong sa mga bata na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at matutuhan ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan (tingnan sa 12.1.4).

Mga Aktibidad sa Primary

Ang mga Primary activity leader ay nagpaplano ng masasaya at kasiya-siyang mga aktibidad na tumutulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang mga gawaing-paglilingkod at aktibidad ay dapat magpatatag ng mga patotoo, magpalakas ng mga pamilya, at maglaan ng mga pagkakataon na pagpalain ang iba. Ang mga aktibidad ng Primary ay karaniwang idinaraos nang dalawang beses sa isang buwan para sa mga batang edad 8–11. (Tingnan sa 12.3.6.)

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata ay dapat kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga batang may espesyal na mga pangangailangan, mga kinakailangan sa kaligtasan, programang Mga Bata at Kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahagi 12.5 ng Pangkalahatang Hanbuk.