Ang Aking Tungkulin bilang Relief Society Secretary
Mga Responsibilidad
Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Relief Society
Ang Relief Society ay isang organisasyong itinatag ng Diyos para sa lahat ng adult na kababaihan sa Simbahan. Ang Relief Society ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay “magligtas ng mga kaluluwa at bigyang ginhawa ang mga nagdurusa”—ibinibigay ang ginhawang mula sa Tagapagligtas (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 9.1).
Secretary
Regular na nagmimiting ang Relief Society presidency at secretary (tingnan sa 9.3.2.3). Maaaring kabilang sa mga responsibilidad ng secretary ang paghahanda ng mga agenda o talaan ng pag-uusapan para sa mga miting at pagtatala ng mga napag-usapan sa miting, pagsubaybay sa mga takdang-gawain, pag-iiskedyul ng mga interbyu sa ministering, pagtatala ng attendance, pagsusumite ng mga report, pagtulong sa paghahanda ng taunang budget, at pagsubaybay sa mga gastusin (tingnan sa 9.3.3). Ang mga assistant secretary at isang ministering secretary ay maaaring tawagin upang tumulong sa secretary (tingnan sa 9.3.4).
Pamumuno at mga Council
Ang mga Relief Society leader ang nagpaplano ng mga miting sa araw ng Linggo, mga aktibidad, ministering, paglilingkod, at iba pang mga pakikipag-ugnayan para mabigyan ang mga kababaihan ng mga karanasan sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang mga miyembro ng Relief Society at elders quorum ay nagtutulungan nang may pagkakaisa (tingnan 9.2).
Mga Miting sa Araw ng Linggo
Ang mga Relief Society ay nagpupulong sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng bawat buwan na may layuning palakasin ang pananampalataya kay Jesucristo, bumuo ng pagkakaisa, at patatagin ang mga pamilya at tahanan. Ang mga miting ay magsisimula sa panalangin at mayroong oras para sa pagsasanggunian at pagtuturo ng ebanghelyo at talakayan batay sa mga mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya (tingnan sa 9.2.1.2).
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang mga Relief Society presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad para mapalakas ang pananampalataya ng kababaihan kay Jesucristo, dagdagan ang kanilang hangaring gumawa at tumupad ng mga tipan, at bigyan sila ng mga pagkakataong maglingkod nang magkakasama. Ang president ang namamahala sa mga aktibidad na ito at maaari niyang hilingin sa isang counselor o sa isa pang sister na pamunuan ang pagpaplano at pagsasagawa ng mga ito (tingnan sa 9.2.1.3).
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 9.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.