Music
Mga Responsibilidad


babaeng kumukumpas sa koro

Ang Aking Calling Bilang Stake Music Coordinator

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang pangkalahatang ideya ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Musika sa Simbahan

Ang sagradong musika ay nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Inaanyayahan nito ang Espiritu at nagtuturo ng doktrina. Ito rin ay nagdadala ng diwa ng pagpipitagan, pinagkakaisa ang mga miyembro, at nagbibigay ng paraan para sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ipinahayag ng Panginoon, “Ang aking kaluluwa ay nagagalak sa awitin ng puso” (Doktrina at mga Tipan 25:12). (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 19.1.)

Stake Music Coordinator

Tinutulungan ng stake music coordinator ang mga miyembro ng ward na mapalakas ang pananampalataya at pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng sagradong musika. Kumukonsulta sila sa stake presidency para magplano ng musika para sa stake conference at iba pang mga kaganapan. Ang mga pinipiling musika ay dapat mapahusay ang diwa ng pagsamba at ituro ang ebanghelyo nang may kapangyarihan at kalinawan. (Tingnan sa 19.3.1.) Ang mga music coordinator ay nagsisilbing resource sa mga stake leader tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa musika (tingnan sa 19.5.2).

Musika para sa mga Miting sa Stake

“Ang nagbibigay-inspirasyong musika ay mahalagang bahagi ng mga miting natin sa simbahan” (Mga Himno, Paunang Salita ng Unang Panguluhan). Kabilang sa mga stake conference ang mga himno at iba pang mga piling musika mula sa koro, mga soloista, o sa maliliit na grupo (tingnan sa 19.3.4). Ang mga himno o iba pang mga piling sagradong musika ay maaaring gamitin para sa pambungad at pangwakas na saliw ng musika, musika ng choir, at pagtatanghal nang solo o ng maliit na grupo. Maaaring irekomenda ng mga stake music coordinator ang mga stake o multistake choir para sa mga kumperensya o iba pang okasyon, tulad ng mga kaganapan sa komunidad (tingnan sa 19.3.7.2).

Training at Resources

Inirerekomenda at pinangangasiwaan ng mga stake music coordinator ang music training sa stake kung kinakailangan. Nagbibigay sila ng training at suporta para sa mga ward music coordinator. (Tingnan sa 19.6.) Kung walang available na tagasaliw para sa mga stake meeting, tingnan sa bahagi 19.4.3.2 ng Pangkalahatang Hanbuk para ma-access ang nakarekord na accompaniment o saliw.

Mga Tuntunin at Patakaran

Para sa karagdagang mga patakaran at alituntunin, tulad ng pagkuha ng musika, paggamit ng mga instrumento sa meetinghouse para sa pagpraktis, o mga community choir, tingnan ang bahagi 19.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.