Primary
Mga Responsibilidad


babaeng nagtuturo sa mga bata

Ang Calling Ko Bilang Stake Primary President

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Primary

Tinutulungan ng Primary ang mga bata na madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit; matuto tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan; maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at madama at makilala ang Espiritu Santo at kumilos ayon sa impluwensya nito. Ang Primary ay panahon din para maghanda, gumawa, at tumupad ng mga sagradong tipan habang nakikibahagi ang mga bata sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 12.1.)

Stake Primary President

Ang stake Primary president ay naglilingkod sa ilalim ng pamamahala ng stake presidency. Naglilingkod siya bilang miyembro ng stake council. Ang president ang namumuno sa stake Primary presidency. Bilang presidency, kabilang sa mga responsibilidad ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga bagong tawag na ward Primary presidency, pag-aalok ng patuloy na suporta at pagtuturo, at pagbisita sa mga klase ng ward sa stake. Kapag inanyayahan, maaari silang dumalo sa mga coordinating council meeting at magsalita sa mga sacrament meeting at iba pang mga pagkakataon (tingnan sa 6.7.1).

Mga Meeting at Council

Ang stake Primary presidency ay dapat regular na mag-usap-usap. Ang president ay dumadalo sa taunang mga stake leadership meeting (tingnan sa 29.3.4), naglilingkod sa stake council, at dumadalo sa mga coordinating council meeting kapag inanyayahan ng Area Seventy (tingnan sa 29.4).

Mga Aktibidad sa Primary

Maaaring magplano paminsan-minsan ang stake Primary presidency ng mga aktibidad sa stake para sa mga batang edad 8 hanggang 11. Ang mga aktibidad na ito ay maaaring para sa mga batang babae, batang lalaki, o pareho (tingnan sa 6.7.1.3).

Mga Tuntunin at Patakaran

Lahat ng mga adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay kailangang kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga batang may espesyal na mga pangangailangan, mga kinakailangan sa kaligtasan, programang Mga Bata at Kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahagiĀ 12.5 ng Pangkalahatang Hanbuk.