Ang Aking Calling Bilang Stake Primary Secretary
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang pangkalahatang ideya ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Primary
Tinutulungan ng Primary ang mga bata na madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit; matuto tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan; maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at madama, matukoy, at masunod ang impluwensya ng Espiritu Santo. Ang Primary ay panahon din para maghanda, gumawa, at tumupad ng mga sagradong tipan habang nakikibahagi ang mga bata sa gawain ng Diyos ukol sa kaligtasan at kadakilaan. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 12.1.)
Stake Primary Secretary
Sinusuportahan ng stake Primary secretary ang stake Primary presidency. Sa ilalim ng pamamahala ng Primary president, responsibilidad ng secretary na maghanda ng mga agenda o talaan ng mga pag-uusapan para sa mga presidency meeting, magtala ng mga pinag-uusapan sa mga presidency meeting at sumubaybay sa mga assignment, magtago ng iba pang mga talaan at maghanda ng mga report kapag hiniling ng presidency, tumulong sa presidency na ihanda ang taunang budget para sa kanilang organisasyon, magkwenta ng mga gastusin, at magbigay ng training para sa mga ward organization secretary kung inatasan (tingnan sa 6.7.3).
Mga Tuntunin at Patakaran
Lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay kailangang kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga batang may espesyal na mga pangangailangan, mga kinakailangan sa kaligtasan, programang Mga Bata at Kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahagiĀ 12.5 ng Pangkalahatang Hanbuk.