Ang Aking Calling Bilang Relief Society President
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Relief Society
Ang Relief Society ay isang organisasyong itinatag ng Diyos para sa lahat ng adult na kababaihan sa Simbahan. Ang Relief Society ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay “magligtas ng mga kaluluwa at magbigay-ginhawa sa pagdurusa”—nagkakaloob ng kaginhawahan ng Tagapagligtas (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 9.1).
Stake Relief Society President
Ang mga miyembro ng stake Relief Society presidency ay may maraming responsibilidad na kinabibilangan ng pagbibigay ng oryentasyon sa mga bagong tawag na ward Relief Society presidency at patuloy na pagsuporta; pagtuturo sa mga ward Relief Society president ng mga alituntunin ng ministering, family history, at gawaing misyonero (tingnan sa 9.5); pagpapalakas sa mga single adult sister; pakikipag-coordinate ng mga emergency effort; pagsasalita sa mga sacrament meeting at iba pang mga gawain; at pagbisita sa mga ward Relief Society meeting (tingnan sa 6.7.1).
Mga Meeting at Council
Ang stake Reief Society presidency ay regular na nag-uusap-usap. Ang isang miyembro ng presidency ay naglilingkod sa stake young single adult at sa single adult committee, kung organisado. Ang presidency ay dumadalo taun-taon sa mga stake leadership meeting at nagtuturo sa mga ward Relief Society presidency sa mga miting na iyon (tingnan sa 29.3.4), naglilingkod sa stake adult leadership council (mga president lamang) at komite, at dumadalo sa mga coordinating council meeting kapag inanyayahan ng Area Seventy (tingnan sa 29.4).
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang stake Relief Society presidency ay maaaring magplano ng isa o dalawang miting bawat taon para sa lahat ng mga Relief Society sister sa stake. Maaaring kabilang sa mga miting na ito ang paglilingkod, mga klase, proyekto, kumperensya, at workshop (tingnan sa 6.7.1.1). Paminsan-minsan ay maaaring pagsama-samahin ng mga stake Relief Society, Young Women, at Primary presidency ang mga aktibidad para sa kanilang mga organisasyon (tingnan sa 6.7.1).
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 9.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.