Relief Society
Mga Responsibilidad


grupo ng kababaihang nag-uusap

Ang Aking Calling Bilang Stake Relief Society Secretary

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang maikling paliwanag tungkol sa mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Relief Society

Ang Relief Society ay isang organisasyong itinatag ng Diyos para sa lahat ng adult na kababaihan sa Simbahan. Ang Relief Society ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay “magligtas ng mga kaluluwa at bigyang-ginhawa ang mga nagdurusa”—na naglalaan ng kaginhawahan ng Tagapagligtas (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 9.1).

Stake Relief Society Secretary

Sa ilalim ng pamamahala ng stake Relief Society president, responsibilidad ng secretary na maghanda ng mga agenda para mga presidency meeting, magtala ng mga pinag-uusapan sa mga presidency meeting at subaybayan ang mga assignment, ingatan ang iba pang mga talaan at maghanda ng mga report kapag hiniling ng presidency, tumulong sa presidency na ihanda ang taunang budget para sa kanilang organisasyon, magsulit ng mga gastusin, at magbigay ng training para sa mga ward organization secretary kapag inatasan (tingnan sa 6.7.3).

Mga Meeting at Council

Ang stake Relief Society secretary ay dumadalo sa mga presidency meeting at naglilingkod na kasama ang presidency sa stake adult leadership committee (tingnan sa 6.7.1.1).

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang mga karagdagang tuntunin at patakaran ay matatagpuan sa bahagi 9.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.