Sunday School
Mga Responsibilidad


grupo ng mga taong nakangiti

Ang Aking Calling bilang Sunday School Secretary

Mga Responsibilidad

Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Ang Layunin ng Sunday School

Ang Sunday School ay tumutulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga anak ng Diyos na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 13.1).

Presidency at Secretary

Responsibilidad ng Sunday School president na pamahalaan ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo sa tahanan at sa simbahan. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor. Matutulungan ng secretary ang presidency na masubaybayan ang mga takdang-gawain at attendance (tingnan sa 13.2.2.2).

Mga Klase sa Araw ng Linggo

Ang mga klase sa Sunday School ay idinaraos sa una at ikatlong Linggo ng buwan. Magkakaiba ang laki ng mga klase batay sa mga pangangailangan ng bawat ward (tingnan sa 13.3). Ginagamit ng mga Sunday School teacher ang mga banal na kasulatan, nakaiskedyul na mga lesson sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, at ang mga salita ng mga makabagong propeta bilang pangunahing sanggunian nila sa pagtuturo.

Pag-aaral na Nakasentro sa Tahanan

Responsibilidad ng mga magulang na ituro ang ebanghelyo sa kanilang mga anak (tingnan sa 13.5). Hinihikayat ng mga guro at lider ng Sunday School ang mga miyembro na maghangad ng sarili nilang inspirasyon kung paano pag-aaralan at ituturo ang ebanghelyo sa kanilang mga tahanan (tingnan sa 17.2).

Mga Teacher Council Meeting

Matutulungan ng secretary ang Sunday School president na mag-organisa at magdaos ng mga teacher council meeting at teacher council meeting para sa mga magulang bawat quarter.

Mga Tuntunin at Patakaran

Lahat ng adult na may mga calling na may kinalaman sa mga kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga karagdagang tuntunin sa Sunday School ay matatagpuan sa bahagiĀ 13.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.