Ang Aking Calling Bilang Ward Choir Director
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang buod ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Musika sa Simbahan
Ang sagradong musika ay nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Inaanyayahan nito ang Espiritu at nagtuturo ng doktrina. Ito rin ay nagdadala ng diwa ng pagpipitagan, pinagkakaisa ang mga miyembro, at nagbibigay ng paraan para sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ipinahayag ng Panginoon, “Aking kaluluwa ay nagagalak sa awitin ng puso” (Doktrina at mga Tipan 25:12). (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 19.1.)
Ward Choir Director
Tinutulungan ng ward choir director ang mga miyembro ng ward na mapalakas ang kanilang pananampalataya at pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng sagradong musika. Inirerekomenda nila ang musika para sa ward choir, pinamamahalaan ang mga ensayo ng koro, at kumukumpas sa koro sa mga miting ng Simbahan (tingnan sa 19.4.3.3).
Mga Ward Choir
Ang mga choir sa Simbahan ay naghahatid ng kaluwalhatian sa Diyos, pinagkakaisa at pinalalakas ang mga miyembro ng Simbahan, at nagdadala ng kagalakan sa mga kalahok at sa kongregasyon. Hinihikayat ang mga choir na gamitin ang mga himno ng Simbahan, na nag-aanyaya sa Espiritu at tumutulong sa mga kalahok sa koro at kongregasyon na matutuhan ang ebanghelyo (tingnan sa Hymns, 381–83). Maaari ding kumanta ang mga choir ng Simbahan ng iba pang seleksiyon ng sagradong musika. Ang lahat ng mga seleksiyon ng musika ay nagtuturo dapat ng ebanghelyo sa mabisa at malinaw na paraan. (Tingnan sa 19.3.)
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang pag-eensayo ng choir ay kadalasang hindi lumalampas ng isang oras. Para sa karagdagang mga tuntunin at patakaran, tulad ng pagkuha ng musika, paggamit ng mga instrumento sa meetinghouse para sa pagsasanay, o mga community choir, tingnan ang bahagi 19.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.