Karagdagang mga Calling
Mga Responsibilidad


lalaking nakikipag usap sa dalagita

Ang Aking Calling Bilang Isang Disability Specialist

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag tungkol sa mga responsibilidad para sa iyong calling.

Mga Miyembrong May Kapansanan

“Hinihikayat ang mga miyembro [ng Simbahan] na sundin ang halimbawa ng Tagapagligtas na magbigay ng pag-asa, pag-unawa, at pagmamahal sa mga may kapansanan” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 38.8.27). Ang iyong tuon bilang isang ward disability specialist ay tulungan ang mga indibiduwal na maghandang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan.

Disability Specialist

Ang disability specialist ay naglilingkod sa mga miyembro at lider sa pamamagitan ng pagkilala sa mga taong may kapansanan at sa kanilang pamilya; pagtugon sa mga tanong at alalahaning may kinalaman sa kapansanan mula sa mga tagapag-alaga, lider, at iba pa; at pagtulong sa mga indibiduwal na maka-access sa mga materyal, miting, at aktibidad ng Simbahan. Maaari ding makatulong ang specialist na makatukoy ng mga makabuluhang oportunidad na makapaglingkod ang mga miyembrong may kapansanan. (Tingnan sa 38.8.27.9.)

Mga Karagdagang Responsibilidad

Tukuyin at alamin kung sino ang mga miyembro sa inyong ward na may kapansanan. Mapanalanging humingi ng inspirasyon kung paano maaaring isali at suportahan ang mga miyembrong ito at ang kanilang pamilya o tagapag-alaga. Mag-alok na dumalo sa mga ward council meeting para maipaunawa sa mga lider kung paano nila masusuportahan ang mga miyembrong may kapansanan. Para sa karagdagang resources, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org.

Mga Tuntunin at Patakaran

Para sa mga patnubay sa pagsuporta sa mga miyembrong nasa mga ospital o care center, tingnan ang bahagi 38.8.43 sa Pangkalahatang Handbook. Para sa mga patnubay sa mga ordenansa para sa mga indibiduwal na may intelektuwal o pisikal na kapansanan, tingnan ang mga bahagi 38.2.4 at 38.2.5.