Music
Mga Responsibilidad


babaeng kumukumpas sa koro

Ang Aking Calling Bilang Ward Music Coordinator

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag tungkol sa mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Musika sa Simbahan

Ang sagradong musika ay nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Inaanyayahan nito ang Espiritu at nagtuturo ng doktrina. Nagdadala rin ito ng diwa ng pagpipitagan, pinagkakaisa ang mga miyembro, at nagbibigay ng paraan para sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ipinahayag ng Panginoon, “Sapagkat ang aking kaluluwa ay nagagalak sa awitin ng puso” (Doktrina at mga Tipan 25:12). (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 19.1.)

Ward Music Coordinator

Tinutulungan ng mga ward music coordinator ang mga miyembro ng ward na palakasin ang kanilang pananampalataya at pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng sagradong musika. Naglilingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng bishop. Ang mga ward music coordinator ay sanggunian ng bishop at iba pang ward leader sa mga usapin tungkol sa musika. Maaaring dumalo ang mga music coordinator sa mga ward council meeting kung hihilingin ng bishop. (Tingnan sa 19.4.2.)

Musika para sa mga Miting ng Simbahan

“Ang nakapupukaw na himig ay mahalagang bahagi ng ating mga pagpupulong sa simbahan” (Mga Himno, Paunang Salita ng Unang Panguluhan). Ang mga seleksiyon ng musika ay dapat magturo ng ebanghelyo nang may kapangyarihan at kalinawan (tingnan sa 19.3.1).

Musika sa Sacrament Meeting

Kabilang sa musika sa sacrament meeting ang pag-awit ng kongregasyon ng mga himno sa pagsisimula at pagwawakas ng pulong at bago pangasiwaan ang sakramento. Maaari ding magdagdag sa sacrament meeting ng isa o higit pang mga himno o musical presentation. Ang mga himno o iba pang mga sagradong musika ay maaaring gamitin para sa saliw ng musika bago at pagkatapos ng meeting, musika ng choir, at pagtatanghal ng isang tao o maliit na grupo. (Tingnan sa 19.3.2.)

Training at Resources

Ang mga ward music coordinator ay nagrerekomenda ng at nagbibigay ng oryentasyon sa mga miyembro na maglilingkod sa mga ward music calling. Nag-aalok sila ng suporta at pagtuturo at nangangasiwa sa pagsasanay sa musika kung kinakailangan. (Tingnan sa 19.6.) Kung walang tutugtog para sa mga ward meeting, tingnan ang bahagi 19.4.3.2 ng Pangkalahatang Hanbuk para ma-accesss ang nakarekord na mga saliw.

Mga Tuntunin at Patakaran

Para sa karagdagang mga tuntunin at patakaran, tulad ng pagkuha ng musika, paggamit ng mga instrumento sa meetinghouse para sa pagsasanay, o mga community choir, tingnan sa bahagi 19.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.