Music
Mga Responsibilidad


babaeng kumukumpas sa koro

Ang Aking Calling Bilang Ward Music Leader

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag tungkol sa mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Musika sa Simbahan

Ang sagradong musika ay nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Inaanyayahan nito ang Espiritu at nagtuturo ng doktrina. Ito rin ay nagdadala ng diwa ng pagpipitagan, pinagkakaisa ang mga miyembro, at nagbibigay ng paraan para sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ipinahayag ng Panginoon, “Sapagkat ang aking kaluluwa ay nagagalak sa awitin ng puso” (Doktrina at mga Tipan 25:12). (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 19.1.)

Ward Music Leader

Tinutulungan ng ward music leader ang mga miyembro ng ward na mapalakas ang kanilang pananampalataya at pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng sagradong musika. Nagkukumpas sila sa pag-awit ng mga himno ng kongregasyon para sa sacrament meeting at para sa iba pang mga miting ng ward kung hihilingin ito sa kanila (tingnan sa 19.4.3.1).

Musika para sa mga Miting ng Simbahan

“Ang nakapupukaw na himig ay mahalagang bahagi ng ating mga pagpupulong sa simbahan” (Mga Himno, Paunang Salita ng Unang Panguluhan). Ang mga seleksiyon ng musika ay dapat magturo ng ebanghelyo nang may kapangyarihan at kalinawan (tingnan sa 19.3.1).

Musika sa Sacrament Meeting

Kabilang sa musika sa sacrament meeting ang pag-awit ng kongregasyon ng mga himno sa pagsisimula at pagwawakas ng pulong at bago pangasiwaan ang sakramento. Maaari ding magdagdag ng isa o higit pang mga himno o musical presentation sa sacrament meeting. Ang mga himno o iba pang mga sagradong musika ay maaaring gamitin para sa pambungad at pangwakas na saliw ng musika, musika ng choir, at pagtatanghal ng isang tao o maliit na grupo. (Tingnan sa 19.3.2.)

Training at Resources

Para sa mga detalye tungkol sa music training, tingnan ang bahagi 19.6 ng Pangkalahatang Hanbuk. Kung walang tutugtog para sa mga ward meeting, tingnan ang bahagi 19.4.3.2 para ma-access ang rekarekord na saliw.

Mga Tuntunin at Patakaran

Para sa karagdagang mga patakaran at alituntunin, tulad ng pagkuha ng musika, paggamit ng mga instrumento sa meetinghouse para sa pagsasanay, o mga community choir, tingnan ang bahagi 19.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.