Music
Mga Responsibilidad


babaeng gumagabay sa koro

Ang Aking Calling Bilang Isang Ward Music Specialist

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag tungkol sa mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Musika sa Simbahan

Ang sagradong musika ay nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Inaanyayahan nito ang Espiritu at nagtuturo ng doktrina. Nagdadala rin ito ng diwa ng pagpipitagan, pinagkakaisa ang mga miyembro, at nagbibigay ng paraan para sambahin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ipinahayag ng Panginoon, “Ang aking kaluluwa ay nagagalak sa awitin ng puso” (Doktrina at mga Tipan 25:12). (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 19.1.)

Ward Music Specialist

Tinutulungan ng mga ward music specialist ang mga miyembro ng ward upang mapalakas sila sa pananampalataya at sa pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng sagradong musika. Maaari silang tawagin para tumulong sa pagbibigay ng music training sa ward (tingnan sa 19.4.3.5). Para sa mga detalye tungkol sa music training, tingnan sa bahagi 19.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.

Mga Tuntunin at Patakaran

Para sa karagdagang mga tuntunin at patakaran, tulad ng pagkuha ng musika, paggamit ng mga instrumento sa meetinghouse para sa pagsasanay, o mga community choir, tingnan ang bahagi 19.7 ng Pangkalahatang Hanbuk.