Ang Tungkulin Ko Bilang Young Women President
Mga Responsibilidad
Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
grupo ng mga kabataang babae
Ang organisasyon ng Young Women ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Tinutulungan ng organisasyon ng Young Women ang mga kabataang babae na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Sa kanilang mga class, pinaglilingkuran ng mga kabataang babae ang iba, tinutupad ang mga responsibilidad sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at natututunan at ipinapamuhay ang doktrina. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 11.1.1.)
President at Presidency
Ang pangulo ay naglilingkod sa ward council at ward youth council (tingnan sa 11.3.4.4). Regular siyang nagdaraos ng mga pulong ng panguluhan at nakikipagpulong sa bishop. Ang panguluhan ay naglilingkod sa mga kabataang babae habang sila ay nagiging panghabambuhay na mga disipulo ni Jesucristo. Itinuturo nila sa mga panguluhan ng klase ang kanilang mga responsibilidad at sinusuportahan sila sa kanilang pamumuno. (Tingnan sa 11.3.2.) Ang pangulo ang sumusubaybay sa mga rekord, report, at pananalapi. Ang kanyang mga tagapayo ay nagbibigay ng suporta. Nakikipagsanggunian din ang pangulo sa mga kabataang babae tungkol sa mga hamon na hindi nangangailangan ng bishop o may kinalaman ng pang-aabuso.
Pamunuan ng mga Kabataan
Sinusuportahan ng panguluhan ng Young Women ang mga kabataang lider. Naglilingkod ang mga class president sa ward youth council. Ang mga class presidency ang namumuno at naglilingkod sa mga kabataang babae habang mas napapalapit sila sa Tagapagligtas at nakikibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Sa tulong ng mga adult leader, nagpaplano sila ng mga proyektong pangserbisyo, aktibidad, at mga miting tuwing Linggo. (Tingnan sa 11.3.4.2.)
Mga Klase sa Araw ng Linggo
Ang bishopric at mga adult Young Women leader ay mapanalanging nagpapasiya kung paano isasaayos ang mga class ayon sa edad. Isinasaalang-alang nila ang mga pagkakataong mamuno ng mga kabataang babae. Ang bawat class, anuman ang laki nito, ay dapat magkaroon ng isang president at, kung maaari, isa o dalawang counselor at isang secretary (tingnan sa 11.1.3).
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang mga class presidency, na suportado ng mga adult leader, ang nagpaplano ng mga paglilingkod at aktibidad na nagpapalakas ng mga patotoo, nagpapatatag ng mga pamilya, naghihikayat ng pagkakaisa sa klase, at nagbibigay ng mga pagkakataong pagpalain ang iba (tingnan sa 11.2.1.3). Ang paglilingkod at mga aktibidad ay isang pagkakataon upang tipunin ang mga kabataan at ibahagi ang kagalakan ng pamumuhay ng ebanghelyo at pakikibahagi sa malaking gawain ng Panginoon.
Mga Tuntunin at Patakaran
Ang lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay dapat kumpletuhin ang Protecting Children and Youth training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga kabataang babae na may kapansanan, sagisag ng mga kabataan, at marami pang iba ay matatagpuan sa bahagi 11.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.