Young Women
Mga Responsibilidad


mga dalagitang nakangiti

Ang Aking Calling Bilang Young Women Secretary

Mga Responsibilidad

Nagpapasalamat ang Panginoon sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Young Women

Ang organisasyong Young Women ay tumutulong sa mga anak na babae ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Tinutulungan nito ang mga kabataang babae na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at palalimin ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Sa kanilang mga klase, pinaglilingkuran ng mga kabataang babae ang iba, tinutupad ang mga responsibilidad nila sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at natututuhan at ipinapamuhay ang doktrina. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 11.1.1.)

Secretary

Tinutulungan ng Young Women secretary ang president sa paghahanda ng mga agenda, pagtatala, at pagsubaybay sa mga takdang-gawain para sa mga presidency meeting. Tinuturuan din niya ang mga class secretary, tinutulungan silang mag-ingat ng mga talaan ng attendance, at tumutulong sa presidency ng Young Women sa paghahanda ng badyet at paglilista ng mga gastusin (tingnan sa 11.3.3).

Mga Klase sa Araw ng Linggo

Ang bishopric at mga adult Young Women leader ay mapanalanging nagpapasiya kung paano isasaayos ang mga klase ayon sa edad. Isinasaalang-alang nila ang mga pagkakataong mamuno ng mga kabataang babae. Ang bawat klase, anuman ang laki nito, ay dapat magkaroon ng isang president at, kung maaari, isa o dalawang counselor at isang secretary (tingnan sa 11.1.3).

Paglilingkod at mga Aktibidad

Sa pagsuporta ng mga adult leader, ang mga class presidency ay nagpaplano ng mga paglilingkod at aktibidad na nagpapatatag ng mga patotoo, nagpapalakas ng mga pamilya, naghihikayat ng pagkakaisa sa klase, at nagbibigay ng mga pagkakataong pagpalain ang iba (tingnan sa 11.2.1.3). Ang paglilingkod at mga aktibidad ay pagkakataon upang tipunin ang mga kabataan at ibahagi ang kagalakan ng pamumuhay ng ebanghelyo at pakikibahagi sa malawak na gawain ng Panginoon.

Mga Tuntunin at Patakaran

Ang lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay dapat kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga kabataang babae na may kapansanan, sagisag ng mga kabataan, at marami pang iba ay matatagpuan sa bahagi 11.6 ng Pangkalahatang Hanbuk.