Ang Aking Calling Bilang Elders Quorum President
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang maikling paliwanag tungkol sa mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Elders Quorum
Ang Melchizedek Priesthood ay tumutulong sa mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Ang mga miyembro ng elders quorum ay nagtutulungan para maisakatuparan ang gawain ng Diyos ukol sa kaligtasan at kadakilaan. Naglilingkod sila sa iba, ginagampanan ang mga tungkulin sa priesthood, nagkakaisa, at natututo at namumuhay ayon sa doktrina (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 8.1).
Elders Quorum President
Itinuturo ng elders quorum president sa mga miyembro ng korum ang kanilang mga tungkulin sa priesthood. Kabilang din sa kanyang mga responsibilidad ang paglilingkod sa ward council; pag-oorganisa ng mga pagsisikap kasama ang Relief Society presidency; at pangangasiwa sa ministering, mga aktibidad, ulat, talaan, at pananalapi. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor at secretary (tingnan sa 8.3.3.2).
Presidency
Regular na nagmimiting ang elders quorum presidency at secretary. Ang pagtulong sa mga prospective elder na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood ay isa sa mga pinakamataas na prayoridad ng presidency (tingnan sa 8.4).
Elders Quorum at Relief Society
Ang mga elders quorum at Relief Society presidency ay pinag-uugnay ang mga ministering assignment at tumutulong sa pamumuno sa mga gawain sa templo at family history at sa mga pagsisikap na anyayahan ang lahat na tanggapin ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Mayroon din silang mahalagang papel sa pagtuturo sa mga miyembro ng ward ng mga alituntunin ng ministering, ministering interview, pagsunod sa batas ng ayuno, pagkakaroon ng self-reliance, at pagpapaibayo ng personal na kahandaan at kahandaan ng pamilya (tingnan sa 22.6.2).
Mga Miting sa Araw ng Linggo
Ang mga elders quorum ay nagpupulong sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng buwan para palakasin ang pananampalataya, magkaroon ng pagkakaisa, at mapatatag ang mga pamilya at tahanan. Mapanalanging pinipili ng elders quorum presidency ang mga mensahe mula sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya na tatalakayin batay sa mga pangangailangan ng mga miyembro (tingnan sa 8.2.1.2).
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang mga elders quorum presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad para palakasin ang mga miyembro ng korum at bigyan sila ng mga oportunidad na sama-samang maglingkod (tingnan sa 8.2.1.3).
Karagdagang mga Calling
Tinatalakay ng bishop at elders quorum president ang pangangailangan sa karagdagang mga calling kung kinakailangan (tingnan sa 8.3.5).