Pagsisimula
“Ang hiling lang Niya ay ibigay ninyo ang inyong buong kakayahan at buong puso. Gawin ito nang may kasiyahan at may panalangin ng pananampalataya” —Pangulong Henry B. Eyring1
Inaanyayahan ka namin na simulan ang iyong bagong calling na mayroon ng lahat ng suporta at impluwensyang ibinibigay sa iyo ng Panginoon. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa sumusunod na dalawang paanyayang kumilos.
Una, manalangin. Ipanalangin ang mga pinamumunuan mo. Ipanalangin ang mga pinaglilingkuran mo. Madalas na manalangin para sa mga oportunidad, pag-unawa, at mga pagpapala. Lubos na manalig sa Panginoon at pagpapalain ka Niya sa iyong calling.
Pangalawa, masang-ayunan at ma-set apart para sa iyong bagong calling. Ang mahalagang hakbang na ito ay nagbibigay sa iyo ng awtoridad ng priesthood na kumilos sa iyong calling. Sa pamamagitan ng awtoridad na ito, maaari kang tumanggap ng mga pagpapala at inspirasyon na ginagabayan ng Espiritu para sa mga pinamumunuan at pinaglilingkuran mo.
Pumunta sa bahaging Mga Responsibilidad para sa overview ng iyong calling.