Seminary
Pambungad sa Manwal ng Bagong Tipan para sa Estudyante ng Seminary


Pambungad sa Manwal ng Bagong Tipan para sa Estudyante ng Seminary

Ang Layunin ng Seminaries at Institute of Religion ay “tulungan ang mga kabataan at young adult na maunawaan ang mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo at umasa rito, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo: Isang Hanbuk para sa mga Titser at Lider sa Seminaries and Institutes of Religion [2012], x, SimbahanniJesucristo.org).

Layunin ng mga lesson sa manwal na ito na tulungan kang makamit ang layuning ito habang pinag-aaralan mo ang Bagong Tipan. Ang manwal na ito ay naglalaman ng 255 lesson. (Hindi kinakailangang makumpleto mo ang lahat ng lesson na ito.) Karamihan sa mga lesson na ito ay nakaayon sa scripture block na matatagpuan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na pag-aaralan ng mga indibiduwal at pamilya. Ang iba pang mga lesson ay nauugnay sa doctrinal mastery. Tutulungan ka ng iyong titser para malaman mo kung aling mga lesson ang kukumpletuhin sa tahanan at kung alin sa mga lesson ang pag-aaralan ninyo nang magkakasama bilang klase.

Kasama sa mga gawain para sa bawat lesson ang mga assignment na babasahin at sasagutan. Ang mga assignment na sasagutan ay nakasaad sa icon na ito: Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis.

Pag-isipang mabuti ang iyong mga sagot bago isulat ang mga ito. Tutulungan ka nito na magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan habang natututuhan at ipinamumuhay mo ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan. Manalangin bago mo simulan ang iyong mga lesson, at hingin ang patnubay at paggabay ng Espiritu Santo para matulungan ka sa iyong pag-aaral. Maghanap ng mga pagkakataon na maibahagi mo sa iba, pati sa iyong pamilya, ang mga natututuhan mo.