“Pambungad,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Pambungad,” Ministeryo sa Bilangguan
Pambungad
Ang programang Prison Ministry Guided Study ay opsiyonal na resource para sa mga lider at miyembro ng Simbahan sa kanilang pagsisikap na suportahan ang mga adult na nakakulong. Ito ay isang mail correspondence program na nagbibigay sa mga adult na nakakulong ng mga lesson na nakatuon sa ebanghelyo pati na rin ang feedback at suporta habang natututo sila.
Ang programang ito ay maaaring pondohan at pangasiwaan sa ilalim ng pamamahala ng stake president, o maaaring gamitin ito ng mga pamilya bilang suporta sa isang mahal sa buhay na nakakulong.
Mga Tagubilin
-
Ipinapaalam sa adult na nakakulong ang programa at hinihiling sa kanya na makilahok.
-
Ang lesson at response form ay inililimbag at ipinapadala sa adult na nakakulong alinsunod sa mga tuntunin ng Simbahan at patakaran sa bilangguan o kulungan. Isang return envelope na may printed postage ang maaaring ibigay.
-
Pag-aaralan at kukumpletuhin ng adult na nakakulong ang mga tanong sa response form at pagkatapos ay ipapadalang muli sa koreo ang response form, at itatabi ang materyal ng lesson para patuloy na gawing reperensya.
-
Ang mga sagot ay tinitingnan, at ang mga nakatutulong na feedback ay ibinibigay.
-
Ang response form na may feedback at ang susunod na lesson ay ipapadala sa adult na nakakulong sa pamamagitan ng koreo.
Ang mga karagdagang tanong ay maaaring idirekta sa PrisonMinistry@ChurchofJesusChrist.org.