“Quick Start Guide para sa Kumperensya ng YSA” (2023)
Quick Start Guide para sa Kumperensya ng YSA
Kapag nagpaplano, nag-oorganisa, nagdaraos, at nagsusuri ng isang kumperensya ng young single adult (YSA), tiyaking may sapat na oras upang epektibong maisagawa ang bawat hakbang sa ibaba. Kung may mga tanong ka sa anumang yugto ng kumperensya, mag-email sa ysa-conferences@ChurchofJesusChrist.org.
1 - Magsimula
-
Bumuo ng isang komite ng kumperensya ng YSA at hayaan ang mga YSA na mamuno sa mga gagawin.
-
Isama ang mga kinatawan ng institute at ang area controller (o financial representative) sa pagpaplano.
-
Humingi ng inspirasyon mula sa mga mithiin at tema ng kumperensya.
-
Bumuo ng isang epektibong YSA conference awareness plan.
-
Bumuo ng isang epektibong conference evaluation plan.
-
Paaprubahan sa Area Presidency.
-
Malinaw na tukuyin ang mga tungkulin at responsibilidad at bumuo ng mga subcommittee.
2. Magplano, Maghanda, at Ipaalam
-
Tiyakin na may tamang pondo. (Maaaring ito ay mula sa budget ng area o ng lokal na unit. O maaaring kailanganin ninyong humiling ng karagdagang pondo.)
-
Pumili ng mga petsa ng kumperensya kung saan maraming YSA ang makadadalo at hindi sasabay sa mga kumperensya ng FSY.
-
Siguruhing may sapat na suporta. (Maaari kayong tumanggap ng tulong mula sa mga lokal na boluntaryo. Maaari rin kayong tumanggap ng suporta mula sa headquarters sa pamamagitan ng mga departamento ng Publishing Services o Meetinghouse Facilities. Maaari rin kayong makipagkontrata sa mga vendor at agency para sa mga serbisyo at suporta.)
-
Tiyakin na may lugar na pagdarausan, kinakailangang serbisyo, at talent, presenter, at tagapagsalita.
-
Tukuyin ang mga paraan para sa pagpaparehistro at buksan ang pagpaparehistro nang mas maaga hangga’t maaari (para sa pag-access sa isang registration system, ipadala ang mga katanungan sa Conf-Registration@ChurchofJesusChrist.org).
-
Isagawa ang awareness plan, subaybayan ang mga tugon, at mag-adjust kung kinakailangan.
-
Tukuyin ang proseso kung paano mangangasiwa sa mga hindi inaasahang pangyayari sa panahon ng kumperensya.
3. Idaos at I-Evaluate ang Kumperensya
-
Sundin ang plano ng kumperensya.
-
Sundin ang proseso para sa kung paano mangangasiwa sa mga hindi inaasahang pangyayari.
-
Suriin ang kumperensya. (Itala ang pagdalo; feedback ng mga YSA sa mga pangyayari at karanasan; epekto ng kumperensya sa mga pag-uugali, patotoo, at pakikilahok sa Simbahan; mga gastusin sa badyet; at iba pa.)
-
Magsumite ng evaluation report sa Area Presidency at sa headquarters ng Simbahan.
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Bersyon: 11/23. PD80026009 000