2018
5 Mabubuting-Asal ng mga Pioneer na Makapagliligtas sa Ating mga Tahanan Ngayon
Hulyo 2018


Digital Lamang

5 Mabubuting-Asal ng mga Pioneer na Makapagliligtas sa Ating mga Tahanan Ngayon

Ang awtor ay naninirahan sa California, USA.

Maaaring iba ang ating mga hamon ngayon, ngunit kailangan natin ng lakas tulad ng sa mga pioneer noon.

pioneers

Naisip na ba ninyo kung kasinglaki ba ng pananampalataya ninyo ang pananamplataya ng mga pioneer noon? Ang mga Banal ngayon ay maaaring hindi paglalakarin ng 20 milya (32 km) sa loob ng isang araw, iwanan ang lahat ng meron sila, o harapin ang matitinding pagpapahirap, ngunit kinakailangan nating gumawa ng mga desisyon na hindi popular, bantayan ang ating sarili laban sa mga sitwasyong nakamamatay sa espirituwal, at tanggihan ang walang katapusang daloy ng mga hindi naaangkop na libangan na makapaglalayo sa atin mula sa mga bagay na pinakamahalaga.

Kapag pinili nating sundin si Cristo, kinakailangan nating taglayin ang kaparehas na kabutihang asal na nagbigay sa ating mga pioneer na ninuno ng taglay nilang mahimalang lakas.

Narito ang lima lamang sa mga kabutihang asal na makapagpapalakas sa atin araw-araw:

  1. Pananampalataya. Ang lakas ng mga pioneer ay makikita sa indibiduwal na antas. Alam ng bawat isa sa kanila na sila ay mga anak ng Diyos. Kayo rin ay makabubuo ng sariling pananampalataya kay Cristo upang ang inyong patotoo ay manatiling malakas kahit ano pang unos ang dumating.

  2. Tapang. Maaaring nakatatawa na ikumpara ang ating lakas-ng-loob sa kanila. Ang mga pioneer ay humarap sa totoong pisikal na panganib araw-araw, ngunit kinakailangan nating maging matapang na tulad nila sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa ibang tao at mamuhay nang naiiba mula sa mundo. Ang pag-alaala sa tapang o lakas-ng-loob ng mga pioneer ay makatutulong sa atin na lupigin ang ating mga pagsubok.

  3. Determinasyon. Kapag dumarating ang sakuna noon, maaaring naging madali sa mga pioneer na pagdudahan ang pagkamakatarungan ng kanilang sitwasyon, ngunit ang kanilang determinasyon ang nakatulong sa kanila na kayanin iyon, nagtitiwala na ang lahat ay magiging mabuti. Ngayon, maaari tayong magkaroon ng kaparehas na malakas na paniniwala at matanto na ano man ang sabihin ng mundo sa atin, “ang lahat ng bagay ay ginawa sa karunungan niya na nakaaalam ng lahat ng bagay” (2 Nephi 2:24).

  4. Sakripisyo. Ang matibay na pananaw ng mga pioneer sa ginagawa nila ay nakatulong sa kanila na gawin ang mga kinakailangang sakripisyo upang sumulong. Maaari tayong umasa sa kaparehas na pananaw na nagsulong sa mga pioneer—ang pagtatatag ng Simbahan ng Diyos—kung kailan natin kailangang magsakripisyo ngayon.

  5. Pagkakaisa. Ang paglalakbay sa mga wagon train ay nangahulugan na ang bawat isa ay pinangalagaan ang isa’t isa sa kanilang paglalakbay papunta sa Sion. Habang nagtatrabaho tayo upang maitatag ang Sion ngayon sa ating mga ward, stake, branch, tahanan, at komunidad, kinakailangan din nating sikaping iangat at isama ang mga nakapaligid sa atin.