“Gamitin ang Inyong mga Puso sa Pag-unawa”
Gabi kasama ang Isang General Authority • Pebrero 8, 2019 • Salt Lake City Tabernacle
Aking mga minamahal na kapatid, nagagalak akong makapaglingkod kasama ninyo sa dakilang gawaing ito. Ipinahahayag ko ang aking pagmamahal at pasasalamat para sa lahat ng di-pangkaraniwang gawaing ginagawa ninyo sa pagtulong sa bagong henerasyon ng mga kabataan at mga young adult na matuto nang malalim sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Kapag malalim ang pagkatuto sa ebanghelyo, ang ating mga estudyante ay lalago sa (1) kaalaman at pag-unawa, (2) kapasidad sa paggawa ng epektibo at matuwid na pagkilos, at (3) maging mas higit na katulad ng Tagapagligtas at ng ating Ama sa Langit.
Ang pag-unawa sa ebanghelyo ay kritikal na ugnayan sa pagitan ng kaalaman sa ebanghelyo at epektibo at matuwid na pagkilos. Nais kong ibahagi sa inyo ngayong gabi ang ilan sa maiikling kaisipan tungkol sa kung ano ang ating magagawa upang matulungan ang ating mga estudyante na lumago sa kanilang pag-unawa sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Sisimulan ko sa kahanga-hangang mga salitang ginamit ni Abinadi upang ituwid ang mga saserdote ni Haring Noe: “Hindi ninyo ginamit ang inyong mga puso sa pang-unawa; samakatwid, hindi kayo naging matalino.”1
Ang mga saserdote ay mayroong mga banal na kasulatan, at alam nila ang tungkol sa batas at mga propeta, ngunit hindi nila inihilig ang kanilang mga puso sa pag-unawa. Ang puso ang sumisimbolong sentro ng ating kalooban, mga ninanais, katapatan, pinahahalagahan at prayoridad, damdamin, at patotoo sa katotohanan.2
Ang pag-unawa sa ebanghelyo ay higit pa sa pag-alam lamang dito.3Ito ay isang espirituwal na karanasan kung saan ang Espiritu Santo ay sumasaksi sa katotohanan, nagpapaliwanag ng ating mga kaisipan, at binabago ang ating mga puso.4Ang pag-unawa sa puso ay isang kaloob ng Espiritu.
Kapag isa sa inyong mga estudyante ay nagnanais na gamitin ang kanyang puso sa pag-unawa ng isang alituntunin ng ebanghelyo tulad ng pananampalataya kay Jesucristo, dapat niyang gamitin ang kanyang kalayaang pumili na piliin si Jesucristo at isabuhay ang alituntuning iyon. Ang kanyang karanasan sa alituntuning iyon ay ang daan tungo sa kanyang puso. Ang kanyang kilos ay nagtutulot sa Espiritu Santo na patotohanan, liwanagin, at baguhin ang paraan ng pagyakap ng kanyang puso sa Panginoon at sa alituntuning iyon.5Habang patuloy niyang isinasabuhay ang alituntuning iyon, pinagninilayan ang kanyang karanasan, at pinatototohanan ang alam niyang totoo, ang kanyang pag-unawa sa pananampalataya ay lalago, at ang kanyang puso ay magbabago:
-
Ang kanyang kalooban, mga ninanais, at mga prayoridad tungkol sa pagkilos nang may pananampalataya sa Panginoon ay nagiging mas nakaayon sa Kanyang kalooban.
-
Ang kanyang mga tipan sa Panginoon ay pinalalalim ang pangako sa kanyang puso na kumilos nang may pananampalataya sa Kanya.
-
Ang kanyang pag-ibig, debosyon, kaligayahan, at pananampalataya sa Panginoon ay nagiging mas malalim at mas matibay.
-
Ang kanyang personal na patotoo sa katotohanan ng pananampalataya kay Jesucristo at sa kapangyarihan at pag-ibig ng Panginoon ay lalago.6
Ano ang magagawa natin bilang mga guro ng ebanghelyo upang matulungan ang ating mga estudyante na gamitin ang kanilang mga puso sa pag-unawa sa doktrina ni Jesucristo? Hayaan ninyong ibahagi ko ang isang kwento na alam kong may taglay na mahahalagang kaisipan para sa atin.
Isang guro ang nagtipon ng isang grupo ng mga 4th grader at sa loob ng ilang minuto ay nagkwento tungkol kay Martin Luther, ang Katolikong paring Aleman na isang mahalagang katauhan sa Repormasyon sa ng mga Protestante sa Europa.7Pagkatapos ay binigyan niya ang mga bata ng maikling pagsusulit. Gayunman, sinagot ng mga estudyante ang mga tanong na para bang sila ay tinuruan tungkol kay Martin Luther King Jr., ang Amerikanong lider ng civil rights; wala silang tanong na nasagutan ng tama.
Pagkatapos, ang guro ay nagtipon ng ikalawang grupo ng mga 4th grader. Gayunman, sa pagkakataong ito nagsimula siya sa isang tanong: “Ilan sa inyo ang nakakakilala kung sino si Martin Luther King Jr.?” Lahat ng mga kamay ay nagsitaasan. Ang mga batang iyon ay maraming alam tungkol kay Martin Luther King Jr. Pagkatapos ay itinanong ng guro, “Alam ba ninyo kung bakit ang mga magulang ni Martin Luther King Jr. ay pinangalanan siyang Martin Luther—King?” Walang may alam. Pagkatapos ay sinabi niya, “Sasabihin ko sa inyo kung bakit.” Pagkatapos ay itinuro niya sa kanila ang tungkol kay Martin Luther, gamit ang eksaktong kaparehong impormasyon na ginamit niya sa naunang grupo. Nang bigyan niya sila ng kaparehong pagsusulit, tama ang sagot ng ikalawang grupo sa lahat ng mga tanong.
Ang unang grupo ng mga estudyante ay talagang walang natutunan tungkol kay Martin Luther.8Ngunit sa ikalawang grupo iniugnay ng guro si Martin Luther kay Martin Luther King Jr., sa isang taong lubos na kilala ng mga estudyante at malapit sa kanilang puso.
Ang mga katanungan ng guro at ang kanyang talakayan kasama sila ay nagbukas sa isipan at puso ng mga estudyante sa bagong impormasyon at bagong damdamin. Hindi lamang nila natutunan ang tungkol kay Martin Luther, kundi ang pagkatutong iyon ay nakadagdag din sa kanilang pag-unawa kay Martin Luther King Jr.
Ang kwento ay mayroong mga implikasyon sa paggawa ng mga karanasang makatutulong sa ating mga estudyante na gamitin ang kanilang mga puso sa pag-unawa sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Dalawa ang nangingibabaw:
-
May dakilang kapangyarihan sa pag-uugnay ng alituntunin sa kanilang sariling karanasan at sa kung ano ang nalalaman at nauunawaan na nila. Ang personal na karanasan talagaang daan tungo sa kanilang mga puso.
-
Napakahalagang gamitin ang kapwa mga tanong naatingitinatanong at mga tanong na itinatanong ngmga estudyante. Ang mga tanong ang nagbubukas ng kanilang mga isipan at kanilang mga puso.
Ang mga ito ay mabisang mga ideya. Inaanyayahan ko kayong gamitin ang mga ito kasama ang dalawa pang iba:
-
Sadyang ituro ang proseso. Ang paggamit ng mga puso sa pag-unawa ay isang espirituwal na proseso; ang pag-unawa ng puso ay isang espiriruwal na kaloob. Pakituruan ang mga estudyante kung paano ginagawa ang proseso. Tulungan silang maramdaman ang kanilang responsibilidad na gamitin ang kanilang kalayaang pumili na piliin ang Panginoon at isabuhay ang mga alituntunin. Turuan silang pagnilayan ang kanilang karanasan at ibahagi ang kanilang natututunan at maging saksi ng katotohanan. Ang biyaya ni Jesucristo ay mapapasakanila habang tinuturuan nila ang isa’t isa.9
-
Magtuon sa Tagapagligtas. Kailangan nila ang Kanyang doktrina at Kanyang liwanag, pag-ibig, at kapangyarihan; lahat ng bagay ay nagsasama-sama sa Kanya. Kapag sumasaksi tayo sa Kanya at iniuugnay ang mga alituntunin sa Kanya, ang Espiritu Santo ay sasaksi sa katotohanan, magtuturo, at maglilinaw.
Habang ginagawa ninyo ang mga bagay na ito, at marami pang iba, ang Espiritu Santo ay magpapatotoo sa katotohanan, lalo na na si Jesus ang Cristo. Isa-isa Niyang tuturuan ang inyong mga estudyante. Babaguhin Niya ang kanilang mga puso, at sila ay lalago sa kanilang pag-unawa sa ebanghelyo ni Jesucristo. Alam ko na ito ay totoo. Iniiwan ko sa inyo ang aking pagmamahal at patotoo, sa pangalan ni Jesucristo, amen.
© 2019 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Bersyon: 11/18. Pagsasalin ng “Apply Your Hearts to Understanding.” Tagalog. PD60007796 893