“Muli Ko Siyang Makikita,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2021, 27.
Mga Saligang Kaytibay
Makikita Ko Siyang Muli
Nang pumanaw ang lola ko, talagang nalungkot ako na hindi ko na siya makakasama. Mahirap na wala na siya rito.
Nagsisimba ako noon, pero nadama ko na may kulang sa akin. Gusto kong malaman pa kung saan mapupunta ang lola ko pagkatapos ng buhay na ito. Isang araw nagpasiya akong manalangin at humingi ng tulong sa Diyos.
Nakatanggap ako ng sagot makalipas ang ilang araw nang makilala ko ang dalawang missionary ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sa unang pagkikita namin, itinuro nila sa akin na ang Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo ay may plano ng kaligayahan para sa bawat isa sa atin at na ang kamatayan ay hindi permanente. Nagpasiya akong patuloy na makipagkita sa mga missionary, at makalipas ang ilang linggo nagpasiya akong magpabinyag. Makalipas ang isang buwan, nabinyagan din ang nanay ko at ang kapatid kong lalaki.
Ngayon halos 17 taong gulang na ako, at sabik na akong magmisyon isang araw at gumawa para mas mapalapit kay Cristo ang mga tao—tulad ng ginawa ng mga missionary para sa akin.
Mahirap ang mahiwalay sa lola ko. Ngunit ang malaman na ang mga pamilya ay maaaring magkasama-sama sa walang-hanggan dahil kay Jesucristo at sa gawaing ginagawa sa mga templo ay nagdudulot sa akin ng kapayapaan at kagalakan!
Lucas R., Sao Paulo, Brazil