2021
Upang Gawin ang Kalooban ng Diyos
Abril 2021


“Upang Gawin ang Kalooban ng Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2021, 26–27.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Upang Gawin ang Kalooban ng Diyos

Sidney at Phebe Brooks Rigdon

Larawan
Upang Gawin ang Kalooban ng Diyos

Bago sumapi sa Simbahan, si Sidney Rigdon ay isang pastor na Kristiyano.

Binigyan siya ng kaibigan niyang si Parley P. Pratt ng isang kopya ng Aklat ni Mormon.

Binasa at ipinagdasal ni Sidney ang tungkol sa aklat.

Nakadama siya ng kapayapaan at nalaman niya na ito ay salita ng Diyos.

Ang pagsapi sa ipinanumbalik na Simbahan ay nangangahulugang mawawalan siya ng trabaho sa paglilingkod sa kanyang simbahan.

“Ano ang dapat nating gawin?”

Ang asawa niyang si Phebe ay nagkaroon din ng patotoo sa Aklat ni Mormon.

“Nais kong gawin ang kalooban ng Diyos.”

Ang mga Rigdon ay nabinyagan nang sumunod na buwan.

Nahikayat si Sidney na magbiyahe papunta sa New York …

… kung saan niya nakilala si Joseph Smith.

Nagtrabaho siya bilang tagasulat para sa Propeta.

Ang mga Rigdon ay may malakas na patotoo at naimpluwensyahan nila ang maraming tao sa kabutihan.

Print