“Siya ay Buhay!” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2021, 32.
Taludtod sa Taludtod
Siya ay Buhay!
Si Propetang Joseph Smith ay nagbigay ng makabagong patotoo o pagsaksi tungkol sa nabuhay na mag-uling Jesucristo.
Siya ay buhay!
Ang mga propeta at mga apostol ay mga saksi ni Jesucristo. Pinatototohanan nila na Siya ay nagdusa, namatay, at muling nabubuhay ngayon.
Siya ay aming nakita
Noong Pebrero 16, 1832, nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon si Jesucristo sa isang pangitain.
Kanang kamay
Sa mga kultura ng Biblia, ang kanang kamay ay isang lugar ng karangalan sa isang pista o kapita-pitagang okasyon. Kadalasan ay ibinibigay ito noon sa tagapagmana ng kaharian o ng bahay.
Ang Bugtong na Anak ng Ama
Si Jesucristo ay isinilang sa lupa. Si Maria ang Kanyang ina, at sa pamamagitan ng isang himala, ang Ama sa Langit ang ama ng Kanyang pisikal na katawan. Si Jesucristo ang tanging taong isinilang sa ganitong paraan. Nakatulong ito para Siya ang maging Tagapagligtas natin.
Ang mga daigdig ay nililikha at nalikha
Si Jesucristo ang Lumikha. Nilikha Niya ang daigdig na ito at ang iba pang mga daigdig.
Mga naninirahan doon
May mga anak ang Ama sa Langit sa iba pang mga daigdig, at si Jesucristo rin ang kanilang Tagapagligtas.