2021
Ano ang batas ng lubos na paglalaan? Paano ito nakakaapekto sa akin?
Abril 2021


Ano ang batas ng lubos na paglalaan? Paano ito nakakaapekto sa akin?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2021, 31.

Tuwirang Sagot

Ano ang batas ng lubos na paglalaan? Paano ito nakakaapekto sa akin?

mga kabataan na gumagawa ng proyektong serbisyo

Ang batas ng lubos na paglalaan ay isang alituntuning ibinibigay ng Panginoon sa Kanyang mga pinagtipanang tao. Upang maipamuhay ang alituntuning ito, inilalaan nang lubusan ng kalalakihan at kababaihan ang kanilang sarili sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos at tinitiyak na “walang maralita sa kanila” (Moises 7:18). Ibinibigay nila ang kanilang panahon, mga talento, at materyal na mapagkukunan para mapaglingkuran ang Panginoon, ang Kanyang Simbahan, at Kanyang mga anak.

Noong mga unang araw ng ipinanumbalik na Simbahan, tinagubilinan ng Panginoon si Joseph Smith sa partikular na paraang ipamumuhay ng mga Banal ang batas na ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:30–42). Ang mga banal ay dapat “ilaan” (isakripisyo o ihandog) ang kanilang ari-arian sa Simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa bishop. Pagkatapos ay ibibigay niya sa kanila ang kailangan nila (ang kanilang “pangangasiwa”). Ang natitira o nalalabi ay ginamit para tulungan ang mga maralita.

Ngayon, ipinamumuhay natin ang batas na ito sa iba-ibang paraan. Halimbawa, naglilingkod tayo sa iba, tumatanggap ng mga calling at tungkulin sa Simbahan at ginagawa ang lahat ng makakaya natin, at nagbabayad ng buong ikapu at bukas-palad na handog-ayuno. Kapag sinusunod natin ang ipinagagawa sa atin ng mga propeta at ng Espiritu Santo para maitayo ang kaharian ng Diyos at tulungan ang mga nangangailangan, sinusunod natin ang batas ng lubos na paglalaan.