“Mga Pamamaraan para sa Institute Graduation,” Gabay para sa Seminary at Institute Graduation Exercises (2021)
“Mga Pamamaraan para sa Institute Graduation,” Gabay para sa Seminary at Institute Graduation Exercises
Mga Pamamaraan para sa Institute Graduation
Paalala: Kapag ang mga bishop at mga stake president ay nabanggit sa ibaba, tinutukoy rin nito ang mga branch president at mga district president.
Mga Tuntunin
-
Ang taunang graduation exercises ay isang paraan ng pagkilala sa pagsisikap at mga natapos at nagawa ng mga estudyante ng institute.
-
Ang graduation ay dapat idaos taun-taon.
-
Dapat idaos ang institute graduation sa campus o sa stake program level. Ito rin ay nagtutulot sa mga stake program na makisali sa mga campus program at ibang mga stake program para sa mga graduation ceremony, kung sa palagay ng mga local administrator at mga lider ay angkop ito.
-
Kung maaari, ang mga graduation ceremony ay dapat idaos pagkatapos ng school year.
-
Kung napagpasiyahan na hindi magdaraos ng mga graduation ceremony, maaaring humingi ang mga inendorsong estudyante ng mga diploma at ipa-print ito ng institute program pagkatapos ng taon.
-
Ang mga estudyanteng kwalipikado para sa graduation ay dapat nakakumpleto ng hindi kukulangin sa 14 credits ng mga institute course: 4 na Cornerstone courses (8 total credits) at 3 elective courses (6 na total credits).
-
Para makumpleto ang isang kurso, dapat natugunan ng mga estudyante ang mga requirement sa (1) attendance, (2) naka-assign na mga babasahin para sa kurso, at mga requirement sa (3)Pagbutihin ang Learning Experience (PLE). May makeup work para sa mga estudyanteng hindi nakatugon sa tatlong requirement na ito. Ang mga inaasahang graduation applicant [mga estudyanteng inaasahang ga-graduate] ay dapat maanyayahang mag-apply para kilalanin sa graduation.
-
Ang mga inaasahang graduation applicant ay dapat kumuha ng ecclesiastical endorsement para makumpleto ang aplikasyon sa graduation.
-
Ang mga preprinted na lagda ng chairman ng Church Board of Education at ng Seminaries and Institutes of Religion (S&I) administrator ang makikita lamang sa mga diploma.
-
Kung nais, sa taunang graduation ceremony, maaaring piliin ng mga institute program na kilalanin ang mga estudyanteng nagkamit ng sertipiko ng pagtapos sa kurso.
Mga Tungkulin at Responsibilidad
Ang stake president na naka-assign sa kasalukuyang Institute Advisory Council (IAC) (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 14.1.2, ChurchofJesusChrist.org; Stake Institute, ChurchofJesusChrist.org) o ang kanyang itinalaga:
-
Sumasangguni sa lokal na institute director para sa paghahanda at pagpaplano ng graduation.
-
Nag-aapruba sa final graduation program.
-
Maaaring magsalita sa graduation at maaaring tumulong sa pagkilala sa mga graduate at pamimigay ng mga diploma.
Lahat ng stake president o kanilang mga itinalaga ay:
-
Tinitiyak na nauunawaan ng mga bishop ang ecclesiastical endorsement requirement ayon sa ipinaliwanag ng institute director. Responsibilidad ng mga estudyante ang paghingi ng ecclesiastical endorsement para makumpleto ang kanilang aplikasyon sa graduation.
-
Dapat nauunawaan na maaari silang makatanggap ng maraming email mula sa maraming institute program, depende sa kung saang institute dumadalo ang mga young adult sa kanilang stake.
-
Dumadalo sa graduation, sinusuportahan ang mga miyembro ng stake sa kanilang tagumpay.
-
Inaanyayahang umupo sa harapan kung may mga estudyante sila na kasama sa graduation.
Ang bishop o isa sa kanyang mga counselor ay:
-
Nag-eendorso sa mga inaasahang graduation applicant kapag humingi ang bawat estudyante ng ecclesiastical endorsement.
-
Maaari, ayon sa kanyang diskresyon, na piliing iendorso o hindi iendorso ang bawat aplikante. Kung hindi pinirmahan ng bishop o ng kanyang counselor ang ecclesiastical endorsement ng isang estudyante sa aplikasyon ng graduation, hindi kumpleto ang aplikasyon at hindi kikilalanin ang estudyante sa graduation.
-
Responsibilidad na ipabatid sa institute graduation applicant na hindi siya inendorso at kung bakit.
-
Inaanyayahang dumalo sa graduation kung may mga estudyante siya na kasama sa graduation, sinusuportahan ang mga miyembro ng ward sa kanilang tagumpay.
Ang Institute Ecclesiastical Endorsement
Ang direktor ng institute ay:
-
Tinitiyak na nauunawaan ng bawat stake president ang ecclesiastical endorsement requirement para maging institute graduate.
Ang stake president o ang kanyang itinalaga ay:
-
Tinitiyak na nauunawaan din ng bawat bishop ang requirement na ito.
Ang bishop o isa sa kanyang mga counselor ay:
-
Kinakausap ang bawat aplikante. Ang endorsement para sa isang estudyante sa institute graduation ay nagpapatunay na nauunawaan at nagsisikap ang estudyante na ipamuhay ang natutuhang mga alituntunin at doktrina ng ebanghelyo ni Jesucisto habang nasa institute, “nagpapatunay na ang mga estudyante ay nararapat at nangangakong ipamumuhay ang mga pamantayan na makikita sa Para sa Lakas ng mga Kabataan o katulad na mga pamantayan para sa mga young adult” (Pangkalahatang Hanbuk, 31.1.7).
-
Maaaring gamitin ang regular na iniskedyul na interbyu sa mga young adult bilang basehan ng pag-endorso o hindi pag-endorso sa isang inaasahang graduation applicant. Hindi kailangang magkaroon pa ng hiwalay na interbyu para sa ecclesiastical endorsement para sa mga institute graduation applicant.
-
Maaari, ayon sa kanyang diskresyon, na piliing iendorso o hindi iendorso ang bawat aplikante. Kung hindi pinirmahan ng bishop o ng kanyang counselor ang ecclesiastical endorsement ng isang estudyante sa aplikasyon ng graduation, hindi kumpleto ang aplikasyon at hindi kikilalanin ang estudyante sa graduation.
-
May responsibilidad na ipabatid sa institute graduation applicant na hindi siya inendorso at kung bakit.