Pagpapaunlad para sa mga Lider at Tungkulin
Gabay para sa Stake Seminary Graduation


“Gabay para sa Stake Seminary Graduation,” Gabay para sa Seminary at Institute Graduation Exercises (2021)

“Gabay para sa Stake Seminary Graduation,” Gabay para sa Seminary at Institute Graduation Exercises

Gabay para sa Stake Seminary Graduation

Mga Tuntunin sa Graduation

Ang pagtupad sa mga kinakailangan sa graduation ay makatutulong sa mga kabataan na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob sa Tagapagligtas na si Jesucristo habang regular silang dumadalo sa klase, nakikibahagi sa klase, at nagsisimulang magtatag ng habambuhay na huwaran ng araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan (tingnan sa “Credit at Pagtatapos” sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 15.1.5, at “Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion,” Gospel Library). Ang bawat kabataan ay may iba’t ibang antas ng suporta ng pamilya, pag-unawa sa ebanghelyo, kakayahan, at dedikasyon. Ang mga requirement na ito ay sadyang angkop sa mga estudyante sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Upang maging kwalipikado sa seminary graduation, kailangang makumpleto ng estudyante ang walong semestre ng seminary at makatanggap ng ecclesiastical endorsement.

  • Para makumpleto ang kurso ng pag-aaral, ang mga estudyante ay dapat dumalo nang hindi kukulangin sa 75 porsiyento ng mga sesyon ng klase, kumpletuhin ang kailangang basahin sa bawat term/semestre, at makibahagi sa collaborative learning assessment.

  • Ang impormasyon tungkol sa progreso ng mga estudyante sa graduation ay maaaring ibigay ng S&I representative o maa-access nang direkta ng mga magulang at lider ng priesthood sa mySeminary.ChurchofJesusChrist.org.

  • May makeup work para sa mga estudyanteng hindi nakatugon sa mga requirement na ito.

Mga detalye tungkol sa graduation program:

  • Ang graduation exercises ay isang paraan ng pagkilala sa mga pagsisikap at nagawa ng lahat ng mga estudyante ng seminary.

  • Ang seminary graduation ay dapat idaos taun-taon sa stake level.

Mga detalye sa paghahanda ng diploma:

  • Ang mga preprinted na lagda lamang ng chairman ng Church Board of Education at ng administrator ng Seminaries and Institutes of Religion ang makikita sa mga seminary diploma.

  • Kung maaari, ang seminary graduation ay dapat idaos pagkaraang matapos ang school year para maibigay ang mga diploma sa graduation ceremony. Ang mga diploma ay ibinibigay sa stake representative (karaniwan sa isang nakatalagang high councilor) para maibigay sa stake seminary graduation.

  • Kung ang seminary graduation ay idaraos bago matapos ang school year, maaaring ibigay sa mga graduate ang isang diploma cover na walang laman. Kapag may mga diploma na, maaaring ipadala ang mga ito sa mga graduate o ihatid sa mga lider ng stake o ward para maibigay.

  • Ang mga diploma ng mga estudyante na walang ecclesiastical endorsement ay ibibigay sa mga bishop para maipagkaloob sa mga estudyanteng iyon kalaunan. Ang mga hindi inendorsong estudyante ng seminary ay hindi kikilalanin sa graduation.

Mga Sertipiko ng Pagtapos sa Kurso

Kukumpletuhin ang lahat ng seminary credit requirement. Depende sa mga pangangailangan ng stake, ang mga lokal na seminary program administrator, sa pakikipagsanggunian sa mga lider ng stake, ang magpapasiya kung, kailan, at saan ipi-print at ipagkakaloob ang mga sertipiko ng pagtapos sa kurso. Ang mga sertipiko ng pagtapos sa kurso ay maaaring i-print at ibigay sa bawat term/semestre, sa katapusan ng bawat taon, o hindi ibigay kailanman. Ang mga sertipiko ay maaaring ibigay sa seminary graduation, sa mga klase sa seminary, o sa iba pang paraan.

Mga Tungkulin at Responsibilidad

Ang stake president:

  • Sumasangguni sa nakatalagang seminary principal o coordinator ng stake para ihanda at planuhin ang stake seminary graduation.

  • Tinitiyak na nabigyan ng ecclesiastical endorsement ang mga inaasahang makaka-graduate.

  • Inaatasan ang stake seminary supervisor o high councilor na i-coordinate ang stake seminary graduation program.

Ang bishop:

  • Nagpapasiya kung ieendorso o hindi ang bawat potensyal na seminary graduate. Ang endorsement status ng mga estudyante ay hindi dapat ibahagi sa mga seminary program.

  • Ipinababatid sa estudyanteng hindi inendorso ang mga dahilan kung bakit hindi siya inendorso. Dapat kausaping mabuti ng bishop ang mga magulang o tagapag-alaga ng estudyante kung hindi makakasali ang estudyante sa seminary graduation program.

  • Nagbibigay sa stake president ng listahan ng mga inendorsong estudyante para maidagdag sa stake graduation program.

Ang Seminary Ecclesiastical Endorsement

Para sa mga stake president at mga bishop:

  • Ang pag-endorso ng bishop ng isang estudyante para sa seminary graduation ay “nagpapatunay na ang isang estudyante ay karapat-dapat at tapat sa pamumuhay ng mga pamantayan ng ebanghelyo” (Pangkalahatang Hanbuk [2020], 15.1.5, ChurchofJesusChrist.org).

  • Maaaring gamitin ng bishop o ng isa sa kanyang mga counselor ang regular na nakaiskedyul na pag-interbyu ng mga kabataan bilang batayan kung ieendorso o hindi ang isang estudyante na inaasahang magtatapos. Hindi kailangang magkaroon ng isa pang hiwalay na interbyu para sa ecclesiastical endorsement para sa mga estudyanteng ito.

  • Ang bishop ang magpapasiya kung ieendorso o hindi ang bawat potensiyal na graduate.

  • Tinitiyak ng mga seminary principal o coordinator na nauunawaan ng bawat stake president ang ecclesiastical endorsement requirement para maging seminary graduate ang isang estudyante.

  • Tinitiyak ng stake president na nauunawaan ng bawat bishop o branch president ang ecclesiastical endorsement requirement para maging seminary graduate ang isang estudyante.

  • Ang mga inendorsong estudyante lamang na kwalipikado sa akademya para mapagkalooban ng diploma ang dapat kilalanin sa stake seminary graduation.

Sampol ng Seminary Graduation Program

[Pangalan ng stake]

Seminary Graduation

[Petsa/oras (inirerekomendang haba ng oras: 1 oras)]

[Lugar]

Nangungulo:

Nangangasiwa:

Piyanista:

Tagakumpas:

Pagbati:

Pambungad na himno:

Pambungad na panalangin:

Mensahe tungkol sa pakikibahagi sa seminary program:

Magsasalitang estudyante (isa o mahigit pa):

Pagtatanghal ng awit:

Magsasalitang estudyante (isa o mahigit pa):

Maikling mensahe ng S&I representative (maaaring kabilangan ng Layunin ng S&I, pagkilala sa mga pagsisikap ng mga estudyanteng magtatapos, at pagbanggit sa mga credit requirement):

Mensahe ng isang miyembro ng stake presidency (maaaring kabilangan ng paanyayang magrehistro para sa institute):

Pagkakaloob ng mga seminary diploma:

Pangwakas na himno:

Pangwakas na panalangin:

Ang sumusunod ay listahan ng mga pangalan at website na iminumungkahi na isama sa naka-print na programa: