Adiksyon
Adiksyon


“Adiksyon,” Adiksyon (2020)

“Adiksyon,” Adiksyon

babae sa miting

Adiksyon

Buod

Ang adiksyon ay patuloy na pagkagumon sa isang mapaminsalang bisyo o sangkap. Nakakasira ito sa kakayahang makinig sa Espiritu at nililimitahan nito ang kalayaan. Marami sa mga nahihirapan sa adiksyon ang dumaranas ng kahihiyan at maaari nilang madama na hindi posible ang paggaling. Subalit sa Diyos, walang imposible (tingnan sa Lucas 1:37). Lahat ay maaaring mapagaling, mapanumbalik, at maprotektahan sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Ang mga adiksyon ay maaaring kabilangan ng paggamit o pag-abuso sa mga sangkap na tulad ng tabako, alak, ilegal na mga droga, at mga iniresetang gamot, gayundin ang mga pag-uugaling tulad ng paggamit ng pornograpiya, mga maling pag-uugali sa pagkain, walang-tigil na paggastos, at pagsusugal. Hindi lahat ng paggamit ng isang tao sa gayong sangkap ay sapat ang tindi para matawag na adiksyon, ngunit ang mga pag-uugaling ito ay maaaring mauwi sa pagkalulong. Ang pagkagumon sa o maling paggamit ng gayong mga bagay ay maaaring makapanghina sa pang-araw-araw na buhay at kailangang seryosohin. Ang mga pagsubok na ito ay maaaring mabigat at mangailangan ng panahon para madaig, ngunit kung ang mga indibiduwal ay responsable, sumasampalataya kay Jesucristo, at tumatanggap ng mapagmahal na suporta mula sa iba, maaari silang magbago.

Karagdagang Resources