Seminary
Pambungad sa Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Estudyante ng Seminary


“Pambungad sa Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Estudyante ng Seminary,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Estudyante (2024)

“Pambungad,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Estudyante

dalagita na nag-aaral

Pambungad sa Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Estudyante ng Seminary

Ang layunin ng Seminaries and Institute of Religion ay tulungan ang mga kabataan at young adult na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, ang kanilang pamilya, at ang iba pang tao para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit.

Layunin ng mga lesson sa manwal na ito na tulungan kang makamit ang layuning ito habang pinag-aaralan mo ang Aklat ni Mormon. Ang manwal na ito ay naglalaman ng 255 lesson. Hindi kinakailangang makumpleto mo ang lahat ng lesson na ito. Karamihan sa mga ito ay nakaayon sa scripture block na matatagpuan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na pag-aaralan ng mga indibiduwal at pamilya. Ang iba pang mga lesson ay nauugnay sa doctrinal mastery. Tutulungan ka ng iyong guro para malaman mo kung aling mga lesson ang kukumpletuhin sa tahanan at kung alin ang pag-aaralan ninyo nang magkakasama bilang klase.

Ang gawain para sa bawat lesson ay kinapapalooban ng mga assignment na isusumite mo sa iyong guro. Ang mga assignment na ito ay nakasaad sa icon na ito: icon, isulat. Pag-isipang mabuti kung paano mo kukumpletuhin ang mga assignment na ito. Tutulungan ka nito na magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan habang natututuhan at ipinamumuhay mo ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan. Manalangin bago mo simulan ang iyong mga lesson, at hingin ang patnubay at paggabay ng Espiritu Santo para matulungan ka sa iyong pag-aaral. Maghanap ng mga pagkakataong ibahagi sa iyong pamilya at sa iba ang natututuhan mo. Kapag ginawa mo ito, mapalalalim mo ang iyong pagbabalik-loob sa Tagapagligtas at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo.