Seminary
Doctrinal Mastery: Helaman 5:12—“Sa Bato na Ating Manunubos … Ninyo Kailangang Itayo ang Inyong Saligan”


“Doctrinal Mastery: Helaman 5:12—‘Sa Bato na Ating Manunubos … Ninyo Kailangang Itayo ang Inyong Saligan,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Helaman 5:12,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Helaman 5:12

“Sa Bato na Ating Manunubos … Ninyo Kailangang Itayo ang Inyong Saligan”

pamilyang magkakasamang nasisiyahan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Sa iyong pag-aaral ng Helaman 5:1–13, natutuhan mo kung paano makatutulong sa iyo ang pagtatayo ng iyong saligan kay Jesucristo para mapaglabanan ang malalakas na bagyo ng diyablo (tingnan sa Helaman 5:12). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Helaman 5:12, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang mga sumusunod na katotohanan: Si Jesucristo ang ating tunay na saligan at kung itatayo natin ang ating saligan kay Jesucristo, ang diyablo ay hindi magkakaroon ng kapangyarihan sa atin. Ang mahalagang parirala ng doctrinal mastery para sa Helaman 5:12 ay “Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Gamitin ang sarili mong paraan ng pagsasaulo o ang isa sa mga sumusunod na ideya para matulungan kang maisaulo ang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Maghanap ng maliit na bato na may sapat na espasyo para maisulat dito ang “Helaman 5:12.” Gupitin ang isang piraso ng papel at isulat ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Helaman 5:12, “Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.” Idikit ang piraso ng papel sa bato gamit ang tape, pandikit, o goma. Bigkasin ang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan nang ilang beses hanggang sa maisaulo mo ang mga ito.

dalagitang nakatayo sa ibabaw ng isang bato at nakatingala

Para sa isa pang paraan para matulungan kang magsaulo, gumuhit ng larawan ng isang bato na may isang taong nakatayo rito. Sa mismong bato, isulat ang Helaman 5:12, at sa ilalim nito isulat ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang ilang beses hanggang sa maisaulo mo ito.

icon, isulat
icon, isulat
  1.  Gawin ang sumusunod:

    Isipin kunwari na humingi ang magasin ng Simbahan na Para sa Lakas ng mga Kabataan ng mga ideya mula sa mga kabataan sa buong mundo hinggil sa doktrinang itinuro sa Helaman 5:12. Sa tatlo hanggang apat na pangungusap, gumawa ng isusumite na nagpapaliwanag ng sumusunod:

    • Paano natutulad si Jesucristo sa isang “tunay na saligan”

    • Paano tayo mapoprotektahan ng pagtatayo ng ating espirituwal na saligan sa “bato na ating Manunubos” mula sa “malalakas na hangin” at “ulang yelo” ng diyablo

    Maaari mong ibahagi sa isang kaibigan o kapamilya ang isinulat mo. Maaari mo ring i-post ang iyong mga ideya sa social media gamit ang hashtag na tulad ng #surefoundation o #strivetobe.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Rebyuhin sandali ang talata 5-12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).

Kamakailan ay nabigla ang kaibigan mong si Matilda sa negatibong impormasyong narinig niya tungkol sa Simbahan. Isang kaibigan mula sa dating lugar na tinirhan ni Matilda ang nagpadala sa kanya ng ilang materyal na umaatake sa doktrina ng Simbahan at bumabatikos sa propeta. Nilisan ng kanyang tiyo ang Simbahan kamakailan dahil hindi ito sang-ayon sa ilang patakaran ng Simbahan. Nais ni Matilda na manatiling tapat pero nagsisimulang maisip niya kung may lakas siya na magawa ito. Isang araw habang naglalakad pauwi mula sa paaralan, ibinahagi sa iyo ni Matilda ang nadarama niya at humingi siya ng payo sa iyo.

Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Helaman 5:12 para tulungan si Matilda na manatiling tapat sa kanyang patotoo.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang dalawa o tatlong mabubuting bagay na maaaring gawin ni Matilda para magtiwala sa Tagapagligtas at mapalakas ang kanyang espirituwal na saligan sa mahirap na panahong ito? Anong kaibhan ang magagawa sa kanya ng paggawa ng mga bagay na ito?

  • Anong mga aral ang natutuhan mo noon tungkol sa pagsampalataya kay Jesucristo na maaaring makatulong kay Matilda?

Walang-hanggang pananaw

Tulungan si Matilda na pag-isipan ang kanyang hamon nang may walang-hanggang pananaw sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga turo ng Tagapagligtas.

  • Ano ang ilan sa mga turo ng Tagapagligtas na maibabahagi mo kay Matilda para matulungan siyang makita ang kanyang mga alalahanin nang may walang-hanggang pananaw? (Isipin ang mga scripture passage na tulad ng mga sumusunod: Juan 6:66–69; Mga Hebreo 10:32–36; 2 Nephi 31:20; Doktrina at mga Tipan 58:2–4.)

  • Paano makatutulong ang mga turong ito kay Matilda para makita niya ang kanyang mga alalahanin nang may walang-hanggang pananaw?

  • Paano makatutulong kay Matilda ang doktrinang itinuro sa Helaman 5:12 para makita niya ang kanyang mga alalahanin nang may walang-hanggang pananaw?

icon, isulat
  1.  Gawin ang sumusunod:

    Sumulat ng maikling mensahe kay Matilda na para bang padadalhan mo siya ng text. Isama ang mga kaalamang natamo mo mula sa iyong pag-aaral at pagninilay, at hikayatin siyang magpatuloy nang tapat.

Sources na itinalaga ng Diyos

Itinanong sa iyo ni Matilda kung ano ang maaari niyang gawin kapag tinatanong siya tungkol sa Simbahan at hindi niya alam ang mga sagot dito. Pag-isipang mabuti kung ano ang maaari mong ibahagi sa kanya mula sa mga sumusunod na turo ni Pangulong Russell M. Nelson.

16:22

Piliing maniwala kay Jesucristo. Kung may pag-aalinlangan kayo tungkol sa Diyos Ama at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak o sa katotohanan ng Pagpapanumbalik o pagiging totoo ng banal na pagtawag kay Joseph Smith bilang isang propeta, piliing maniwala [tingnan sa 2 Nephi 33:10–11] at manatiling tapat. Isangguni ang inyong mga tanong sa Panginoon at sa iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian. Mag-aral nang may hangaring maniwala sa halip na umasang may makikitang kamalian sa buhay ng propeta o hindi pagkakatugma-tugma sa mga banal na kasulatan. Huwag nang patindihin pa ang inyong pag-aalinlangan sa pagsasabi nito sa iba pang mga nagdududa. Tulutan ang Panginoon na akayin kayo sa inyong paglalakbay sa pagtuklas ng mga bagay na espirituwal. (Russell M. Nelson, “Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok,” Liahona, Mayo 2021, 103)

  1.  Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Sa iyong palagay, paano makatutulong kay Matilda ang payo ni Pangulong Nelson?

    • Ano ang ilan pang mapagkakatiwalaang sources na maaaring magamit ni Matilda para sa mga sagot?

Matapos kayong magkaroon ng ilang talakayan ni Matilda hinggil sa kanyang pananampalataya at patotoo, nagpasalamat siya sa iyo sa pagtulong sa kanya na matatag na manindigan sa kanyang pananampalataya kay Jesucristo.

Isipin ang sarili mong mga hamon, pati na ang alinman sa mga tukso ni Satanas na maaaring kasalukuyang “huma[ha]mpas sa [iyo]” (Helaman 5:12). Pumili ng isa na gusto mong tulungan ka ng Panginoon, at isulat ito sa itaas ng isang pahina ng iyong study journal. Isulat ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at isulat kung paano mo gagamitin ang mga alituntuning iyon sa sarili mong sitwasyon.