Lumang Tipan 2022
Enero 9. Paano Nais ng Diyos na Pangalagaan Ko ang Kanyang mga Likha, Kabilang na ang Aking Katawan? Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5


“Enero 9. Paano Nais ng Diyos na Pangalagaan Ko ang Kanyang mga Likha, Kabilang na ang Aking Katawan? Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022 (2021)

“Enero 9. Paano Nais ng Diyos na Pangalagaan Ko ang Kanyang mga Likha, Kabilang na ang Aking Katawan?” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women: Mga Paksa ng Doktrina 2022

Larawan
binatilyong naglalakad sa tabi ng lawa

Enero 9

Paano Nais ng Diyos na Pangalagaan Ko ang Kanyang mga Likha, Kabilang na ang Aking Katawan?

Genesis 1–2; Moises 2–3; Abraham 4–5

Larawan
icon ng sama-samang magpayuhan

Sama-samang Magpayuhan

Pinamumunuan ng isang miyembro ng quorum o class presidency; 10–20 minuto

Sa simula ng miting, bigkasin nang sabay-sabay ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay pamunuan ang isang talakayan tungkol sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan gamit ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa ibaba o ang sarili mong mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 10.2, 11.2, ChurchofJesusChrist.org). Magplano ng mga paraan para kumilos ayon sa tinatalakay ninyo.

  • Ipamuhay ang ebanghelyo. Ano ang tinalakay natin noong nakaraan, at anong mga paanyaya o assignment ang ginawa? Ano ang nagawa natin para kumilos ayon sa mga paanyaya o assignment na iyon?

  • Pangalagaan ang mga nangangailangan. Ano ang masasabi o magagawa natin para tulungan ang mga maaaring makadama na sila ay nag-iisa o malayo sa Ama sa Langit?

  • Anyayahan ang lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Ano ang ilang paraan na matutulungan natin ang iba na madama ang pagmamahal ni Jesucristo?

  • Pagkaisahin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan. Anong mga ideya ang maibabahagi natin sa isa’t isa para mapatatag ang ating mga pamilya?

Sa pagtatapos ng lesson, kung angkop, gawin ang mga sumusunod:

  • Patotohanan ang mga alituntuning itinuro.

  • Ipaalala sa mga miyembro ng klase o korum ang mga plano at paanyayang ginawa sa oras ng miting.

Larawan
teach the doctrine icon

Ituro ang Doktrina

Pinamumunuan ng isang adult leader o kabataan; 25–35 minuto

Magkakasamang Matuto

Para matulungan ang mga kabataan na pag-isipan kung ano ang magagawa nila para mas mapangalagaan ang mga likha ng Diyos, isulat sa pisara ang sumusunod na mga heading: Ang Lumikha, Ang Paglikha at Mga Responsibilidad Natin. Hilingin sa kanila na rebyuhin ang Genesis 1–2 at isulat ang natututuhan nila tungkol sa Lumikha at sa Paglikha. Ano ang natututuhan natin tungkol sa ating mga responsibilidad? (tingnan lalo na sa Genesis 1:26–28; 2:15). Ang sumusunod na mga ideya ay makatutulong sa mga kabataan na talakayin ang ating responsibilidad na pangalagaan ang mga likha ng Diyos.

  • Paano mo matutulungan ang mga tinuturuan mo na maunawaan na ang kanilang katawan ay sagradong likha ng Diyos? Halimbawa, maaari mong itanong sa kanila kung ano ang natututuhan natin tungkol sa ating mga katawan mula sa 1 Corinto 6:19–20; Moises 2:26–27; Abraham 4:26–27. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang “larawan” at “wangis”? Magtulungan sa paggawa ng listahan ng ilang bagay na magagawa natin para mapangalagaan ang ating katawan. (Tingnan sa “Kalusugang Pisikal at Emosyonal,” Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011), 25–27.)

  • Ang mga kabataan ay kadalasang nahaharap sa mga mensahe na nagiging dahilan para hindi sila masiyahan sa kanilang katawan. Anyayahan ang mga kabataan na panoorin ang video na “God’s Greatest Creation” (ChurchofJesusChrist.org). Hilingin sa kanila na maghanap ng mga mensahe na tutulong sa kanila na magpasalamat para sa kanilang mga katawan (tingnan din sa Russell M. Nelson, “Your Body: A Magnificent Gift to Cherish,” New Era, Ago. 2019, 2–7). Ano ang maibabahagi natin para matulungan ang isang kaibigan o kapamilya na hindi nasisiyahan sa kanyang katawan?

  • Anyayahan ang mga kabataan na basahin nang tahimik ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga talata, na naghahanap ng mga kabatiran kung bakit nilikha ng Diyos ang mundo at kung paano Niya nais na pangalagaan natin ito: Genesis 1:26–28; 2:15; 1 Nephi 17:36; Doktrina at mga Tipan 49:19–21; 59:15–20; 104:13–18; Moises 2:26–31; 3:15. Hilingin sa kanila na ibahagi ang mga naiisip nila tungkol sa bawat talata. Pagkatapos ay anyayahan silang magtulungan sa paglilista ng mga bagay na magagawa nilang mag-isa o bilang isang grupo para magampanan ang kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mundo (tingnan sa mga ideya sa “Suportang Resources”). Anong mga pagbabago ang kailangan nating gawin sa ating mga isipan at kilos para mas mapangalagaan ang mundo?

  • Isiping anyayahan ang mga miyembro ng klase o korum na dumating sa miting na may dalang isang bagay na nagpapakita ng kagandahan ng mundong nilikha ng Diyos, tulad ng isang drowing, retrato, o tula. Anyayahan silang ibahagi ang dinala nila at ang damdamin nila para sa mga likha ng Diyos.

Kumilos nang May Pananampalataya

Hikayatin ang mga miyembro ng klase o korum na pagnilayan at itala kung ano ang gagawin nila para kumilos ayon sa mga impresyong natanggap nila ngayon. Kung gusto nila, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga ideya. Anyayahan silang isipin kung paano mapapatibay ng pagkilos ayon sa kanilang mga impresyon ang kanilang kaugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Suportang Resources

Mga paraan na mapapangalagaan natin ang mundo:

  • Magtanim ng ilang binhi, puno, o isang halamanan.

  • Pulutin ang basura sa inyong komunidad.

  • Mag-organisa ng isang proyektong paglilinis o pagre-recycle sa komunidad.

  • Mag-hiking at pagnilayan ang mga bagay na pinasasalamatan ninyo.

  • Lumikha ng sining mula sa mga bagay na itatapon mo na sana, at ibahagi ito sa isang group art show.

  • Tumukoy ng mga paraan na maaari kayong magtipid ng enerhiya at tubig.

Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Bigyan ng maraming pagkakataon ang mga miyembro ng klase o korum na turuan ang isa’t isa sa klase, sapagkat madalas ay mas natututo sila mula sa bawat isa at sa karanasang magturo.

Print