“Appendise D: Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women—Meeting Agenda” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)
“Apendise D,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025
Apendise D
Para sa mga Korum ng Aaronic Priesthood at mga Klase ng Young Women—Meeting Agenda
Petsa ng miting:
Nangangasiwa (miyembro ng class o quorum presidency):
Pagsisimula
Himno (opsyonal):
Panalangin:
Ulitin ang Tema ng Young Women o ang Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood.
Magsanggunian
Sa pamumuno ng taong nangangasiwa sa miting, gumugugol ng 5 hanggang 10 minuto ang klase o korum sa pagsasangunian tungkol sa kanilang mga responsibilidad sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Isang pagkakataon ito para sa class o quorum presidency na mag-follow-up tungkol sa mga item na tinalakay sa presidency meeting o sa mga ward youth council meeting.
Maaari ding gamitin ng taong nangangasiwa ang isa o mahigit pa sa mga tanong na ito:
Pamumuhay ng ebanghelyo
-
Anong mga karanasan kamakailan ang nagpalakas sa ating patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?
-
Ano ang ginagawa natin para maging mas malapit sa Tagapagligtas? Paano tayo nagsisikap na maging higit na katulad Niya?
-
Paano natin nadama ang patnubay ng Panginoon sa ating buhay?
Pangangalaga sa mga taong nangangailangan
-
Sino ang nadama natin na ginabayan tayong tulungan o paglingkuran? Anong mga assignment ang natanggap natin mula sa bishopric para matulungan ang isang taong nangangailangan?
-
Anong mga hamon ang kinakaharap ng mga miyembro ng ating klase o korum? Paano natin masusuportahan ang isa’t isa sa mga bagay na pinagdaraanan natin?
-
Mayroon bang isang taong lumipat sa ating ward o sumapi sa Simbahan kamakailan? Paano natin maipadarama na tanggap sila?
Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo
-
Ano ang magagawa natin para maipadama sa iba ang pagmamahal ng Diyos?
-
Sa anong mga paparating na aktibidad natin maaaring anyayahang dumalo ang ating mga kaibigan?
-
Anong mga plano sa pagbabahagi ng ebanghelyo ang natalakay sa mga ward youth council meeting? Paano maaaring makibahagi ang ating klase o korum?
Pagsasama-sama ng mga pamilya para sa kawalang-hanggan
-
Ano ang ilang paraan na lalo tayong makakaugnay sa ating mga kapamilya, pati na sa mga lolo’t lola at mga pinsan?
-
Ano ang ginagawa natin para mahanap ang mga pangalan ng ating mga ninuno na nangangailangan ng mga ordenansa sa templo? Ano ang magagawa natin para matulungan ang iba na mahanap ang mga pangalan ng kanilang mga ninuno?
-
Paano tayo higit na makakalahok sa gawain sa templo—nang mag-isa at bilang isang klase o korum?
Sama-samang matuto
Mamumuno ang isang adult leader o miyembro ng korum o klase sa pagtuturo tungkol sa babasahin sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa linggong ito. Gagamitin niya ang mga ideya sa pag-aaral sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan. Ang ideya sa pag-aaral na may ganitong icon ay nakaayon sa seminary at may kaugnayan lalo na sa mga kabataan. Gayunman, alinman sa mga ideya sa pag-aaral ay maaaring gamitin. Ang bahaging ito ng miting ay karaniwang tumatagal nang mga 35 hanggang 40 minuto.
Pagtatapos
Ang taong nangangasiwa sa miting ay:
-
Patototohanan ang mga alituntuning itinuro.
-
Tatalakayin kung paano kikilos ang klase o korum ayon sa natutuhan nila—bilang isang grupo o nang mag-isa.
Panalangin: