Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Apendise C: Para sa Primary—Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit at Pagtatanghal ng mga Bata sa Sacrament Meeting


“Apendise C: Para sa Primary—Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit at Pagtatanghal ng mga Bata sa Sacrament Meeting” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Apendise C,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

mga batang kumakanta

Apendise C

Para sa Primary—Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit at Pagtatanghal ng mga Bata sa Sacrament Meeting

Ang sagradong awitin ay isang mabisang kasangkapan para tulungan ang mga bata na matuto tungkol sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit at sa mga pangunahing katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Habang kumakanta ang mga bata tungkol sa mga alituntunin ng ebanghelyo, patototohanan ng Espiritu Santo ang katotohanan ng mga ito. Ang mga titik at himig ay mananatili sa puso’t isipan ng mga bata sa buong buhay nila.

Hingin ang tulong ng Espiritu habang naghahanda kang ituro ang ebanghelyo sa pamamagitan ng musika. Magpatotoo tungkol sa mga katotohanang kinakanta ninyo. Tulungan ang mga bata na makita kung paano nauugnay ang musika sa kanilang natututuhan at nararanasan sa tahanan at sa mga klase sa Primary.

Mga Patnubay para sa Pagtatanghal sa Sacrament Meeting

Sa patnubay ng bishop, ang pagtatanghal ng mga bata sa sacrament meeting ay karaniwang idinaraos sa ikaapat na kwarter ng taon. Bilang Primary presidency at music leader, makipagtulungan sa counselor sa bishopric na nangangasiwa sa Primary sa pagpaplano ng pagtatanghal.

Ang pagtatanghal ay dapat magtulot sa mga bata na itanghal ang mga natutuhan nila at ng kanilang pamilya mula sa Doktrina at mga Tipan sa tahanan at sa Primary, pati na ang mga awitin sa Primary na nakanta nila sa buong taon. Habang pinagpaplanuhan ninyo ang pagtatanghal, mag-isip ng mga paraan na matutulungan nito ang kongregasyon na magtuon sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga turo.

Ang mga unit na kakaunti ang mga bata ay maaaring mag-isip ng mga paraan na makakalahok ang mga miyembro ng pamilya na kasama ng kanilang mga anak. Maaaring tapusin ng isang miyembro ng bishopric ang miting sa maikling mensahe.

Habang inihahanda mo ang pagtatanghal, tandaan ang sumusunod na mga patnubay:

  • Hindi dapat gamitin sa pag-eensayo ang oras para sa mga klase ng Primary o sa mga pamilya kung hindi kailangan.

  • Ang mga visual, costume, at media presentation ay hindi angkop para sa sacrament meeting.

Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 12.2.1.2, Gospel Library.

mga batang kumakanta

Mga Tagubilin para sa Oras ng Pag-awit

5 minuto (Primary presidency): Pambungad na panalangin, talata sa banal na kasulatan o saligan ng pananampalataya, at isang mensahe

20 minuto (music leader): Oras ng pag-awit

Pipili ng mga awitin ang Primary presidency at music leader para sa bawat buwan para patibayin ang mga alituntuning natututuhan ng mga bata sa kanilang mga klase at sa bahay. Kasama sa gabay na ito ang isang listahan ng mga awiting nagpapatibay sa mga alituntuning ito.

Habang itinuturo mo ang mga awitin sa mga bata, anyayahan silang ibahagi ang natutuhan na nila tungkol sa mga kuwento at alituntunin ng doktrina na itinuturo sa mga awitin. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga iniisip at nadarama tungkol sa mga katotohanang matatagpuan sa mga awitin.

Ang Aklat ng mga Awit Pambata ang pangunahing resource para sa musika sa Primary. Ang mga himno sa himnaryo at ang mga awitin mula sa Kaibigan ay angkop din. Ang paggamit ng anumang iba pang musika sa Primary ay kailangang aprubahan ng bishopric (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 12.3.4).

Musika para sa Oras ng Pag-awit

Enero

Pebrero

Marso

Abril

Mayo

Hunyo

Hulyo

Agosto

Setyembre

Oktubre

Nobyembre

Disyembre

Paggamit ng Musika para Ituro ang Doktrina

Ang oras ng pag-awit ay nilayon upang tulungan ang mga bata na matutuhan ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Ang sumusunod na mga ideya ay maaaring magbigay-inspirasyon sa iyo habang nagpaplano ka ng mga paraan para maituro ang mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga himno at awitin sa Primary.

Basahin ang kaugnay na mga talata sa banal na kasulatan. Para sa marami sa mga awitin sa Aklat ng mga Awit Pambata at sa himnaryo, nakalista ang mga reperensya sa kaugnay na mga talata sa banal na kasulatan. Tulungan ang mga bata na basahin ang ilan sa mga siping ito, at pag-usapan kung paano nauugnay ang mga talata sa awitin. Maaari ka ring maglista ng ilang scripture reference sa pisara at anyayahan ang mga bata na itugma ang bawat reperensya sa isang awitin o sa isang taludtod mula sa isang awitin.

Punan ang patlang. Isulat ang isang taludtod ng awitin sa pisara nang wala ang ilang mahahalagang salita. Pagkatapos ay ipakanta sa mga bata ang awitin, na pinakikinggan ang mga salita na pupuno sa mga patlang. Habang pinupunan nila ang bawat patlang, talakayin kung anong mga alituntunin ng ebanghelyo ang natututuhan ninyo mula sa nawawalang mga salita.

mga batang kumakanta

Magpatotoo. Magbahagi ng maikling patotoo sa mga bata tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo na matatagpuan sa awitin ng Primary. Ipaunawa sa mga bata na ang pagkanta ay isang paraan na makapagpapatotoo sila at madarama nila ang Espiritu.

Tumayo bilang isang saksi. Anyayahan ang mga bata na maghalinhinan sa pagtayo at pagbabahagi ng natututuhan nila mula sa awiting kinakanta nila o kung ano ang nadarama nila tungkol sa mga katotohanang itinuturo sa awitin. Tanungin sila kung ano ang pakiramdam nila habang kinakanta nila ang awitin, at tulungan silang tukuyin ang impluwensya ng Espiritu Santo.

Gumamit ng mga larawan. Hilingin sa mga bata na tulungan kang maghanap o lumikha ng mga larawang tugma sa mahahalagang salita o parirala sa awitin. Anyayahan silang ibahagi kung paano nauugnay ang mga larawan sa awitin at kung ano ang itinuturo ng awitin. Halimbawa, kung itinuturo mo ang awiting “Sa Kanyang Pagbabalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47), maaari kang maglagay ng mga larawan sa buong silid na nagpapakita ng mahahalagang salita mula sa awitin (tulad ng anghel, taglamig, at bituin). Hilingin sa mga bata na tipunin ang mga larawan at itaas ang mga ito sa tamang pagkakasunud-sunod habang sama-sama ninyong kinakanta ang awitin.

Magbahagi ng isang object lesson. Maaari kang gumamit ng isang bagay para makahikayat ng talakayan tungkol sa isang awitin. Halimbawa, kapag kinakanta ang awiting “‘Magbigay,’ Wika ng Munting Sapa” (Aklat ng mga Awit Pambata, 116), maaari mong ipakita sa mga bata ang isang larawan ng mga bagay na gaya ng sapa, damo, ulan, at mga bulaklak. Maaari itong mauwi sa isang talakayan kung paano mapagpapala ng kahit maliliit na paglilingkod ang iba sa mahahalagang paraan.

Mag-anyayang magbahagi ng mga personal na karanasan. Tulungan ang mga bata na iugnay ang mga alituntuning itinuturo sa awitin sa mga karanasan nila sa mga alituntuning ito. Halimbawa, bago kantahin ang “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99), maaari mong hilingin sa mga bata na itaas ang kanilang kamay kung nakakita na sila ng isang templo. Anyayahan sila na isipin habang kumakanta sila kung ano ang pakiramdam nila kapag nakakakita sila ng templo.

Magtanong. Marami kang maaaring itanong habang kumakanta kayo. Halimbawa, maaari mong tanungin ang mga bata kung ano ang natututuhan nila mula sa bawat taludtod sa awitin. Maaari mo ring hilingin sa kanila na mag-isip ng mga tanong na sinasagot ng awitin. Maaari itong humantong sa isang talakayan tungkol sa mga katotohanang itinuturo sa awitin.

Gumamit ng mga simpleng galaw ng mga kamay. Anyayahan ang mga bata na mag-isip ng mga simpleng galaw ng mga kamay para maalala nila ang mga salita at mensahe ng isang awitin. Halimbawa, habang kinakanta ninyo ang “Babasahin, Uunawain, at Mananalangin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66), maaari mong anyayahan ang mga bata na ituro ang kanilang mga mata habang kumakanta sila tungkol sa pagsasaliksik sa mga banal na kasulatan, ituro ang kanilang mga ulo habang kumakanta sila tungkol sa pagninilay, at humalukipkip habang kumakanta sila tungkol sa pagdarasal.