“Pag-iimbak ng Pangmatagalang Pagkain at Tubig,” Kahandaan sa Emergency (2023)
Pag-iimbak ng Pangmatagalang Pagkain at Tubig
Pambungad
Ang pag-iimbak ng pangmatagalang supply ng pagkain at tubig ay mahalagang ihanda ng mga indibiduwal at pamilya para sa panahon ng emergency, tulad ng kalamidad na dulot ng kalikasan, kahirapan sa ekonomiya, o karamdaman. Ang mga emergency na tulad nito ay madalas makaapekto sa supply ng pagkain at tubig, at sa paghahanda ng pangmatagalang inimbak na pagkain at tubig, maaari kang maging handa para sa mga panahon ng kahirapan.
Bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, hinihikayat tayo na unti-unting magkaroon ng pangmatagalang supply ng imbak na pagkain. “Magiliw na ipinag-utos [ng Ama sa Langit] na ‘ihanda ang bawat kinakailangang bagay’ (tingnan sa D&T 109:8) upang, kung dumating man ang kahirapan, maitataguyod natin ang ating sarili at ang ating kapwa at masusuportahan natin ang mga bishop habang itinataguyod nila ang iba” (Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay: Pag-iimbak ng Pagkain ng Pamilya sa Tahanan [2007], 2).
Bagama’t maaaring naiiba ang pangmatagalang supply ng pagkain depende sa iyong sitwasyon, isipin kung ano ang magagawa mo para unti-unting madagdagan ang sarili mong supply ng pagkaing pang-emergency sa pamamagitan ng pagsunod sa ilan sa mga tagublin at mungkahing ito para sa pangmatagalang pag-iimbak.
Anong Pagkain ang Maaaring Imbakin sa Loob ng 30 Taon o Mahigit Pa?
Ang mga pangunahing pagkain tulad ng dry beans, trigo, bigas, at dry pasta ay maaaring tumagal nang 30 taon o mahigit pa kapag nakapakete nang wasto at nakatago sa isang malamig at tuyong lugar. Ang mga low-moisture na pagkain na wastong nakapakete sa room temperature o mas malamig (24°C/75°F o mas mababa) ay nananatiling masustansya at mas nagtatagal, kaysa inakala noon, ayon sa mga natuklasan sa mga pag-aaral ng siyensya kamakailan. Ang tinatayang shelf life para sa maraming produkto ay nadagdagan ng 30 taon o mahigit pa (tingnan sa chart sa ibaba para sa bagong mga shelf life estimate). Ipinapakita sa mga pag-aaral na matapos maimbak nang matagal, makatutulong ang mga pagkaing ito para manatiling buhay sa panahon ng emergency.
Pagkain |
Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) |
---|---|
Pagkain Trigo | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30+ |
Pagkain Puting bigas | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30+ |
Pagkain Mais | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30+ |
Pagkain Asukal | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) Walang taning |
Pagkain Pinto beans | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30 |
Pagkain Rolled oats | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30 |
Pagkain Pasta | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30 |
Pagkain Potato flakes | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30 |
Pagkain Hiwa-hiwang mansanas | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 30 |
Pagkain Non-fat powdered milk | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 20 |
Pagkain Mga dehydrated carrot | Bagong Mga Shelf Life Estimate na “Magpapanatili ng Buhay” (ayon sa Taon) 10 |
Mga Dry Product na Hindi Inirerekomenda sa Pag-iimbak ng Pangmatagalang Pagkain
Kapag nagpapasiya kung anong mga pagkain ang isasama sa pagkaing iimbak mo nang pangmatagalan, mahalagang tandaan na kailangan ay tuyo ang mga pagkain (mga 10 porsiyento o mas mababa pa ang moisture content). Narito ang ilang dry item na HINDI dapat isama sa iyong pag-iimbak ng pangmatagalang pagkain:
Barley, pearled |
Karne, pinatuyo (tulad ng jerky) |
Itlog, pinatuyo |
Mani |
Harina, whole wheat |
Bigas, brown |
Mga butil, milled (bukod pa sa rolled oats) |
Asukal, brown |
Granola |
Mga gulay at prutas, dehydrated (maliban kung sapat ang pagkatuyo, sa loob at labas, para lumagutok kapag binaluktot) |
Mantikilya, nasa bote o nasa lata |
Tsokolate |
Iba pang mga Pagkaing Isasama sa Iyong Pag-iimbak ng Pangmatagalang Pagkain
Bukod pa sa pag-iimbak ng mga pagkaing nakalista sa chart sa ilalim ng bahaging “Anong Pagkain ang Maaaring Maimbak sa Loob ng 30 Taon o Mahigit pa?” maaari ka ring magdagdag ng iba pang mga item sa iyong pangmatagalang inimbak na pagkain, tulad ng asukal, nonfat dry milk, asin, baking soda, at mantika. Para matugunan ang mga pangangailangan sa nutrisyon, mag-imbak din ng mga pagkaing may vitamin C at iba pang nagbibigay ng kinakailangang sustansya.
Gaano Karaming Pangmatagalang Pagkain ang Kailangan Kong Imbakin para sa Bawat Tao?
Magkano ang Gagastusin para sa Pag-iimbak ng Pangmatagalang Pagkain?
Maaaring iba-iba ang halaga depende sa kung saan at paano ka bumibili ng iyong imbak na pagkain. Mahalagang tandaan na hindi ka dapat gumastos nang labis-labis; halimbawa, huwag mangutang para lang makapag-imbak kaagad ng pagkain. Unti-unting dagdagan ang iyong pangmatagalang inimbak na pagkain para unti-unti rin lang ang paggastos mo sa paglipas ng panahon.
Paano Mo Maiimbak ang Tubig nang Pangmatagalan?
Kung ang direktang pinagkukunan ng tubig ay malinis at nabigyan na ng pretreatment, hindi na kailangan ng karagdagang pag-purify; kung hindi, kailangang i-pretreatment ang tubig bago ito gamitin. Ang tubig mula sa chlorinated municipal water supply ay hindi na kailangan ng treatment kapag nakaimbak sa mga lalagyang malinis at ligtas gamitin sa pagkain. Ang tubig na walang chlorine ay dapat patakan ng bleach. Magdagdag ng 8 patak ng likidong household chlorine bleach (5 hanggang 6 na porsiyentong sodium hypochlorite) kada 4 na litro (1 galon) ng tubig. Ang household bleach lamang na walang mga thickener, pabango, o additive ang gamitin. Mag-imbak ng tubig sa mga lalagyang matibay, walang tagas, at hindi nababasag. Isiping gumamit ng mga plastik na bote na karaniwang ginagamit para sa mga juice o softdrinks. Ilayo ang mga lalagyan ng tubig sa init at sa direktang sikat ng araw. Alamin ang iba pa tungkol sa pag-iimbak at pag-purify ng tubig dito.
Mga Kundisyong Kailangan para sa Pangmatagalang Inimbak na Pagkain
Maaaring magkaroon ng malaking epekto sa storage life ang mga sumusunod na kundisyon:
-
Temperatura Ilagay ang mga produkto sa temperaturang 24°C/75°F o mas mababa pa hangga’t maaari. Kung mas mataas ang temperatura sa imbakan, gamitin at palitan ang mga produkto para mapanatili ang kalidad.
-
Halumigmig o Moisture: Panatilihing tuyo ang mga imbakan. Pinakamainam na panatilihing nakataas ang mga lalagyan mula sa sahig para makaikot ang hangin.
-
Liwanag: Protektahan laban sa liwanag ang mantika at mga produktong nakalagay sa mga plastik na bote.
-
Mga insekto at daga: Protektahan ang mga produktong nakalagay sa mga foil pouch at plastik na bote laban sa paninira ng mga daga at insekto. Kayang pasukin ng daga ang mga pouch. Kung magiging problema ang mga daga o iba pang mga peste sa imbakan, dapat ilagay ang mga pouch sa mga lalagyang hindi kayang pasukin ng mga daga o peste.
Mga Rekomendasyon sa Pag-package ng Pangmatagalang Pagkain
Kung balak mong mag-imbak ng pagkain sa bahay mo, inirerekomenda ang mga sumusunod na lalagyan para sa pangmatagalang inimbak na pagkain:
-
Mga foil pouch (available sa Church Distribution Services)
-
Mga boteng PETE (para sa mga dry product tulad ng trigo, mais, at beans)
Mga boteng PETE para sa Pag-iimbak ng Pangmatagalang Pagkain
Ang mga boteng yari sa plastik na PETE (polyethylene terephthalate) ay maaaring lagyan ng mga oxygen absorber para pag-imbakan ng mga produktong tulad ng mga butil. Ang mga boteng PETE ay matutukoy sa lalagyang may nakasulat na PETE o PET sa ilalim ng recycle symbol. Maaari ding gamitin ang mga boteng PETE sa pag-iimbak para sa mas maikling panahon (hanggang limang taon) ng iba pang mga tuyong pagkain tulad ng puting bigas.
Ang mga lalagyang ito, na may mga oxygen absorber packet, ay pinapatay ang mga insekto sa pagkain at tumutulong na maipreserba ang nutrisyon at lasa. Sa ilang sitwasyon, maaari ka ring gumamit ng mga plastik na timba para sa mas pangmatagalang inimbak na trigo, tuyong beans, at iba pang tuyong produkto na malamang na hindi agad masisira.
Mga Foil Pouch para sa Pag-iimbak ng Pangmatagalang Pagkain
Mga Bagay na Madalas Itanong
-
Anong uri ng pouch ang available sa mga home storage center, sa Distribution Services, at online sa store.ChurchofJesusChrist.org?
Ang mga pouch ay yari sa maraming patong na laminated na plastik at aluminum. Ang materyal ay 7 mils ang kapal (178 micron) at pinoprotektahan nito ang pagkain laban sa moisture at mga insekto.
-
Anong mga uri ng pagkain ang maaaring ilagay sa mga pouch?
Maaaring gamitin ang mga pouch sa pag-iimbak ng mga pagkaing tuyo (mga 10 porsiyentong moisture o mas mababa pa), matagal masira, at mababa ang oil content. Maaaring magkaroon ng botulism poisoning kung ang moist o mamasa-masang mga produkto ay inimbak sa oxygen-reduced packaging.
-
Gaano karaming pagkain ang puwedeng ilagay sa bawat pouch?
Bawat pouch ay puwedeng lagyan ng 1 galon (4 na litro) ng produkto. Magkakaiba ang timbang ayon sa produkto. Ang isang pouch ay puwedeng lagyan ng 7 libra (3.2 kilo) ng trigo, 6.8 libra (3.1 kilo) ng puting bigas, o 5 libra (2.3 kilo) ng dry milk.
-
May epekto ba sa mga pagkain ang aluminum na nasa pouch?
Wala. Walang kontak ang mga pagkain sa aluminum dahil nahaharangan ang mga ito ng isang layer ng food-grade plastic o plastik na ligtas gamitin sa pagkain. Mahalaga ang metal barrier sa pagprotekta sa pagkain laban sa halumigmig o moisure at oxygen.
-
Ano ang pinakamainam na paraan para i-seal o isara ang mga pouch?
Dapat i-seal ang mga pouch gamit ang impulse sealer (tingnan sa kaugnay na mga tagubilin). Huwag gumamit ng plantsa o iba pang household heating device dahil hindi sapat ang pag-seal nito, lalo na sa mga powdered product tulad ng harina o dry milk. Ang mga impulse sealer na gamit ng Welfare Services (American International Electric AIE 305 A1 at Mercier ME 305 A1) ay tugma sa sumusunod na mga detalye: may lapad na 3/16-pulgada (5 millimeter) ang seal, may lapad na 11.5-pulgada (305 millimeter) ang mga jaw, hanggang 8-mil (205 micron) ang kapal ng mga pouch, at may safety switch para kanselahin ang pag-seal kung naharangan ang jaw.
-
Saan ako makakahanap ng impulse sealer?
Ang mga impulse sealer ay available sa halos lahat ng home storage center. Maraming stake din ang may mga impulse sealer. Kung gusto mo, maaari kang bumili ng impulse sealer sa Distribution Services o online sa store.ChurchofJesusChrist.org.
-
Kailangan bang tanggalin ang lahat ng hangin mula sa mga pouch?
Hindi. Tinatanggal ng mga oxygen absorber ang oxygen mula sa hangin sa mga pouch. Pinapatay ng mababang oxygen content ang mga insekto sa pagkain at tumutulong na maipreserba ang kalidad ng produkto.
-
Normal bang umimpis ang mga gilid ng pouch kapag naka-seal na ang pouch?
Sa karamihan ng mga produkto, ang mga gilid ng mga naka-seal na pouch ay iimpis nang kaunti sa loob ng ilang araw ng packaging. Mas mapapansin ito sa mga butil na pagkain kaysa sa mga powdered product.
-
Paano dapat iimbak ang mga pouch ng pagkain?
Pinakamainam na itago ang mga pouch sa isang lugar na malamig, tuyo, at hindi dinadaga. Dapat ay hindi direktang nakadikit ang mga storage container sa mga kongkretong sahig o dingding.
-
Hindi ba dinadaga ang mga pouch?
Kayang pasukin ng daga ang mga pouch. Kung magiging problema ang mga daga o iba pang mga peste sa imbakan, dapat ilagay ang mga pouch sa mga lalagyang hindi kayang pasukin ng mga daga o peste. Huwag iimbak ang mga ito sa mga lalagyang ginamit na sa pag-iimbak ng mga item na hindi pagkain.
-
Dapat bang ilagay sa mga pouch ang mga emergency kit?
Maraming emergency supply item ang hindi angkop na ilagay sa mga foil pouch. Ang mga first aid item at rasyon ng pagkain, tulad ng mga granola bar, ay pinakamainam na iimbak sa mga lalagyang may takip na puwedeng buksan para sa madalas na pagpapalit.
Babala: Maaaring magkaroon ng botulism poisoning kung ang moist product ay inimbak sa oxygen-reduced packaging. Kapag nakaimbak sa mga airtight container na may mga oxygen absorber, kailangang tuyo ang mga produkto (mga 10 porsiyento o mas kaunti pa ang moisture content).
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa packaging ng pagkain na iimbakin mo nang pangmatagalan, magpunta sa “Paano Mo Ipa-package ang Pagkain para Tumagal ang Shelf Life”
Paano Mo Ipa-package ang Pagkain para Tumagal ang Shelf Life?
Paglalagay sa mga Boteng PETE
Gumamit ng mga boteng PETE na may mga screw-on lid o de roskas ang takip na may mga plastic o rubber lid seal. Maaari mong tiyakin na hindi tatagas ang lid seal sa pamamagitan ng paglubog sa isang naka-seal na boteng walang laman sa tubig at pagpisil dito. Kung makita mo na may mga bulang lumalabas mula sa bote, tatagas ito.
Linisin ng sabon sa pinggan ang mga bote na ginamit na at hugasang maigi ang mga ito para maalis ang anumang dumi. Patuluin ang tubig at patuyuin nang lubusan ang mga bote bago mo gamitin ang mga ito para lagyan ng mga produktong pagkain.
Maglagay ng oxygen absorber sa bawat bote. Maaaring gamitin ang mga absorber sa mga lalagyan na hanggang 1 galon ang kapasidad (4 na litro).
-
Punuin ng trigo, mais, o dry beans ang mga bote.
-
Punasan ng tuyong tela ang sealing edge ng bawat bote at takpan nang mahigpit.
-
Ilagay ang mga produkto sa isang malamig at tuyong lugar, na malayo sa liwanag.
-
Protektahan ang mga nakaimbak na produkto laban sa mga daga.
-
Gumamit ng bagong oxygen absorber tuwing lalagyang muli ang boteng pinag-imbakan.
Paggamit ng mga Oxygen Absorber
Pinoprotektahan ng mga oxygen absorber ang mga tuyong pagkain para hindi masira ng mga insekto at tumutulong ito na mapanatili ang kalidad ng produkto. Ginagamit ang mga ito kapag naka-package ang mga tuyong pagkain sa naka-seal na mga lalagyan. Ang mga oxygen absorber ay hindi available sa mga home storage center, pero mabibili online sa store.ChurchofJesusChrist.org.
Mga Bagay na Madalas Itanong
-
Ano ang sangkap ng mga oxygen absorber?
Ang mga oxygen absorber ay maliliit na packet na may laman na iron powder. Ang mga packet ay yari sa isang materyal na nagtutulot na makapasok ang oxygen at moisture pero hindi hinahayaang tumagas ang iron powder.
-
Paano gumagana ang mga oxygen absorber?
Ang moisture sa naka-package na pagkain ay nagdudulot ng pangangalawang ng iron sa oxygen absorber. Kapag nag-oxidize ito, nasisipsip ng iron ang oxygen. Ang mga oxygen absorber na para sa 300 cubic centimeters (cc) ng oxygen ay pinakamainam sa tuyong pagkain na nai-package nang wasto sa mga lalagyan na hanggang 1 gallon ang kapasidad (4 na litro).
-
Ang paggamit ba ng mga oxygen absorber ay katumbas ng vacuum packaging?
Ang mga oxygen absorber ay mas epektibong nagtatanggal ng oxygen kaysa sa vacuum packaging. Ang hangin ay mga 20 porsiyentong oxygen at 80 porsiyentong nitrogen. Ang mga absorber ay nagtatanggal lamang ng oxygen. Ang hangin na natitira sa lalagyan ay karaniwang nitrogen at hindi makakaapekto sa pagkain o hindi tutulutan ang pagkakaroon ng mga insekto.
-
Anong uri ng mga produkto ang maaaring imbakin gamit ang mga oxygen absorber?
Dapat ay mababa ang moisture ng mga produkto (mga 10 porsiyento o mas mababa pa) at walang gaanong oil content. Kung hindi sapat ang baba ng moisture content, maaaring humantong sa botulism poisoning ang pag-iimbak ng mga produkto sa reduced-oxygen packaging.
-
Anong mga uri ng lalagyan ang maaaring lagyan ng mga oxygen absorber para sa inimbak na pagkain?
Ang mga oxygen absorber ay dapat gamitin sa mga lalagyan na nagbibigay ng epektibong harang laban sa moisture at oxygen. Pinakamainam ang mga sumusunod na lalagyan:
-
Mga latang metal na may mga sealed lid o mahigpit na takip
-
Mga foil pouch (tulad ng nasa mga home storage center ng Simbahan at available sa store.ChurchofJesusChrist.org)
-
Mga plastik na boteng PETE na airtight at de-roskas ang takip
-
Mga glass canning jar na may mga metal na takip na may mga gasket
Ang mga oxygen absorber ay hindi isang epektibong paraan ng treatment para sa mga plastik na timba, bote ng gatas, o iba pang uri ng mga plastik na bote na walang nakalagay na PETE o PET sa ilalim ng recycle symbol (tingnan sa kanan).
-
-
Ano ang tamang paraan ng paggamit ng mga oxygen absorber?
-
Gupitin ang ibabaw ng supot ng mga absorber. Huwag buksan ang indibiduwal na mga absorber packet.
-
Ilabas ang dami ng mga absorber na gagamitin mo mula sa bag sa susunod na 20 hanggang 30 minuto at ikalat ang mga ito sa isang tray. Maglabas ng karagdagang mga grupo ng mga absorber mula sa supply kapag kailangan mo ang mga iyon sa proseso ng packaging, pero huwag buksan at isara ang bag nang paulit-ulit para lang kumuha ng kaunting absorber sa bawat pagkakataon.
-
I-reseal ang natitirang supply ng mga absorber ayon sa isa sa mga sumusunod na pamamaraan. Huwag mag-imbak ng mga absorber sa mga ziplock bag.
-
I-seal ang bag ng mga absorber gamit ang espesyal na blue clamp na ibinigay ng home storage center.
-
I-seal ang bag ng mga absorber gamit ang impulse heat sealer.
-
Para sa mas pangmatagalang pag-iimbak kapag walang impulse sealer, ilabas ang mga absorber mula sa bag at ilagay ang mga ito sa isang glass canning jar na may metal na takip na may gasket. Kakasya sa isang 1-pint jar (500 milliliter) ang 25 absorber.
-
-
Maglagay ng isang absorber sa bawat lalagyan ng pagkain kapag naka-package na.
Babala: Maaaring magkaroon ng botulism poisoning kung ang moist product ay inimbak sa oxygen-reduced packaging.
-
Mga Plastik na Timba para sa Pangmatagalang Inimbak na Pagkain
Maaaring gamitin ang mga plastik na timba sa pag-iimbak ng mga pagkaing tuyo (mga 10 porsiyentong moisture o mas mababa pa) at mababa sa oil content. Mga timba lamang na yari sa food-grade plastic o ligtas gamitin sa pagkain na may gasket sa mga lid seal ang dapat gamitin. Ang mga timbang pinaglagyan na ng mga item na hindi pagkain ay hindi dapat gamitin.
Para maiwasan ang pagkakaroon ng mga insekto, dapat gumamit ng dry ice (frozen carbon dioxide) para i-treat ang mga butil at dry beans na nakaimbak sa mga plastik na timba. Ang mga treatment method na nakadepende sa kawalan ng oxygen para mapatay ang mga insekto, tulad ng mga oxygen absorber o nitrogen gas flushing, ay hindi epektibo sa mga plastik na timba. Iwasang malantad ang pagkain sa mahalumigmig at mamasa-masang kundisyon kapag ipina-package ang mga ito.
Mga Tagubilin para sa Dry Ice Treatment
-
Gumamit ng humigit-kumulang 1 ounce ng dry ice sa bawat galon (7 gram kada litro) na kapasidad ng lalagyan. Huwag gumamit ng kahit anong uri o laki ng dry ice sa mga metal na lalagyan dahil maaaring hindi ito ma-seal nang husto o masobrahan sa namuong pressure.
-
Magsuot ng guwantes kapag humahawak ng dry ice.
-
Punasan ng malinis at tuyong tuwalya ang mga frost crystal mula sa dry ice.
-
Ilagay ang dry ice sa gitna ng ilalim ng lalagyan.
-
Ibuhos ang mga butil o dry beans sa ibabaw ng dry ice. Punuin ang timba hanggang 1 pulgada (25 millimeter) mula sa ibabaw.
-
Ilagay ang takip sa ibabaw ng lalagyan at ibaba ito nang hanggang mga kalahati lamang ng paligid ng lalagyan. Sa bahagyang nakasarang takip ang carbon dioxide gas ay makalalabas mula sa timba habang nagiging gas ang dry ice (mula solid tungo sa pagiging gas).
-
Hayaang tuluyang maging gas ang dry ice bago isara nang lubusan ang timba. Kapain ang ilalim ng lalagyan para malaman kung wala na ang dry ice. Kung masyadong malamig ang ilalim ng lalagyan, mayroon pa ring dry ice doon.
-
Bantayan ang timba nang ilang minuto matapos itong takpan. Kung lumobo ang timba o takip, iangat nang bahagya ang gilid ng takip para bawasan ang pressure.
-
Normal lang na umimpis nang bahagya ang takip ng timba dahil nasipsip ng produkto ang carbon dioxide.
Pag-iimbak ng mga Plastik na Timba
-
Ilagay ang mga plastik na timba nang nakaangat sa sahig nang kahit mga ½ pulgada (1.3 sentimetro) para makaikot ang hangin sa ilalim ng timba.
-
Huwag pagpatungin ang mga plastik na timba nang mahigit sa tatlo. Kung patung-patong ang mga timba, tingnan ang mga iyon paminsan-minsan para matiyak na hindi nasisira ang mga takip dahil sa bigat.
Mga Tagubilin para sa Pouch Sealer
Para sa Automatic Impulse Sealer (115 volt)
Basahin lamang ang buong sheet bago magsimula.
Pag-set Up ng Sealer
-
Ilagay ang sealer sa isang matibay na patungan na mga 5 pulgada (13 sentimetro) sa ibabaw ng mesa. Ilalagay nito ang sealer jaw opening nang mga 8½ pulgada (22 sentimetro) sa ibabaw ng mesa para maging tama ang puwesto nito sa pag-seal. Ikonekta ang foot switch sa likod ng sealer at ilagay ang foot switch sa sahig. I-plug ang power cord. Babala: Huwag hayaang magpunta ang mga bata sa lugar kapag naka-plug ang sealer.
-
I-set ang Recycle dial sa 2, Congealing dial sa 6, Sealing dial sa 4, at Action Selector switch sa “Manual.” Buksan ang bag na naglalaman ng mga oxygen absorber. Ilabas ang dami ng mga packet na gagamitin mo sa susunod na 20 hanggang 30 minuto. I-reseal ang bag gamit ang impulse sealer.
-
Buksan at i-reseal ang bag kapag kailangan mo ng dagdag na grupo ng mga absorber.
Pagpupuno ng mga Pouch
-
Punuin ang isang pouch ng 1 galon (4 na litro) ng produkto. (Kapag masyadong puno, hindi ito gaanong maisasara.) Ang 2-quart (2-litro) na pitsel, na nasa hanggang 2-quart (2-litro) na linya, ay magandang gamiting panukat kapag naglalagay ka sa mga pouch. Magsukat ng dalawang litrong pagkain na isiniksik nang kaunti.
-
Maglagay ng oxygen absorber packet sa ibabaw ng produkto sa bawat pouch.
-
Para sa mga powdered product, punasan ng tuyong tuwalya ang naiwang powder sa loob ng seal area.
Pag-seal ng mga Pouch
-
Buksan ang Power switch. (Huwag hayaang makapunta ang maliliit na bata sa lugar kapag naka-on ang sealer.)
-
Ilagay ang pouch sa tuwid na posisyon sa harapan ng sealer. Ipatong ang bigat nito sa mesa o istante; huwag itong hayaang nakabitin.
-
Isara ang pouch sa pamamagitan ng paghawak sa gilid ng mga ise-seal at mahigpit na hilahin ang mga ito palabas. Itupi nang 1½ pulgada ang itaas ng pouch (30–40 millimeter) nang pa-right angle at itulak pababa ang laman ng pouch para lumabas ang sobrang hangin mula sa package. Ayusin ang produktong nasa loob ng pouch at patagin ang opening o bunganga ng pouch. Kung hindi mapatag at madaling itupi, tingnan kung masyadong puno ang pouch.
-
Hawakan ang pouch sa mga gilid ng ise-seal at ipasok ang itaas na gilid ng pouch sa jaw opening. Ilayo ang mga daliri sa jaw.
-
Ipuwesto ang pouch para mai-seal ito nang malapit sa itaas. Hilahin palabas ang mga gilid na nai-seal para maalis ang mga lukot. I-press ang foot switch para i-activate ang sealer. Bitawan ang pouch kapag sumara na ang jaw. Alisin ang pouch kapag tapos na ang cycle.
-
Isulat sa pouch kung ano ang laman nito at ang petsa ng packaging.
Pagsuri Kung Maayos na Naka-seal
-
Inspeksyunin ang pagkaka-seal para matiyak na maayos ang mga iyon at walang mga sunog na bahagi. Ang pagkaka-seal ay dapat tulad sa pagkaka-seal ng pabrika.
-
Subukan kung mabubuka ang seal.
-
Itulak pababa ang pouch para malaman kung may lalabas na hangin o produkto mula sa pouch.
-
Kung bumubuka ang mga seal, tingnan kung hindi lubos na nalinis ang bahaging isi-seal o seam area o kung masyadong puno ang pouch. Kung kailangan, dagdagan ang sealing setting ng ¼ step (halimbawa, mula 4 ay gawin itong 4.25). I-verify kung naka-set ang congealing sa 6.
-
Kung sunog ang seal, bawasan ang sealing setting ng ¼ step.