Library
Pagharap sa mga Hamon: Pagpapalakas ng Katatagan: Gabay sa Pagkilala at Pagpapalakas ng Sarili


“Pagharap sa mga Hamon: Pagpapalakas ng Katatagan: Gabay sa Pagkilala at Pagpapalakas ng Sarili,” Kahandaan sa Emergency (2023)

Pagharap sa mga Hamon: Pagpapalakas ng Katatagan: Gabay sa Pagkilala at Pagpapalakas ng Sarili

babaeng nakatingin sa malayo

Pambungad

Ang katatagan ay maaaring bigyang-kahulugan bilang kakayahang makayanan ang, makabangon mula sa, at makasabay sa stress sa araw-araw na buhay at sa mga pangyayaring nagpapabago ng buhay. Naipapakita natin ang ating katatagan sa pamamagitan ng aktibong paggamit ng mga kasanayan para maharap ang mahihirap na pagsubok. Kung minsan, nagpapakita tayo ng katatagan sa pamamagitan ng simpleng pagtitiis. Matututuhan nating magkaroon ng katatagan at mapalakas pa ito sa pamamagitan ng pagpapatatag ng ating mga ugnayan at pagpapalakas ng kalusugan ng ating katawan, isipan, damdamin, at espituwalidad.

Kung ikaw ay nahaharap ngayon sa isang krisis o naiisip mong magpakamatay, lumapit sa isang tao para makakuha ng suporta. Isiping lumapit sa isang taong mapagkakatiwalaan mo, kabilang ang isang kapamilya, kaibigan, lider sa Simbahan, o propesyonal. Tawagan ang 988 (USA) o magpunta sa crisis helpline para mahanap ang resources sa buong mundo.

Ang mga pahayag sa ibaba ay nilayong tulungan kang makilala ang iyong mga kalakasan at malaman kung alin ang maaari mo pang pagbutihin. Habang isinasaalang-alang mo ang bawat parirala, maging matapat, mahabagin, at huwag husgahan ang iyong sarili. Ang bawat pahayag ay maaari mong sagutan ng “Halos Palagi” hanggang “Hindi sa Ngayon.” Dahil ang katatagan ay nagbabago, isipin kung nasaan ka ngayon sa mga pahayag na ito.

Isiping magtakda ng isa o dalawang mithiin para sa “planuhin ang gagawin” kasama ang isang pinagkakatiwalaang kapamilya, kaibigan, lider sa Simbahan, o propesyonal. Mahalagang bagay ang kalusugan ng iyong damdamin, at ang pagbabahagi ng iyong mga mithiin ay magpapalapit sa iyo sa ibang tao at magpapalakas ng iyong pagnanais na gawin ang bagay na ito. Ang taong ito ay maaari ding makapagbigay ng feedback at patuloy na suporta.

Ang patuloy mong pagsasabuhay ng mga gawain at kasanayan para magkaroon ng katatagan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng iyong mga ugnayan, kalusugan ng katawan, kaisipan, pag-uugali, at damdamin ay makatutulong sa iyo na mapakalas ang iyong kakayahang harapin ang mga hamon ng buhay.

Mga Ugnayan

Mayroon akong mga kapamilya na mapagkakatiwalaan ko at sumusuporta sa akin:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

May mapagkakatiwalaan akong mga kaibigan na sumusuporta sa akin:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Ipinapahayag ko ang aking pakikiramay sa iba:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Gumugugol ako ng oras sa pagtulong sa iba:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Epektibo ang aking komunikasyon sa iba:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

May mga tao akong tinitingala bilang huwaran ng mabuting ugnayan:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Planuhin ang gagawin: Ano ang magagawa ko para mas humusay ako sa pagbuo ng mga ugnayan?

Kalusugan ng Katawan

Sapat ang iniinom kong tubig:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Masustansya ang kinakain ko araw-araw:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Pinananatili kong malinis ang aking katawan:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Regular akong nag-eehersisyo:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Planuhin ang gagawin: Ano ang maaari kong gawin para mas lumusog pa ang aking katawan?

Mga Iniisip

Mabisa kong nakokontrol ang aking iniisip:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Naghahanap ako ng totoo at tumpak na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sources (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.8.41):

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Ang aking espirituwal na paniniwala ang gabay ko sa aking pag-iisip:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Naniniwala ako na mayroong layunin at kabuluhan ang aking buhay:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Kaya kong makita ang buhay sa makatotohanan at positibong paraan:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Planuhin ang gagawin: Ano ang maaari kong gawin para mas maging mahusay ang aking pag-iisip?

Mga Pag-uugali

Regular kong ginagamit ang mabubuting paraan para makayanan ang mga pagsubok:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Sumasabay ako sa pagbabago at mga hamon kapag kailangan:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Tinanggap ko ang personal na responsibilidad kaugnay ng aking mga pagkilos at hindi ang sa pagkilos ng iba:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Sinisikap kong mamuhay ayon sa aking mga pinahahalagahan at paniniwala sa relihiyon:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Kaya kong harapin ang aking mga takot kapag kailangan:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Planuhin ang gagawin: Ano ang magagawa ko para mas humusay ako sa pagkontrol ng aking pag-uugali?

Mga Nadarama

Ipinahahayag ko ang aking nadarama sa mabuting paraan:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Kaya kong kontrolin ang aking damdamin:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Nakakahanap ako ng nakakatawa at nakakatuwang mga bagay sa mga karanasan sa buhay:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Nadarama kong mayroong kabuluhan at layunin ang aking buhay:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Umaasa ako na magiging maganda ang hinaharap:

Halos Palagi — Madalas — Minsan — Madalang — Hindi sa Ngayon

Planuhin ang gagawin: Ano ang magagawa ko para mas humusay ako sa pagkontrol ng aking damdamin?

Ang katatagan ay nabubuo at napapatibay sa pamamagitan ng maliliit at simpleng mga gawain. Mula sa bahaging “Planuhin ang gagawin” sa itaas, ano ang isa o dalawang mithiin na sisimulan kong pagsikapan?

Para malaman ang iba pa tungkol sa katatagan ng damdamin, tingnan ang “Paghugot ng Lakas sa Panginoon: Katatagan ng Damdamin.”